Chapter 12: Calix's rage

101 1 0
                                    

~Kenna's POV~

Nakauwi na kami galing sa Loreland at may pasok na naman bukas.

Inaamin ko ah, kahit di ako marunong lumangoy, kahit nagkaroon ng mga sugat si Chrissa na hindi ko pinagsisihan kasi kalasanan niya yun at danger prone siya, kahit napagtripan ng bata sina Ken at Shawn, nagenjoy pa rin ako.

I mean, sinong hindi diba? Swimming with friends ay isa sa mga hinahangad ng mga tao ngayon.

Pero nang makauwi kami sa amin ay edyo natahimik siya. Parang sobrang lalim ng iniisip.

"Ken, anong iniisip mo?" Nagaalala nang tanong ko kasi tahimik at tulala lang siya. Hindi magsasalita hanggat hindi kinakausap.

"Wala naman"

"Ang tahimik mo"

"Di niyo kasi ako kinakausap"

Ok, medyo acceptable naman yun.

"May nakita nga pala akong stuff toy sa bag mo kanina. Ang cute niyaaa! Akala ko ba ayaw mo sa mga ganun?" Panimula ko ng usapan para di na niya gamitin yung 'di naman ako kinakausap' excuse.

Nagkibit balikat siya. "Akala ko rin"

Nanlaki ang mga mata ko. "A-akala mo rin?! Nababakla ka na ba?! Anong nangyari kay Chrissa?!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Oof, I guess I pushed the wrong button.

"Magsama kayo ni Shawn! Peste!" Singhal niya saka dumeretso sa kwarto niya. Grabe, rinig na rinig ko pa ang paglock niya.

Wala talaga siya sa mood.

So much for a conversation.

~*~*Kinabukasan~*~*

Sabay kami ni Ken sa naglalakad ngayon papunta sa classroom namin. Wala pa rin siya sa mood.

Ayan kasi Kenna eh.

Buti nalang at magkasection kami para makulit ko rin siya na pansinin ako kahit papaano.

"Wuzzup mga Kenz!" Tinig ni Chrissa. Oo, alam kong si Chrissa yun. Ang lakas lakas ng boses, di na nahiya sa mga tao sa paligid.

"Chrissa?" Boom! First word he ever said simula kagabi. Iba talaga.

"Hi!"

"Uhm, hello? Anong Kenz?"

"Kenz. Kenna and Ken. Masyado kasing mahaba pag tinawag ko pa kayo sa dalawalang pangalan kaya Kenz nalang" as usual na naman ang energy niya. Kung ano ano nalang ang iniisip. Haaay.

"Oooh, sige ayos lang yun"

Mukhang masaya na ulit si Ken.

Sana all nandito ang happy pill.

"Ang iingay niyo, magastart na ang klase. Nandito pa rin kayo" speaking of. Nandito na si Shawn.

"Opo sir. Alam ko naman na sinasabihan mo lang ako na umalis na" wika ni Chrissa.

"Buti alam mo"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now