Epilogue

133 2 0
                                    

~Shawn's POV~

*~*~3 Years Later*~*~

"Hoy, kung bilisan niyo kaya." Sita ko sa dalawang kasama ko ngayon.

"Ito na nga, ito na nga." Sabi ni Luthea. "Kainis naman, bakit kasi kakagaling sa school ay ito na kaagad ang pinuntahan natin? Bwisit talaga."

"Tumahimik ka nga, wag ka ngang magpanggap na parang ayaw mo ito. Baka nakakalimutan mong mas nauna ka pa sa aking sumakay sa sasakyan kanina papunta dito." Lumapit si Ken sa babae. "Dito ka nga."

"Aray, dahan dahan."

Nakatingin lang ako sa kanila. Ang ganda nilang tingnan. Bagay na bagay para sa isa't isa. Nastuck si Luthea sa mga halaman na maraming tinik at malago pa. Tsk tsk, di pa rin talaga nawawala ang pagiging danger prone. Tinutulungan naman siya ni Ken kaso bigla bigla nalang nitong iniiwasan ang tinik na parang napapaso.

"Aaayyy, barbie? Hahahaha!" Natatawang ani Luthea.

"Tsk, ikaw na nga tong tinutulungan diba?" Inis na si Ken.

Nang makalaya na rin sa wakas ay niyaya ko nang lumapit.

Tahimik nilang nilapitan ang puntod ng pinakamamahal naming kaibigan. Kapwa nakatitig sa lapida at taimtim na pinagdadasalan ang kaluluwa niya.

Nang matapos na ako sa pagdadasal ay tahimik ko siyang kinausap sa isip.

'Hi.' Panimula ko na parang first time ko. Grabe, tagal ko nang ginagawa to! 'Kakadalaw lang namin kay Tito Andrei kanina, ikaw naman ngayon.' I stared at her. Parang kahapon lang nung namatay siya. 'Sorry nga pala kung di ako masyadong nakadalaw. Busy rin kasi kami eh. You know, college na rin.' Nakaramdam ako ng hangin. 'Ikaw ah. Wag ka naman manakot muna. Natatakot rin ako sayo minsan eh, hahahaha!'

Napaigtad ako nang may tumawa ng mahina. 'Naman eh! Sabi ko wag muna!'

Hinawakan ko ang braso kong napapatayo ang balahibo.

"Luh," napalingon ako kay Luthea na tinaasan ako ng kilay. "Natawa lang ako ng onti, napaigtad ka na? Barbie? Alvarez, ah. Porket wala na si Kenna, gaganyan ka na?"

"Hahahaha! Astig mo talaga." Inakbayan siya ni Ken.

"Landi mo." Saka nito inalis ang pagkakaakbay.

"Grabe to, nilalambing na nga eh."

"Sorry na nga eh. Sige, akbay ka ulit."

"Hehe."

Bumalik ang pagkakaakbay nito.

"Haaay, landi niyo." Napamasahe nalang ako ng sentido ko.

Binaling ko muli ang atensyon ko sa lapida niya. Lumuhod ako at hinawakan ito tulad ng lagi kong ginagawa.

Miss na miss na kita.

Ivy Frielle A. Alvarez
Born: May 25, 2004
Died: June 14, 2011

'Sobrang dami na ring nangyari simula nung nag Grade 11 kami. Grabe talaga.' Napatingin ako kay Ken na inaasar si Luthea at tinatawanan siya ng babae. 'Si Luthea, simula nung na-ospital si Kenna ay biglang gumaling. Her murderous side finally calmed down knowing that she already had enough revenge for a lifetime. We finalized her name as Jyla Luthea Villarante kasi yun naman talaga siya. Para na ring pinaghalo ng Chrissa at Luthea ang personality niya. Mabait pa rin naman pero hindi na siya tulad ng dati na pwedeng apak apakan dahil nagsusungit talaga siya. Nagtataray rin pero nagi-guilty tuwing nagtatampo kami. Pina-mental na rin namin ang Kuya Luke nito. May progress naman daw. It took us months para matanggap na ng tuluyan si Luthea as one of our friends again. Ako na mismo ang magsasabi, sobrang pinahirapan si Luthea para lang matanggap siya sa amin ulit.'

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now