Special Chapter: Lyza

102 0 0
                                    

~Lyza's POV~

"Sagutin mo ako ng maayos, Ella" I told her over the phone.

"Iiihhh, do I have to?" Pag-iinarte nito.

"Girl, come on! Simple simpleng tanong eh!"

"A-ayaw lang naman kitang maano eh. You know.."

"I've been asking you the same question literally every month for the past 2 years at yan pa rin ang sagot mo."

She sighed.

"Lyza.." she stopped for a moment and continued. "Ikaw mandin, kay ganda ganda, kay t*nga t*nga."

"Ouch..?"

"Haaays, oo! Sila pa rin! Masaya ka na?!"

Natahimik muna ako.

"Ok, thank you, Ella!"

"You know what," she turned serious. "Naaawa na ako sayo. Are you sure you want this?"

"Of course! Ang drama mo, teh!"

I ended the call nang hindi na siya nakapagsalita. Muli itong nagring pero dineadma ko na.

Just seconds after that, may tumulo na tubig sa desk ko galing sa taas. Doon ko naramdaman na luha ko pala iyon.

Sumandal ako sa upuan ko. I looked at my room. Madilim at ang mga glow-in-the-dark stars ko lang ang may liwanag. Pati rin pala ang lampshade ko.

Nasa study table ako ngayon. Dapat nagrereview ako for the up coming exam pero ito, umiiyak na naman. Kainis. Hindi ko kayang ikontrol.

"Sila pa rin.." I murmured as I put my arm over my eyes. Stupid to think na mapipigilan nun ang agos ng luha ko.

Di ko matatanggi ang kirot na lagi kong nararamdaman sa tuwing tinatanong ko si Ella kung sila pa. Siyempre, bilang kaibigan ni Chrissa, masaya ako para sa kanila. Masaya ako na hindi nasayang yung advice at sakripisyo ko para sakanilang dalawa ni Ken.

Sa tuwing umiiyak ako dahil dito, hindi ko na ma-identify kung tears of joy ba ito o nagseselos pa rin ako.

Sa SZU pa rin kami nagcollege pero wala nang masyadong interactions. Siguro dahil busy at...oo, iniiwasan ko na rin muna sila.

I promised to myself na wala akong gagawin sa relasyon nila. Hindi ko sila gagalawin kahit gaano pa kalala ang nararamdaman ko.

I've chosen to give them happiness. Kailangan, panindigan ko.

Bigla nalang akong dinalaw ng antok. Ayan, iyak pa more. Nakasanayan ko na rin namang matulog sa desk ko kaya umub-ob na ako, ready to sleep..

Nang magplay na naman sa isip ko ang mga pinagdaanan ko para lang sa kanilang dalawa.

*~*~Flashback*~*~

"Oh sige sige" sabi ko pa. Tumingin ako kay Chrissa at nakita ko siyang nacu-curious. "Ganto kasi yan, habang nagpapractice tayo nung play natin para sa Christmas Party," sobrang tutok na tutok si Yren sa pakikinig habang ang isa naman ay halatang kinakabahan. "Napapansin ko na medyo distracted si ateng leading lady kasi hindi man lang siya makapagpatak ng isang luha, di tulad nung iba nating practice. Papagalitan ko sana, nang lumapit sa kanya si kuyang pinsan ni leading lady" tukoy ko sa character ni Shawn. I smirked when I saw her getting nervous. Mukhang alam na niya ang sunod. "Narinig kong sabi ni Shawn. 'May gusto ka kay Ken ano? Matagal mo nang dinedeny pero lalong nahahalata everytime na tumanggi ka. Wag mo na kasing itago, I saw how you stare at him earlier'. Kaloka, Yren! English talaga! Tapos sabi ni Chrissa. 'Lubayan mo nga ako! Ano bang issue kung meron nga o wala?'. Sagot naman ni Shawn, 'So meron nga?', nainis naman itong si Chrissa kaya di niya sinagot. Pero kung nakita mo yung namumula niyang mukha nun, malalaman mo na totoo nga!"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now