Chapter 19: Chrissa knows

96 2 0
                                    

~Ken's POV~

Mga ilang araw ring hindi pumasok si Calix at mga ilang araw na rin namin siyang topic kapag naguusap kaming magkakaibigan.

Nakakapagtaka kasi talaga na may kasama siyang babae na iniiyakan pa niya. Hindi umiiyak ang lalaki nang hindi mabigat ang dahilan lalo na kapag kasing lamig ni Calix. Sa nakita ko nung araw na iyon, umaagos talaga ang luha niya sa gilid ng mall.

Kanina lang ay tinanong namin siya kung sino yung babaeng kayakap niya dun pero bumalik na siya sa dati. Di niya kami pinansin saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

Minsan ay iniisip ko na baka girlfriend niya yun at break na sila kaso mukhang malabo kasi wala naman siyang nababanggit sa amin kahit si Xander na bestfriend niya.

Kailangan kong ipagpaliban muna ang mga iniisip ko kasi may mahalaga pa akong gagawin ngayong araw kaya dumeretso na ako sa classroom.

Nagulat ako nang makita ko si Chrissa na umiiyak sa harap ni Zeus. Maraming nalapalibot sa kanila na nanonood. Ang iba ang nakatakip pa sa bibig.

"Please! Give me a chance! W-wala akong p-pakielam kung first and last na ito. Hinding h-hindi ko sasayangin please." Basag ang boses nito habang umiiyak.

"Why should I? Mahal ko na si Ria, alam mo yan! Pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa akin." Mariing wika ni Zeus.

Lumuhod bigla si Chrissa at lalong lumakas ang pagiyak niya. Nagsimula na ring magbulong ang mga nanonood. Parang pinipilas ang puso ko habang pinapanood siya na nagkakaganito.

"I-it doesn't matter kung gusto mo ako o hindi, gusto ko lang iparamdam sayo ang pagmamahal ko. I want to experience how to love."

"And what? Kaya mo to ginagawa kasi inaasahan mo na mahuhulog ako sa iyo kapag pinakitaan mo ako ng letseng pagmamahal mo na yan" sinipa niya ang upuan na malapit sa kanya.

Lumaki ang mata ni Chrissa at agad niyang itinanggi na parang natataranta. "H-hindi! Hindi! Naiintindihan ko na ganyan ang tingin mo sa akin ngayon pero m-mababago pa yan. Alam kong mababago pa yan. Please, give me a chance"

"Napakawalang hiya mong babae! Napakalakas ng loob mong magdrama ng ganyan sa harap ng maraming tao!" Sigaw pa ng kaharap. Ang sarap niyang suntukin pero hindi ako pwedeng umeksena at baka lumala pa ang nangyayari. "Napaka desperada mo! Higad!" Di ko na napigilan at agad akong naglakad papunta sa kanila pero natigilan ako nang magsalita ulit siya. "Isa kang napakalaking kahihiyan sa---sa..sa..? Lyza, ano nga ulit ang sunod?"

Doon nagsink in sa akin ang lahat.

Ay, ito nga pala ang play namin sa Christmas Party bilang buong grade 11.

"Hahahaha! Nakalimutan na agad! Ayos na yan, nakita ko na ang dapat kong makita. Nice one guys, mananalo tayo panigurado. Ayos na, Chrissa tayo ka na diyan. Good job" utos ni Lyza.

Tumayo si Chrissa sa sahig, pinunasan ang luha saka tumalon talon. "Yieee! Ang ganda na! Ang galing mo talagang director Lyza!" Sigaw ni Chrissa.

"Thank you hahaha. May natitira pa tayong 20 minutes bago magreccess. Ken, ipolish mo yung mga actions ni Zeus. Ang ganda na ng acting niya eh, nakakalimutan lang yung lines haaay."

Tumango nalang ako saka lumapit sa lalaking ito na inassign sa akin. Ako nga pala ang nagtuturo ng mga gagawin at lines nitong si Zeus. Galing siyang kabilang section pero kilala ko naman at medyo nagiging close na rin kami.

"Ang sunod kanina dun sa sinabi mo ay 'Isa kang napakalaking kahihiyan sa buhay ko. Kung mahal mo ako, sana tinanong mo muna ako kung mahal ba kita'. Sige, try mo" paliwanag ko.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now