Chapter 7: Ships

117 3 0
                                    

~Shawn's POV~

Maayos naman kaming nakakain at nakatulog kahapon. May kasunduan kami na kung sino ang unang magising, siya ang unang maliligo.

Nagaway pa sina Chrissa at Kenna nun. Sabi ni Kenna, bakit daw maliligo pa kung magsi-swimming rin kami? May point siya pero sabi ni Chrissa, alangan naman na magbreakfast kami sa labas ng di naliligo at mabaho? Kaya nagkaroon rin siya ng point.

Natatawa lang kami ni Ken kasi nakakatawa talaga sila hahahaha! Kung ano anong dahilan ang sinasabi ni Kenna habang inaasar lang siya ni Chrissa na kesyo di naman siya marunong lumangoy.

Hahahaha! In the end, si Chrissa ang nanalo. Iba talaga kapag madaldal.

Ngayon, pabalik na ako sa room namin. Kakatapos ko lang maligo dahil sa labas pa ang CR. Nakaligo na si Ken at Chrissa tapos si Kenna na ang sunod sa akin. Takaw tulog daw kasi siya.

Pag pasok ko ay nagsisigawan na naman sila. Tsk! Ang aga aga.

"Kasama mo naman si Shawn eh!" Sigaw ni Chrissa.

"Eh isa lang siya" kontra naman ni Kenna. Haaaa...ito na naman sila.

"At least may kasama ka"

"Bakit kailangan isama mo si Ken?"

"Para magdala ng pagkain. Ano ipapadala mo sa akin lahat yun magisa?"

"Bakit di si Shawn?"

"Naliligo pa yun"

"Andiyan na oh!" Turo sa akin ni Kenna. Damay na naman ako.

"Bakit ba may malisya ka kay Shawn?" Tanong ni Chrissa. Tumahimik  ang kabilang panig. "Ano? Payt meh!" Hamon pa nito. "May iniisip ka noh? Ayieee! Kenna ah!"

What?! No! What are you thinking Chrissa?! Aaaaaargh! Magkakailangan kami!

Tumingin ako kay Ken na nagtatanong. Kumibit balikat siya habang nakangiti. Mukhang wala siyang alam pero paniguradong pinagtatawanan na niya ang kambal niya.

"Tumahimik ka nga" yan nalang ang nasabi ni Kenna habang nahihiya pa.

"Opo Ma'am maalis na nga po" sabi ni Chrissa na may halo lang pangasar tsaka niyaya si Ken. Nang makasalubong niya ako ay tumingkayad siya. (Tangkad ko kasi hahaha). "Enjoy ka, Cozy." Bulong niya bago umalis kasama si Kenna. Ayan na naman yang tawag niya sa akin na Cozy.

Nang makalayo ay tinanong ko si Kenna kung anong nangyari.

"Bibili raw ng pagkain natin at siguro naman narinig mo yung sunod dun" sabi niya.

Tumango tango nalang ako at sinabihan siyang maligo na. Agad naman siyang umalis sa kwarto.

Naiwan ako mag-isa. Hinihintay ko sila ng matagal. Matagal tagal na rin akong nakaupo sa kama at naghihintay.

Aaaah, screw that, 2 minutes palang ako nandito pero di ko na kaya.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap ang restaurant kung nasaan sina Ken.

Lakad ako ng lakad pero di ko mahanap. Mukhang si Chrissa lang ang may saulo nito kaya bumalik na ako sa kwarto.

Pero bago ko pa mabuksan ay naisipan kong pumunta sa CR. Wag kayong mag-isip ng kung ano ano, gusto ko lang ng kausap kasi nasanay ako na kinekwentuhan ni Chrissa.

Nang makapunta ako dun ay kumatok ako bago magsalita. "Kenna....malapit ka nang matapos?"

"Shawn?" Tanong niya at tumango ako. Saka ko lang narealize na para akong t*nga non kasi di naman niya makikita dahil nasa loob siya.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now