Chapter 8: Kids

127 1 0
                                    

~Chrissa's POV~

Naglalakad kami papunta sa pool na gusto ni Ken pero dahil di marunong lumangoy ang kambal niya, punta muna kaming pambata.

Tuwang tuwa ako kasi di nila napansin yung palusot ko kanina hehehe. I mean, ang sabi ko, maliligo kami sa umaga para fresh kami pag kumain sa labas kaso kumain kami sa room kaya wala rin hahahaha! Buti di nila napansin.

Pero ngayon, mukhang nakarma ako kasi papunta kami sa pambata.

'Pambata'. Kinikilabutan ako sa word na yan kasi feeling ko all kids love me but I don't like them. Well, yung iba lang. Yung iba kasi nakakairita at maingay pero yung iba ay kung makaasta ay parang boss na mas matanda pa sa akin tapos yung iba naman, bukod sa cute, masunurin at hindi malikot.

Mga baby pa, pwede pa, tuwang tuwa pa ako sa kanila. Pero yung mga batang makukulit, na hinihila yung buhok ko, na yumayakap sa akin kahit di ako kilala, na tinatawag akong 'mama' kahit di naman dapat tapos halos idala ako sa bahay nila, ay aba! Ayoko naaa.

Kaso naisip ko na para kay Kenna ito kaya hayaan na hahahaha. Natuwa pati sa kanila ni Shawn kanina.

Lumapit ako kay Kenna, nagbabakasakaling pwede pang mabago ang isip niya. "Heeey, di pa pwedeng err..kayo nalang muna ni Ken o ni Shawn sa pambata?"

"HINDI PWEDE!" Sabay na sigaw nung mga lalaki.

"Iiwanan mo kami dun, ha?" Tanong ni Ken.

"Isama mo ako." utos ni Shawn.

"Wag na ka na kasi umalis, sumama na kayo please, onting time lang" pagmamakaawa ni Kenna.

Nako ka! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, sinasabi ko sayo, tatakasan kita right now.

Mukhang kailangan kong magtiis.

Nang makarating kami sa pambata, MALAMANG SOBRANG DAMING BATA!

Huhuhuhu.

Umupo ako sa sahig ng swimming pool kasi sobrang babaw at pag-upo ko ay hanggang leeg ko.

Ilang minuto pa ay may lumapit sa aking batang babae. Mga 6 years old ata.

"Ate, laro tayo. Sama ka sa amin doooon sa slide! Masaya doon promise, cross my heart!" Masayang masaya niyang yaya.

"No thanks, baby, dito lang ako" tanggi ko naman. Kaso mukhang di maganda yun kasi parang iiyak na siya! "Uhh, s-sige, sige, sasama na si ate"

Habang naglalakad ako kasama yung bata ay tiningnan ko ng sobrang sama si Kenna pero di niya nakita kasi mukha siyang nag-eenjoy sa mga batang kausap niya.

Sana all masaya sa mga bata.

Nadaanan namin nitong batang babae yung spot kung nasaan si Kenna kasama yung iba pang kids.

"Mga friends, may bago na tayong playmate! Sasamahan niya tayo sa slide!" AAAAHHHH! FEELING KO NAGA-SUMMON SIYA NG ARMY!

"Talaga?"

"Wow! New friend!"

"Hi ate!"

"Ano pong name niyo?"

Ang dami nilang sinasabi na kung ano ano. Masakit talaga sa panga kapag pilit ang ngiti. "C-Chrissa ang pangalan ko beh"

"Chrissa ano?" Tanong ni Kenna.

Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita. "Chrissa Fyn Are--"

"Fin?" Tanong isang lalaking bata.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now