Chapter 10: Thunder & Lightning

122 0 0
                                    

~Ken's POV~

"Ah! Hsss. Sakit ah"

"Hindi ka kasi nag-iingat"

"Ikaw nga yung aabot sa akin kahit alam mong nasa dulo ako! Paano pag bumagsak ako dun?!"

"Ako na nga ang gumagamot sayo ngayon eh, diba?!"

"Aray! I swear Kenna, pag nilapat mo pa yan sa akin---ah!"

"Ang ingay mo!"

"Akin na nga yan! Ako na gagamot sa sarili ko"

"Ako na. Di yan abot ng kamay mo"

"Diba sabi mo kanina mahaba ang kamay ko?"

"Tsk! I regret"

"Pinapayagan naman kita eh. Wag mo kasing diinan. Masakit kaya"

"Yes Ma'am. Opo Ma'am. Inaasar lang kita Ma'am. Hahahaha"

"Tch"

Nakakatuwang panuorin tong dalawang tong nagsasagutan habang ginagamot ni Kenna ang likod ni Chrissa.

Nakita ko rin kanina kung paanong sumayad ang dulo ng pool sa may bewang sa likod niya. Medyo dumudugo pa nga hanggang ngayon.

Di ko rin masisisi si Chrissa kung bakit nagagalit siya kay Kenna ngayon eh kita ko rin na dinidiinan talaga niya.

Hahahaha!

Nasa room na nga pala kami. Naliligo si Shawn sa labas kaya ako ang nandito kasama sila.

"Ah! Sabing wag diinan!" Napaliyad pa si Chrissa habang nakaupo.

"Di ko sinasadya yon! Para kang bata!" Singhal naman ni Kenna.

"Sabi ng babaeng di marunong lumangoy"

"Yun nalang ba talaga ang counter mo?"

"Di ka lang makapalag eh"

Nakangiti lang ako dito. Pinapanood ang aking dalawang fallen angel. Fallen na sila kasi nag-aaway pero mababait hahahaha.

"Tch. Alis nga diyan, kay Ashrei nalang ako magpapagamot" sabi ni Chrissa kaya nagulat ako. Sa akin? She wants me to clean that wound on her bare back? I, uhh. "Hmm, mukhang ayaw rin niya. Geh, akin na yan Anley. Di ka naman nakakaintindi ng salitang 'wag diinan'"

"Dalawang salita yun" pambara ni Kenna.

"Ohohoho. Wag mo akong simulan. Di mo ako kaya pag nambara."

"Wag mo akong titingnan ng ganyan. Ang panget mo!"

"Good, I was trying to look like you"

Hahahaha, ayan na naman ang away nila na di nauubos hahaha. Mukhang talo na naman si kambal.

"Grabe ka talagaaaa"

"Hahahaha! Sorry na. Sabi kasi sayo, wag mo akong sisimulan eh. Pinatikim lang kita ng kaya kong sabihin"

"Hmmm"

"Sorry na kasi. Ayos na rin yung sugat ko. Di na yan dudugo pag natulog."

Tapos maglalambingan ngayon? Ayos rin eh. Fallen angels.

"I'm back. Sino sunod?" Nakangiting bungad ni Shawn ng makapasok.

"Tagal ah. Ako na sunod para makatulog na rin. Nakakapagod pala asarin yang Isda mo" sabi ni Kenna habang nilalagay sa tamang lalagyanan yung first aid kit.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now