Chapter 22: Forget it

84 2 0
                                    

~Kenna's POV~

Sa tuwing naiisip kong pupunta kami sa resto kung saan nagpapatugtog ang Emix, gustong gusto kong magtakip ng mukha at magpalamon sa lupa.

Si Ken kasi! Di siya marunong makiramdam eh halata naman na ayaw kong pumunta dahil iniiwasan ko si Shawn.

Ilang araw ko na ring pinag-iisipan kung anong excuse ang gagamitin ko para hindi makapunta pero hindi ako pinapayagan ng konsensiya ko. Kung sabagay, si Ken lang ata ang hindi marunong makiramdam. Kapag alam nila na iniiwasan ko si Shawn, magmumukhang bastos ang absence ko sa gig nila.

"Kenz! Libre niyo ako please. Isang juice lang oh" sinundot sundot pa kami ni Chrissa sa tagiliran.

Walang epekto sa akin pero nakikiliti pa rin si Ken.

Bilang kaibigan ni Chrissa, malamang marami akong mahahalata. At simula nung araw na nagkita kita kami sa mall, she's been acting weird hahaha. Itong si Shawn naman, ang ingay ingay, kaya ayun, nakiramdam na rin ako. Sa mga nakikita ko, feeling ko totoo nga na may gusto si Chrissa kay kambal haha. Ito namang si patay malisya, sinusubukang maging normal sa harap ni Ken or harap naming lahat kapag siya ang pinaguusapan. Ang swerte niya...

"Kenna, stay away from that teacher"

Napatakip ako ng mukha nang maalala ko na naman yung h-halik.

Matagal ko na ring iniisip kung ano ba ang sumanib sa kanya kaya niya ginawa yun. Buti nalang wala pang nakakaalam sa nangyari.

Hindi kaya...m-may gusto rin siya sa akin? Edi ibig sabihin, swerte rin ako?

Aaargh! Erase! Erase! Impossible, Kenna! Wag kang umasa, please naman.

"Oh? Anyare sayo? Para kang dugyot na stress na stress" sabi ni Ken.

"Psh, hayaan mo na ako! Ilibre mo nalang si Chrissa" sagot ko.

"Ako na naman? Ikaw nalang, kaibigan mo naman ito"

"Eh ikaw? Hindi mo ba kaibigan yan?"

Natigilan si Ken at tumitig lang sa akin tapos bigla nalang sumulyap kay Chrissa. Halatang halata. Base palang sa mukha alam ko na ang iniisip nito.

Gusto mo more than friends? Nako kambal.

Bigla nalang naming napansin ang pagbagsak ng mga balikat ni Chrissa habang malungkot na tumingin sa amin.

"Ayaw niyo na sa akin? Ganun?" She took 2 steps back. Hindi ko alam kung seryoso ba siya or this is another one of her joking drama acts. As you can see, siya ang female lead para sa play namin kaya hindi malabong magaling ito sa pagkukunwari. Mag-eexplain na sana ako nang lumapit siya kay Shawn. "Hmp, bala kayo diyan hahaha! Cozy, ikaw nalang. Inaaway ako nung Kenz diyan. Libre mo ako please"

Nakahinga ako ng maluwag kasi di naman pala talaga siya malungkot.

"Hmm, sige na nga. Marami naman akong utang sa iyo" pagpayag naman agad ni Shawn.

"Yes!" Saka kami binigyan ng 'I-win-look' "Ay! Mamayang gabi na yung gig nila Apoy. Punta kayo ah, nandun naman ako tsaka si Yren. Si Shawn pa naman ang lead singer"

Pinigilan kong malaglag ang panga ko sa gulat. "M-mamayang gabi? Mamaya na siya? As in? Friday na kaagad?!"

"Surprisingly for you, oo. Friday na ngayon. Ano naman, Kenna? Ayaw mo ba pumunta?" Tanong ni Ken.

Oo! Ayaw ko! Hindi pa ako handang makasama siya ng ganun katagal!

"Shawn oh. Ayaw na niya rin sayo" sumbong pa nitong isang kiti-kiting ang sarap pisain.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now