Chapter 50: The Last Battle

113 3 0
                                    

~Shawn's POV~

Hindi ako pumayag na i-train si Kenna. Not now. Not for this. Ayokong lalong gumulo ang sitwasyon dahil doon. Kung tuturuan ko siya, paniguradong maghihiganti lang ito.

Gantihan ang ganap.

Hindi naman ibig sabihin nun ay lagi nalang silang mananahimik kasi alam ko ang pakiramdam ng mamatayan.

Sa ngayon, dapat nilang iwasan ang mga Villarante at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ang problema, hindi natin alam kung sino sino ang mga taong sumusunod sa Reprisal. Sa panahon ngayon, hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan pa ba ang mga taong matagal na nating kasama.

"Litsen Empire Six, you too, Nevilla. Especially you." Utos ni Calix na nagda-drive ngayon ng van namin papunta sa abandoned building ng Blazing Reprisal. Tama, susugurin namin sila ngayon. Kasama namin si Ken dahil mapilit siya. "As of now, let's be frank." His voice was colder than usual. "Sa ayaw at sa gusto niyong malaman, sigurado akong mas malakas sa atin ang Reprisal." Nagtatagalog na siya. Ganun si Calix kapag seryoso. "Last time na nakalaban natin sila? Wala pang kalahati yun sa mga kaya nilang gawin. Idagdag mo pa na kasama nila si Luthea na naging strategist natin isang beses, at Luke. And no, I am not calling him 'Sir Luke' nor 'Kuya Luke', 'Kuya Jairon' and 'Sir Villarante'. That sh*t doesn't deserve even the slightest respect." Hindi siya nakatingin sa amin pero sinisigurado niyang nakikinig kami. "Like I said, hindi natin maiitago na mas malakas sa atin ang Reprisal. Mas malaki ang chance na matatalo tayo ngayong araw."

"Ha? Paano mo nasabi? Bakit pa tayo pupunta doon kung matatalo tayo?" Tanong ni RJ.

"Did you forget that Ken's purpose in this gang is to research the background of our enemies?" Lahat kami ay tumingin kay Ken na seryoso lang nakikinig kay Calix. "Almost all of them are legit experienced and added with Luke's hardcore training. Before all this started, they've been attacking other people and families that made the members' lives miserable. It could be that their last and final goal is to take revenge to the family that made their leaders' lives miserable." Galing sa rear view mirror ay nagtagpo ang tingin ni Ken at Calix na para bang binabantaan ito. "Revenge is written all over that gang so be careful. All our moves may be predicted and we don't have Chrissa's speed anymore. Their source of strength is hatred, anger and revenge." Nagsimula nang manlumo ang lahat sa mga sinasabi niya. Mukhang malaki talaga ang chance na matalo kami. "But even the slightest chance can bring us to victory. They have strength, we have brains. Of course I won't initiate going there without a plan."

"Naks! Ang talino ng leader namin!" Tuwang tuwa na si Nate. "So what's the plan?"

Umayos ako ng upo para makinig sa plano ni Cal. Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang maalala ang dahilan kung bakit kami susugod.

*~*~Flashback*~*~

Nandito kami sa hospital at binabantayan si Tita Ashley na hindi pa pwedeng makalabas kasi hindi pa magaling. Masigla naman na siya pero medyo namamayat na.

"Tapos po, proud na proud pa siyang sabihin na 'Ma'am, hindi naman po isa ang nagsulat niyan eh. Nagkopyahan kami'. Aba! Ang lakas ng loob niya Ma! Yung makita ka lang nga ng katabi mo na nangongopya, nakakahiya na, aminin mo pa kaya sa buong klase hahaha."

Pilit na tawa at kwento ni Kenna kay Tita tungkol sa mga kaklase naming magkapareho ang sagot at handwriting sa long quiz. Halatang pilit lang ang mga tawa at kwento nito para lang mapasaya ang Mama nila. Ang sabi ng doktor ay hindi pwedeng mastress ang pasyente kaya dapat ay good vibes lagi.

"Hahahahaha---oh? Bakit umiiyak ka?" Tanong ni Tita Ashley.

Pinunasan ni Kenna ang kanyang mga luha. "Sorry, Ma. Hindi talaga ako makamove on sa pangyayaring yun. Hahahaha! Naiiyak ako sa tawa." Kasalukuyan niyang pinupunasan ang mga luhang walang tigil na dumadaloy sa pisngi niya. Naaawa ako kasi alam kong hindi yun tears of joy. "Hehe. Wait lang po."

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now