Chapter 17: Welcome to the family

98 1 0
                                    

~Ken's POV~

Casually walking around the school kasi maguuwian na at Friday na rin kaya medyo excited na umuwi.

Hinahanap ko si Kenna nang makita ko si Chrissa na nakatayo sa harap ng faculty room. May hawak siyang mga notebooks at paniguradong inutusan siya nun.

Natigilan ako nang makitang nakayuko siya at anong nangyari sa kanya? She looks sad? Nang makalapit ako ay dun ko napansing concerned siya hindi lungkot.

Nice Ken. Ang talino mo na talaga!

Kinalabit ko siya mula sa likod kaya gulat siyang lumingon sa akin bago ngumiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya.

"Hmm, wala naman" sagot niya na pabulong rin. Pinanliitan ko siya ng mata, ibig sabihin ay hindi ako naniniwala. "Ok ok. Ito na. Inutusan akong ibalik sa table ni Ma'am itong mga notebooks pero hindi ako makapasok"

"Bakit? Bukas naman yan di---"

"Wag." Umiling iling pa siya ng todo nang subukan kong buksan ang pinto.

"Bakit?"

"M-may nag uusap sa loob"

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Pwede naman kasi siyang magsabi ng 'Excuse me'.

Doon ako nakarinig ng sagutan sa loob.

"No Ma'am. Not my class."

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kausap ni Sir Luke ang principal.

"Then who else? Wala nang mas malapit pa sa damage kundi yang hawak mong klase"

"They are not like this"

"How can you be so sure? Your class hasn't improved so far. They are still failing so much. I'm disappointed, Mr. Villarante. I was expecting so much from you. Pero ano bang dapat kong iexpect? You're a fresh graduate with no experience yet. I gave this class to you so I can test you but then this happens?"

"I have experience and I'm not a fresh graduate. You can talk to me like this but you can't base my students' behaviour on their grades"

Hindi siya fresh graduate? Pero ang bata pa niya. Ang tapang niya pati para sabihin lahat yan. Pinuntahan talaga siya ng principal sa faculty room tapos ganto ang nangyayari.

Pumalakpak ang principal namin. Halatang peke. "As expected from a brave young man. Standing out for your class when they're talking about you behind your back"

Nakita kong tinakpan ni Chrissa ang bibig niya ng isang kamay dahil sa sobrang gulat. Dun ko napansin ang mga notebooks na muntik nang mahulog kaya tinulungan ko siya.

"It's what I can do as their new adviser, Ma'am." Pormal na sagot ni Sir.

"I'll give you and your class another chance, but if something like this ever happens again, I won't let this through. Hindi kailangan ng SZU ng pasaway na mga estudyante with failing marks"

"Yes, Ma'am. Thank you for this. I will be a better adviser from now on"

Nataranta kaming dalawa ni Chrissa nang akmang aalis ng room ang principal.

Hinila ako ni Chrissa sa path na papunta sa faculty room. "Umakto kang parang papunta tayo sa faculty" sabi niya.

Tumango ako at nagsimulang maglakad. Nang makalabas ang principal nakasalubong namin siya.

"Good afternoon, Ma'am Mela" bati niya. Nilampasan lang kami nito. Mukhang mainit pa rin ang ulo niya dahil kay Sir Luke. "Whooo! Nakakatakot talaga ang lola ni Cal"

The Key And Her SacrificesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang