Chapter 45: Fiery Revenge

73 1 0
                                    

~Ken's POV~

"Dito ka na? Sure ka? Kaya mong umuwi mag-isa?" Tanong ko kay Lyza.

Nag-aalala lang naman ako bilang kaibigan na baka may mangyaring masama sa kanya tapos ako pa ang huling kasama.

"Ok lang nga. May bibilhin pa ako." Anito.

"Pero--"

"Walang pero-pero. Bye, Ken. Thank youuu!" Dali dali siyang umalis sa kotse at dumeretso sa mall.

Napailing nalang ako at umalis na doon.

Habang nagdadrive ay kung saan saan na lumilipad ang utak ko.

Inaamin kong medyo nainis talaga ako kay Shawn kasi ang dali dali niyang husgahan si Chri-- si Luthea. Hindi naman siya yung nakaharap niya nung araw na iyon. Kung siya yun, makikita niyang naghehesitate si Luthea. She doesn't want to hurt me, or anyone tulad nung nangyaring pagsabog na walang namatay. Nararamdaman kong nandun pa rin si Chrissa.

Nakakainis lang at parang wala lang sa kanila, lalo na kay Kenna na niligtas siya ni Chrissa nung mga oras na nakidnap siya, kaya iniwan ko siya sa headquarters kanina, para sana maisip niya na sa simpleng galaw na iyon ay mali ang ginagawa niya. Parang wala lang sa kanila yung ginawa niyang pagpapasaya sa tuwing may hindi pagkakaintindihan. Si Shawn naman, parang wala lang sa kanya yung pagsama sa kanya ni Chrissa buong buhay siya. Sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya kayang mawala pa ulit ang pinsan niya pero sa kanya rin mismo nanggaling ang mga salitang iyon.

Maraming hindi nakakaintindi. Hindi niyo naiintindihan. Sobrang sakit sa side ko na hindi ko pa man naaamin ang nararamdaman ko sa kanya ay nagkagulo na ang lahat.

Basta, magtitiwala ako kay Chrissa. Alam kong may mga rason siya. Nararamdaman ko na para sa amin ang ginagawa niya.

Natawa ako sa sarili ko nang muntik na akong mabangga sa gate namin. "Hahahahaha! Sige, magisip ka pa, Ken Ashrei nang maaksidente ka." Nawala ang mga ngiti ko nang maalala ko yung dating tawag sa akin ni Chrissa na Ashrei. "Aksidente nga." Napatabon nalang ako sa mga mata ko. "Aksidenteng naisip ka na naman."

Mga ilang minutong lutang sa loob ng sasakyan bago ko naisipang buksan ang gate at pumasok na.

Nang makarating ako sa loob ay parang ang daming kulang.

Wala si Kenna. Natutulog sa sofa si Mama at si Papa naman ay nakaharap sa laptop.

Parang last year lang, ang saya saya. Ngayon, parang bigla nalang bumagyo ng pagbabago.

Bago pa lumipad ulit ang mga iniisip ko ay tumawag sa akin si Kenna. Finally, baka nag-aapologize na siya.

Sinagot ko ito.

"Oh?" Bungad ko sa masungit na paraan.

"Ken, si Luthea!"

Kumunot ang noo ko. Luthe---ah! Si Chrissa! Agad akong kinabahan.

"A-anong nangyari?"

"Nakita namin ni Shawn kanina sa plaza. She was talking to her reflection and doing....weird stuff. Bigla nalang nahimatay kaya dinala namin sa headquarters gamit yung kotse ni RJ."

"Kamusta na siya?" Sobrang obvious ng worry sa boses ko.

"Natutulog dito sa isang kwarto. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon."

I ended the call at agad na pumunta sa headquarters. Konti nalang ang nandun. Siguro dahil gabi na rin. Si Kenna, Shawn, Yren, Nyrille, RJ at Mark nalang ang nandun.

The Key And Her SacrificesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora