Chapter 38: Ivy's Past

72 1 0
                                    

~Ken's POV~

Kakatapos ko lang kausapin si Lyza sa plano. Iba sa kanya, kalahating araw ko siyang kasama tulad ng sabi ni Shawn. Naintindihan naman niya ang gagawin ko ngayon. She's understanding.

So ito. Nandito na ako. Nakatayo sa gitna. Nasa likod ang mga kaibigan ko, yung iba ay palihim na chine-cheer ako.

Sa tulong nila, nakagawa kami ng ganitong surpresa, para sa kanya. Tiisin ang kakornihan, kaya ko to!

Madilim dito sa loob ng gymnasium. May mga spotlights sa taas na iilaw mamaya maya lang. Ngayon, hinihintay ko nalang siya.

Kalahating oras palang, ay nakakita na ako ng silhoutte ng isang babae sa pintuan. Ayan na! Here goes nothing.

Tiningnan ko sila sa likod one last time bago tumapat sa akin ang spotlight na kino-control ni Mark.

Inayos ko ang sarili ko at hinawakan ng mabuti ang chocolates at flowers na hawak ko. Ngumiti ako ng matamis.

Ang isa pang spotlight ay umilaw doon sa babaeng nasa labas.

"Yren?" Taka kong kumpirma nang makita ko siyang hinihingal at mukhang ang layo ng tinakbo. "Anong nangyari? Nasaan si Chrissa?"

Umilaw ang paligid at naaninag ko ang buong itsura niya. She looks tired and panicked.

Lumapit ito sa amin at yumuko saka hinawakan ang mga tuhod habang hinihingal pa rin. Agad ring lumapit yung mga nasa likod.

"What happened?" Tanong ni Nyrille habang pinupunasan naman ni Nate yung pawis niya.

"S-si Chrissa" lumunok ito ng ilan pang beses bago nagsalita ulit. "I-I...Ginawa ko yung plano. S-sumigaw ako ng tulong at narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko," parang maiiyak na siya. "I f-followed what was said. Tumakbo ako dito at n-naririnig ko na siyang papalapit p-pero," tumulo ang isang luha niya. "K-katahimikan. B-bigla nalang siyang tumahimik. Nag-alala ako kaya bumalik ako. W-wala na siya! Di ko siya nakita. Nilibot ko ang buong school kasi alam kong nandito lang siya pero wala!" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at niyugyog ako. "I didn't mean to lose her, Ken! I'm sorry! I'm sorry.."

Patuloy siyang umiiyak sa harapan ko habang nakatulala lang ako.

"N-no, it's ok. Nandiyan lang yun sa tabi tabi. Gala yun eh," I tried comforting her, while comforting myself too. "Ayos lang yan. Pupunta rin yun"

Umiling iling ito ng maraming beses. "Hindi eh, masama ang kutob ko! Sinigaw niya yung pangalan ko kanina tapos bigla nalang nawala, it's not normal. I'm so sorry"

Humihikbi lang siya. Ako naman ay papalit palit tingin kung saan saan habang pinapakalma ang sarili.

"What now?" Tanong ni Lyza sa likod ko. "Paano na ang lahat ng ito?"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong gym. Ang ganda ng pagkakaayos. Hindi masyadong madesign at engrande tulad ng sabi ni Shawn. Ayaw kasi ni Chrissa ng malaking parties. I planned to confess to her today tapos wala siya.

Natigil ang pag-iisip ko nang makarinig ng ingay mula sa labas. Pinahawak ko kay Lyza ang chocolates at flowers saka ako nagmadali doon. Nakita ko sina Xander at Nate. Pinipigilan nila si Shawn na susugod na sana sa dalawang babae.

"Sabihin niyo sa akin! Nasaan ang pinsan ko?!" Sigaw ni Shawn, pumipiglas sa hawak ng dalawa. Nanginig naman ang mga babae.

"H-hindi talaga namin alam Shawn. Hindi---"

"Shut the f*ck up!" Halos maputol ang ugat sa leeg niya. Pinanood ko lang ito dahil hindi ko na rin alam ang gagawin. "That's Chrissa's paper bag you're holding! Puno pa ng Kitkat! Kahit gaano kabait yun, hinding hindi mamimigay ng ganyan karaming Kitkat ang babaeng yon!"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now