Chapter 21: I like him

87 2 0
                                    

~Chrissa's POV~

Simula nung sinabi sa akin ni Shawn na nakakahalata daw siya na gusto ko si Ken ay iniisip ko kung totoo nga ba o hindi.

Paano kasi, lagi na akong kinukulit ni Apoy kung totoo nga ba kahit ako mismo hindi ko alam.

I know, it sounds weird na kahit ako, di ko alam ang nararamdaman ko! Ugh! Nakakafrustrate pala ang ganto.

Basta, keep up ka nalang Chrissa. Dakilang patay malisya ka diba? Edi do what you do best; turn into a small ball of electric shock hahahaha.

Natawa ako ng konti sa iniisip ko. Habit ko na siguro ang acting normal slash patay malisya.

Napasinghap ako nang matamaan ng teacher's table ang gilid ng hipbone ko. Pinigilan ko rin ang pagsigaw. Tumingin ako sa paligid at mukhang walang nakakita kasi busy kakakain ng kani-kanilang lunch.

So ayun, patay malisya ulit na umupo sa upuan ko.

"Pfft! Nakita ko yun wag ka" bulong ni Yren.

"Hahaha, ang dami mong nakikita. Lahat nalang ng kahihiyan ko, alam mo!"

"Marami ka rin namang alam sa akin eh" seryoso niyang saad.

Doon ko naalala ang pag-iyak niya dun sa canteen. Guess, ako lang ata ang nakakaalam ng tinatago niya.

"Oo, marami akong alam" seryoso ko ring sabi. Nang tumingin siya sa akin ay nginitian ko siya. Perfect timing hehe. "For example, alam kong may gusto ka kay Calix hahahaha!"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya saka desparadang tinakpan ng bibig ko. "Ssshhhh! Ang ingay mo! Buti wala si Cal dito!"

"Ang OA mo, wala namang nakarinig sa sinabi ko. Yung tawa ko lang ang malakas, diba guys?" Tanong ko pa sa mga kaklase ko na binigyan lang ako ng nagtatakang expression. "Oh, diba? Di nila alam"

"Anong di namin alam? Anong tinatago niyo?" Tanong ni Zeus.

"Wala, wala. Hayaan mo na. Chrissa kasi! Ayan tuloy, nacurious na!" Pagmamaktol pa ni Yren.

Hihingi na sana ako ng tawad nang sumabat ulit si Zeus, "Ah, nagtanong lang naman ako para mangasar. Wala kayong kasalanan pareho hahaha"

"What he said" sabi ko nalang.

"Hmm, sige na nga, forgiven ka na" ani pa niya. "Marami naman akong alam na sikreto mo"

"Talaga?" Sabat ni Lyza mula sa pwesto niya bago dinala ang upuan niya sa amin para makipagkwentuhan siguro haha. "Alam mo rin ba yung taong gusto ni Chrissa?"

Agad na nagmalfunction ang sistema ko kaya, "H-ha?" nalang ang nasabi ko.

"Oh diba? Yung dakilang patay malisya ay nahihiya rin pagdating sa taong mahal niya" nag ala-disney princess na ang mood ni Lyza ngayon.

Doon bumalik lahat ng senses ko sa katawan. "What? Anong taong gusto ko? Di totoo yan! Paano mo naman masasabi? Eh hindi nga ako nagkekwento."

"Exactly! Hindi ka nagkekwento kaya lalong halata na nasa in denial stage ka pa. Alam mo ba Yren, kilala ko yung mamalasing lalaki na gusto ni Chrissa. Kita mo yan, nagadeny siya kahit halata na, paano pa kaya kapag naging sila na? Poor guy" pangaasar pa niya.

"Ipagdasal mo na hindi ko malaman ang taong nagugustuhan mo, Lyza Ramirez." Binigyan ko siya pure-looking but shady smile.

"Oo na miss. Nakakatakot ka rin pala minsan hahahaha. Buti nalang di ka nagagalit kapag inaasar ka. Ayos lang yung inis eh, wag ka lang magalit at baka sumabog ang buong sanlibutan"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now