Chapter 1: How we met

509 6 1
                                    

~Kenna's POV~

First day, at a new school, in a new town. Geez, bakit ba kailangang lumipat? Buti nalang kasama ko si Yren at si---

"Kennaaa! Nasa loob ng drawer ko ang palda mo!" sigaw ni Ken habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Kambal ko nga pala siya. "Anak ng tokwa, hindi ko susuotin to!"

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang inis na mukha ni Ken na hawak ang palda ko. "Thank you" sabi ko at kinuha sa kanya ito. "Oh, jacket mo nasa akin rin."

Ngumiti siya at kinuha ang jacket niya. "Napagtripan na naman tayo." at sabay kaming nagtawanan.

"Oy! Mga kambal! Kumilos na kayo! Di porket malapit lang ang school niyo ay hindi na kayo male-late" sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Opo Ma!" sabi ni Ken.

"Lab ka pa rin namin Ma!" sabi ko.

"Kahit napagtripan mo kami! Hahahaha!" sabay naming tawa.

"Hahahaha! Oo na, gusto ko lang na makita kayong dalawang magkasama first thing in the morning." natatawang saad ni Mama.

"Palusot.com.ph" sabay ulit kami ni Ken. Hahahaha! Aga aga tinotopak kami.

"Oo na, talo niyo na akong dalawa" nanlulumong sabi ni Mama at bumalik na sa kusina. "Maligo na kayo!"

Natatawa man ay kumilos na kaming dalawa.

Nang makaayos na ay dumeretso na kami sa kotse ni Ken.

By now, sigurado akong di niyo pa ako kilala.

Ako si Kenna Anley Nevilla, 17 years old. Stable naman ang buhay ko. Personality? Okay lang. Normal lang. Hindi ako gloomy, hindi rin masyadong masaya. Balanced ako.

Itong nasa driver's seat naman ay si Ken Ashrei Nevilla, kambal ko. 17 years old rin. Identical twins kami, meaning, magkamukha talaga kami. Lagyan mo ng wig, baguhin ang boses at lagyan ng maliit na hikaw, pwede na siyang maging pangalawang ako. Personality? Tulad ko rin.

Papunta kaming Sylone Z University ngayon, ang bago naming school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Papunta kaming Sylone Z University ngayon, ang bago naming school. Malapit lang ito. Sa kabilang kalsada lang pero talagang nakakaasar yung traffic.

Ayan, nandito na kami.

"Wow, ang laki!" sabi ni Ken na namamangha. Walang wala sa dati naming school. "Tara, Kenna."
Hinahanap namin yung information board nang may pumagitna sa amin at inakbayan kami.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now