Chapter 26: Bring back memories

78 2 0
                                    

~Kenna's POV~

Ngayon ang Christmas Party namin but I don't even care now. Ang naisip ko lang kanina ay dapat sumaya si Ken ngayon at hindi siya madamay sa nararamdaman ko ngayon. Knowing him, pag sinabi ko sa kanya ang lahat ay hindi niya ako iiwan dito. I won't take away his chance to meet up with his friends for the last time this year.

Nung makaalis siya ay sinubukan kong tanggalin ang isip ko sa mga masasakit na sinabi ni Shawn. Naglinis ako ng bahay, nagluto ako ng kung ano ano, tumakbo ako kung saan saan, sinubukang umakyat ng puno at ngayon naman ay nawalan na ako ng gagawin kaya nandito nalang ako sa balcony ng aking kwarto.

Bago pa man lumayag ang aking isip ay narinig ko ang kotse ni Ken pero hindi ako gumalaw. Marami pa namang natira na pagkain sa kusina kaya hindi na problema ang pagkain niya.

Nagulat nalang ako nang mapagtantong nakabukas na ang kwarto ko at tumambad sa akin ang kambal kong may hawak ng susi.

Nanatili akong nakatayo sa balcony.

"Ken, please leave me al---" I trailed off when I saw his face. Sobrang ibang iba siya sa kung paano siya nagayos kanina bago siya umalis. Yung kanina niyang buhok na nakagel ay gulong gulo na. Yung polo niya ay gusot gusot na. His eyes were as sad as mine sa sobrang paga nito. He looked like he cried for months. Lumapit siya sa akin at agad kong nakalimutan ang lahat sa pag-aalala ko. "Look at you," hinawakan ko ang mgra braso niya at tinitigan ko siya. "Anong nangyari? Bakit ganyan ka na? Ken?? Bakit---"

I stopped when I heard a sob from him. Kitang kita ko kung paanong namula ang buong mukha niya sa pag-iyak. This guy hasn't cried in years!

"I was so stupid, Kenna!" Tinanggal niya ang pagkakapit ng kamay ko at sinabunutan ang sarili.

"Ken! Stop! Ano bang ginawa mo?! Sinasaktan mo ang sarili mo!" Suway ko sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay sa buhok niyang halos matanggal na ang anit.

"Pero sinaktan ko rin siya! Physically and emotionally! Napakalaki kong g*go!" Biglang nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay at doon ko lang natanggal ang kamay niya na may konting buhok. Napaupo ito sa sahig na nakayuko at umiiyak. "I deserved this, Kenna"

Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong luha. Seeing my twin like this, parang gusto kong saluhin lahat ng problema niya. I hugged him tightly.

"Sshhhh....nandito ako, k-kambal. Pwede m-magsabi. Ayokong nakikita kang g-ganyan" wika ko.

Niyakap niya lang rin ako at paulit ulit na sinasabing, "Napakabobo ko".

"Ssshh....tahan na, tahan na. Ano bang nangyari?" Tanong ko.

Wala akong pakielam kahit nasa sahig kami ngayon.

"I r-rejected her." Naiintidihan ko na kung sino yung tinutukoy niya.

"I-It's alright. Baka hindi ka pa sure sa nararamdaman mo. I'm confident that Chrissa will understand. Kilala mo siya, she will---"

"Sinabihan ko siyang malandi! Sinabihan ko siyang walanghiya! Minura ko siya! Inakusahan ko siya sa bagay na hindi niya ginawa! Hindi ko muna inalam ang totoo." pumipiyok nitong sigaw.

Naguguluhan na ako. Paano nagawa ni Ken yun? Ako mismo ang saksi kung gaano niya kagusto si Chrissa. So how?

"Naguguluhan ka na, diba?" Inangat niya sa akin ang tingin niya. "Iba na ang tingin mo sa akin, diba? You hate me now, diba?" Umiling iling ako at pilit siyang tinatanggihan. Umiling din si Ken at nagpatuloy na nagsalita. "Hindi eh. Kita ko sa mata mo. You're disappointed. Naiintidihan ko, Kenna. I deserve all the disappointments in the world. Pinaiyak ko siya sa harapan ko mismo! Hinayaan kong sprain ang paa niya! Hinayaan ko lang siya!"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now