Chapter 20: Invited

80 2 0
                                    

~Shawn's POV~

Saturday ngayon at hanging out with friends ang unang instinct ko. Nandito naman si Chrissa sa bahay namin. Nabored ata siya sa dorm room niya at nakigulo dito.

"Tita Shine! May naamoy po ako" sabi ni Chrissa kay Mom.

"Oh? Anong naamoy mo?" Giliw na giliw na saad naman ni Mom.

"Nangangamoy carbonara po!"

"Talaga? Eh nagluluto akong carbonara ngayon eh"

"Eh?! Luh Tita! Patikim po ako!" Mas mabilis pa siguro sa aso na nakatayo saka dumeretso si Chrissa sa kusina kaya naiwan ako sa sofa.

"Oh sige, sayo na ang first taste. Sabihin mo kung masarap ah"

"Lagi namang masarap kapag si Tita Shine ang nagluto."

"Nambola ka pa! Sumbong kita kay Mama mo eh"

"Bahala po kayo, baka dito na ako patirahin nun kapag nagalit hahaha"

"Abaaa, at talagang pabor pa sayo?"

"Opo hahaha"

Minsan, di ko maiwasang pag-isipan kung sino ba talaga sa amin ang anak ng parents ko. Eh mukhang nakakalimutan nila ako pag nandito si Chrissa eh hahahaha pero inaamin ko rin na nakakamiss ang pagkaingay niya kapag umuwi na siya.

Pumunta ako sa kusina kung saan ko sila nakitang nag-eenjoy sa carbonara. "Mom" I pouted mg lips. "Kinakalimutan mo na ako ngayon? Akala ko, ako lagi ang first taste? Sino ba sa amin ni Chrissa ang totoong anak hmm? May tinatago ka sakin Mom?"

"Hahahahaha! Tita, nagpapacute" tawa ni Chrissa. Kung di ka lang babae, ang sarap mong sakmalin!

"Haha! Siyempre, ikaw pa rin ang anak namin. Talagang uunahin ko si Chrissa kasi bisita siya" ani Mom.

"Bisita pa ba ang tawag sa halos araw araw nandito?"

"Ay mandin"

Napatingin ako kay Chrissa. Bineletan lang ako ng impakta.

"Pahingi nalang nga pong carbonara. Second taste nalang ako. Second choice" pagdadrama ko pa, alam ko kasing kahit ganyan si Chrissa ay mas malakas pa sa kanya ang konsensiya niya.

"Uy, sorry" ayon. Sabi na eh hahaha. Pinigilan ko ang ngiti ko habang nagsasandok ng pagkain. "Babawi nalang ako, promise"

"Babawi ka?"

"Oo naman"

"Kahit ano?"

"Kung kaya ko"

"Talaga?"

"Oo nga"

Di ko na napigilang ngumiti. Nako Chrissa Fyn. Lumapit akong konti sa kanya, napaatras rin siyang konti at tinitigan ko ang buo niyang figure.

"Hmm, pwede na, pwede na" ani ko.

"Hoy, anong iniisip mo, Shawn Fire?" Tanong ni Mom.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na iba pala ang iniisip ni Mom.

"Mom no! It's not what you think! Ano kasi---"

"Chrissa, wag ka nang lalapit diyan ah. Wala na akong tiwala sa kanya"

"Ha? Hindi! Chrissa naman! Tulungan mo ako"

Tumawa si Chrissa. "Tita, patapusin muna po si Shawn." Napangiti ako dahil sa pagtatanggol niya. "Parang iiyak na eh" saka nawala ang ngiti ko. Sirain ko yang mukha mo eh.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now