Chapter 3: Happy Birthday

191 5 0
                                    

~Kenna Anley's POV~

*Baam!*

"HAPPY BIRTHDAY SHAWN FIRE ALVAREZ!!!" Tinig ng isang babae."Woot! Woot! Kailan ang party?" Hays...ayan na naman siya. Wala na talagang makakatalo sa energy niya. Halos masira na niya ang pintuan at nabulabog ang buong classroom. Wala ang aming subject teacher ngayon kaya malaya itong sumigaw-sigaw ng birthday ni Shawn. Pinaulanan niya ng ginupit-gupit na colored paper ang ulo ng naka-ubob na si Shawn.

"Chrissa?" unti-unting umayos ng pagupo si Shawn at tiningnan ang nakangiting si Chrissa."Ang ingay mo talaga. Kita mo namang natutulog ang tao." Irita ntiong sabi. Habang tinawanan naman ito ni Chrissa.

"Ito naman, di porket araw mo ngayon susungitan mo na ako." natatawang saad nito."Here's your gift, bruh."at ibinigay niya ang isang small sized box.

"Yun oh!"sigaw ni Nathan. "Babae pa ang nagbigay! Mahiya ka naman Shawn!" Inirapan lang ito ni Shawn at kukunin ang regalo niya sa kamay ni Chrissa.

"Tss." Binuksan niya ang regalo ni Chrissa.

"Susi?" takang tanong ni Shawn,

"Susi" sagot ni Chrissa. "Susi ng..."

"Susi ng.....?" Hinawakan ni Shawn ang susi at nagisip "Susi...susi ng kwarto ko?"

"HUH?! Hindi loko ka!"

"Susi ng......NG KOTSE!!!" namamanghang sigaw niya.

"BINGO!" sigaw ng buong klase maliban sa amin ng kambal ko.

"Are you ok, Kenna?" tanong ni Ken nang makita ang mahigpit na pagkahawak ko sa gift ko para kay Shawn.

Di ko pinansin si Kambal at umubob nalang sa desk ko habang mahigpit paring hawak ng dalawang kamay ang box.

Nandito sa loob ng box ang regalo kong kwintas na susi. Nakita ko ito sa pinakailalim na parte ng lalagyanan ko ng mga laruan nung bata pa ako.

Hindi ko alam kung bakit ko naisip na ibigay iyon kay Shawn para sa birthday niya, kahit sinabi sa akin ni Ken na baduy daw yun.

"You're not giving that to him are you?" nangungulit pang tanong ni Ken. Halata ring masyado siyang anxious sa kwintas na ito. Problema ba niya? "Bakit di ka nalang sumama sa akin mamaya, bibili nalang tayo doon ng regalo. You still have me, lalaki rin ako. Alam ko ang mga gusto nila"

Umiling lang ako bilang sagot at tiningnan ulit sina Shawn.

"Chrissa, you didn't need to. Masyadong mahal ang kotse" sinubukan pa nitong ibalik ang susi.

Nginitian lang ito ni Chrissa. Yung ngiting may balak.

"Ayan tayo eh!" sigaw ni Xander.

"Pa-humble effect" kantyaw ni RJ.

"Wag ganyan pre, nakakainlab" pang asar ni Mark. Medyo nagulat pa ako kasi minsan lang magbiro ito.

"Aruy, Chrissa Fyn oh, ibabalik lang niya ang pinaghirapan mo" saad ni Nathan.

"Wag kang magalala, galing sa bank account mo yan" saad ni Chrissa sabay kindat. Tch!

"What?!" Nanlaki ang mga mata ni Shawn.

Sinasabi na nga ba. Nahulog na naman ikaw sa patibong niya. Pagdumating ang oras na-- Hay naku!

"Oo." Saad ng babae. "At kailan ka pa niloko ng isang Chrissa Fyn Arello?"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now