Chapter 5: Ken and Kenna

132 1 0
                                    

~Ken's POV~

10:21 pm.

Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni Kenna. Di ko alam kung kakatok ba ako o wag na.

Sobrang tagal ko nang nakatayo dito. Kaninang kanina ko pa tinataas-baba ang aking kamao, nagiisip kung kakausapin ko ba talaga siya.

Wala ang parents namin. Nasa New York muna sila at ako nalang ata ang gising sa aming dalawa.

10:25 pm.

Napagdesisyunan kong wag nalang dahil baka mapilit pa niya ang sarili niya kung ipapaalala ko pa ulit. Saka, sigurado akong tulog na ito at ang ayaw niya sa lahat ay yung ginigising siya sa tulog niya.

Di muna ako bumalik sa kwarto ko dahil nauuhaw na ako kaya sa kusina na kaagad ang deretso ko.

Nang makainom na ako ay nakaramdam ako na naiihi na ako pero may narinig akong katok.

*tok tok tok*

Sa sobrang hina ay inisip ko na baka nagiimagine lang ako.

Tsh! Guni guni lang yun!

*Tok Tok Tok*

This time, mas malakas na siya at parang medyo galit na.

Dahan dahan akong kumuha ng kutsilyo at dali daling pumunta sa front door kung saan alam kong galing doon ang katok.

Di ko pa iyon binubuksan dahil hinihintay ko na magkatok ulit siya para mahuli ko kaagad.

Natapos ang matagal na oras at di na ito kumatok.

Naiihi na nga pala ako.

Tatalikod na sana ako nang---

*Bam! Bam! Bam!*

Sa sobrang gulat ko ay umatras ang ihi ko! Di na ako makapagisip ng maayos at dali daling binuksan ang pintuan. Ang nasa isip ko nalang ngayon ay masaksak itong nasa labas.

Doon ko nakita si Chrissa. Nakayuko siya, hingal na hingal at pawis na pawis. Parang ang haba ng tinakbuhan.

"Chrissa?" paniniguro ko. Baka kung sino lang ito.

Umangat siya ng tingin at tiningnan ang kamay kong nakataas sa ere.

"Aaah!" Sigaw niya at umatras kaya na-out of balance at napaupo sa sahig. "Ken naman eh! Kutsilyo mo!" Sermon niya sa akin nang mahimasmasan siya.

Napansin kong hawak ko nga pala ang kutsilyo ko. "A-aah, akala ko kasi magnanakaw o ano eh hahaha. Pasok ka. Bakit ka nga pala nandito? Gabing gabi na at....." tiningnan ko siyang mabuti. "Yang suot mo....."

Naramdaman kong uminit ang mukha ko nang mapagtantong nakasuot lang ito ng white loose T-shirt at m-mini shorts.

Pumunta ako sa kusina at binalik ang kutsilyo bago pumunta sa kwarto para magbigay ng towel sa kanya dahil pawis na pawis na talaga siya.

"Ken" tawag niya habang pinupunasan ang sarili sa binigay kong towel.

"Hmm?"

"W-wala yung parents niyo dito?" kinakabahan niyang tanong.

Natawa ako ng mahina dahil parang natatakot siya. Umiling ako.

"Eh, si Kenna?"

"Tulog na"

"Ah, ok"

"Bakit ka nga pala nandito?"

Para bang nagulat ito at biglang tumayo. "Luh! Wala nga pala ang parents niyo! Paano na?" Natataranta niyang sabi.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now