Chapter 48: Torn

72 5 0
                                    

~Ken's POV~

"Pa!" Sigaw ni Kenna habang nagwawala sa labas ng emergency room. "Pa! Pa, lumaban ka! Wag mo kaming iiwan, Pa!"

Nakaupo kami sa sahig habang pilit na pinipigilan ang sariling pumasok sa loob. Napapasabunot sa sarili at sumisigaw. Ayan siya ngayon.

Naririnig ko mula sa loob ang tunog ng kuryente at sigaw ng mga doktor na, "1...2...3...Breathe!"

Tuwing nangyayari yun, parang sasabog na ako. Kami. Si Mama ay nawalan nang malay na dinala ng isang nurse sa isang kwarto. Kami nalang ni Kenna ang nandito.

Basang basa na ang sahig dahil kanina pa kami nag-iiyakan. Tahimik lang ako pero sa loob ay halos mahimatay na rin sa takot at kaba.

"1...2...3...Breathe!" Sigaw nila galing sa loob.

"Pa! Sana naririnig niyo po ako, Pa! Mahal na mahal ko po kayo. Wag niyo kaming iwanan!" Sigaw ulit ni Kenna.

May mga taong dumadaan pero hinahayaan lang kaming magkambal.

"Kenna! Ken!" Rinig kong tawag ni Shawn. Kadarating lang niya sa parking lot. "Ano nang nangyari?!"

Hindi niya alam ang nangyayari. Pagpasok palang namin ay kinapos na ng hininga si Papa.

Pilit kaming pinapakalma ni Shawn pero wala! Sobrang sakit at bigat sa puso.

Pero..

Tumigil ang iyak ko nang wala nang ingay galing sa loob. Wala nang sigawan. Wala nang kuryente. Tanging iyak lang ni Kenna ang naririnig ko.

A-ano nang nangyari?

Naramdaman nilang nakatulala lang ako sa pintuan kaya tumigil sila sa ginagawa nila.

"Time of death, 10:46 am."

Mahina. Mahinang mahina. Sobrang hina na parang bulong ng langaw pero sobrang clear.

"Hindi.." nakatulalang ani Kenna. "Hindi!"

Agad na kumaripas si Kenna sa loob ng walang paalam. Pinipigilan siya ng mga nurse pero walang gana. Pinapasuot siyang kung ano ano pero hindi man lang sila tinapunan ng tingin kaya sinundan ko ang kambal ko.

Pagpasok namin doon, nakita namin si Papa. Putlang putla. Lifeless.

"Pa!" Humahagulgol na tumakbo doon si Kenna. Niyakap niya ang bangkay ni Papa. "Pa naman eh. Gising!" Tinatampal niya ng mahina ang pisngi nito. Just like what we always do kapag gusto namin siyang gisingin. Sinisinok na rin si Kenna kakaiyak. "Pa, sabi mo diba? Dadalhin mo pa kami ni Ken sa New York eh! *hik* Ikaw ang maglalagay ng medal sa amin sa graduation diba? *hik* Marami pa tayong gagawin! *hik* Marami ka pang pangako sa amin. Paaaa!"

Pagtapos nun, she just accepted it. Niyakap niya nalang ng tuluyan ang bangkay.

Tumutulo ang mga luha ko. Kung siya, tanggap na niya, ako, hindi pa. Dahan dahan akong lumapit. Tinititigan ang mga mata niya, baka sakaling bumukas ito.

"Pa, alam ko pong mahilig kayo sa jokes." Hinawakan ko ang malamig na kamay nito. "Pero, hindi naman po ata tama ito."

Nakaramdam ako ng malamig na hangin na humangin sa dereksyon ko. Parang naiparamdam sa akin lalo na wala na si Papa. Wala na siya. Tiningnan ko ng blanko ang bangkay niyang yakap ni Kenna. Dahan dahan kong ihiniling ang ulo ko para yakapin siya. I buried my face on his chest. He doesn't smell good. Parang amoy ng patay.

Kanina..

Kanina lang, nakayakap siya sa amin. Kanina lang, hinalikan niya kami sa ulo. Kanina lang, naramdaman namin ang sobrang pagmamahal niya.

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon