Chapter 39: Bruises and Wounds

74 1 0
                                    

~Chrissa's POV~

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Puyat at pagod. Meeeen, nakakaloka! Ang dami kong nalalaman huhu, kawawa yung brain ko.

Isa lang ang masasabi ko ngayon.

Mabuti nalang at long sleeves ang uniform ng SZU.

Kumalam bigla ang tiyan ko. Oo nga pala, wala pa akong breakfast.

Dumeretso ako sa canteen para bumili ng cup noodles. Buti may pera pa ako haha.

"Chrissa!" Bago pa ako makalingon kung saan nanggaling yun ay sinalubong na kaagad ako ng yakap. Napangiwi ako sa hapdi. Amoy palang, si Shawn na ito. Nakapalibot na rin sa akin yung iba.

"Hoy, anong trip to? May payakap effect pa, parang ang tagal kong nawala ah," I tried to joke. Kumalas si Apoy sa yakap tapos sinamaan ako ng tingin. "What?"

"Ilang linggo kang nawala! Ano sa tingin mo ang reaction ko?!" Sigaw nito.

Tatawa na sana ako pero nagsalita si Nate.

"T*ngina! Chrissa, hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin nitong mga nakaraan mahanap ka lang! Saan ka ba pumunta?!"

I laughed at their hysterical reaction.

"F*ck you and your fake laugh" ani Shawn.

Kunwari akong nagtaray sa kanya. "Sinong tatawa ng natural kapag bigla ka nalang niyakap tapos amoy pawis pa kayong lahat?! Sige nga!"

"Really?" Tanong ni Nyrille at inamoy pa ang sarili.

Natawa ako ng mahina. "Charot!"

"Seriously though, anong nangyari sayo?" Tanong ni Lyza.

"Hmm, wala naman. May inasikaso lang hehe. Wag niyo nang alalahanin. Nandito na ako, alive and well."

"Mukha ka namang ok." Tiningnan ako ni Mark mula ulo hanggang paa.

Tinaas ko ang kamay ko para makita nila ang buong katawan kong ayos naman. Buti nalang talaga at mahaba ang medyas at long sleeves.

"Fine, just don't do that again. Muntik nang mamatay si Shawn tapos si Ken ay muntik nang makatama ng bato sa bata dahil sa pagaalala. Nakooo, pati si Kenna ay naawa at bigla nalang napatawad itong manliligaw niya. Ang dami mong di alam, tsk" mahabang paliwanag ni Xander.

"Ay weh? Kayo na?" Tanong ko kay Anley at Shawn.

"Hinde! Paghirapan niya yan. Naunahan ko pa siya sa confession dahil sa letseng---" bigla nalang itong natauhan. "--dahil sa attachment niya sa promise niya."

Napakamot sa batok si Shawn. "Ah, oo hehe. Napakwento na rin ako tungkol kay Ivy dahil ayaw kong magmukha akong bakla habang umiiyak. Kailangan, valid reason."

"Wushuu, magsama kayo ni Ashrei. Mga baklang toh" natawa kaming lahat sa pambara ni Anley hahaha.

"Ha! Sinong bakla?!" Nakaramdam ako ng kamay sa may balikat ko, bahagya akong napangiwi sa hapdi at bigla nalang akong hinalikan ni Ashrei sa pisngi.

"Yieeeee!!" Pangaasar nilang lahat.

Lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Ok, kalma. Kalma. Hooo.

Pinunasan ko ang pisngi ko at umarteng nandidiri. "Yuck! Kadiri, pwe!"

"Aaaww"

"Sakit!"

"Ouch, ouch, aray, aray, HAHAHA!"

Sumimangot si Ashrei hahaha! "Ganyan ka na ah. Porket nag-alala kaming lahat, yumayabang ka na. Minsan nga lang maglambing ang bestfriend mo ay, tsk."

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now