Chapter 30: Going out Safely

68 1 0
                                    

~Chrissa's POV~

Pagkababa ko doon sa bubong ng van ay inexplain ko na sa kanila ang gagawin.

I took over Calix's plan kasi pinasama pa nila si Ken. Buti naman ay naintindihan niya ang gusto kong mangyari.

Pagtapos nun ay pumasok na ako sa loob nung abandoned building.

"Chrissa! What the heck?!" Rinig ko pang sigaw ni Ken. Tsk! Kairita naman oh.

Hindi ko na pinansin kasi alam kong pipigilan na siya ng iba.

Trust me, guys.

Gabi na. Christmas Eve pa. Buti nalang nakablack ako, it's less visible. Medyo malamig din.

Pumasok ako doon sa loob at ang una kong nakita ay ang mga lalaking nakabantay sa bawat sulok.

Sinilip ko ng maigi kung saan ako pwedeng sumuot. And there, may nakita akong isang sulok kung saan makikita mo ang buong kwarto. Doon ako pumunta at pinagmasdan ang buong lugar.

Hindi ko mahanap si Kenna.

Aalis na sana ako nang may dumaan sa harap ko.

Sa pagkataranta ay siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng walang ingay.

Buti nalang at di ako napansin.

Tiningnan ko ang paligid. Good, walang nakabantay dito sa gilid.

Nagpatakbo takbo ako sa mga gilid hoping na makita si Kenna.

Wala pa ring nakakapansin sa akin.

"Wala pa sila?" Tanong ng isang pamilyar na boses. "Ang tagal naman ng mga kupal sa yun"

Si Zeus! Akalain niyo yun? All this time, siya ang leader ng Blazing Reprisal. He was such a good friend.

"Oh siya, bantayan niyo nalang yan" sabay turo niya sa isang madilim na parte nitong lugar.

There she is! Nakaupo sa isang upuan. Paniguradong nakatali.

May advantage ako kasi mukhang dugyot at bago yung nagbabantay sa kanya. Kung saan saan nakatingin. Baka nga walang nagbabantay sa kanya eh.

Umalis na si Zeus and there's my chance.

Tahimik at mabilis akong nakalapit kay Kenna.

She looks bad. Gulo gulo ang buhok, may eyebags, paga ang mata at nakatali ang kamay at paa sa upuan. Nakatakip rin ang kanyang bunganga ng panyo.

Tumago ako sa likuran ng kanyang upuan.

"Pst, Kenna" bulong ko sa kanya. Mukha kasi siyang natutulog.

"Hmm?" Sabi nito. Nakacover kasi ang bibig. Sumilip ako ng kaunti para makita niya ako. "Mmm! Hmm!" Sinenyasan ko siyang tumahimik na agad niya naman ginawa.

Bigla nalang naluha ang mga mata niya. I can understand what she's feeling right now.

"Iaalis kita dito ok?" Tumango tango ito sa akin. "For now, pretend to be asleep as if wala ako dito. Kapag naputol na itong tali, wag ka muna kakalas, pretend na nakatali ka pa rin." Tumingin siya sa harap, yumuko at pumikit. Tinanggal ko ang pagkakatali ng panyo sa bibig niya. She still sat there, eyes closed. Very good. "I'm sorry Kenna"

Alam kong nagtataka siya pero huminga ako ng malalim to calm myself bago kinurot ko ng sobrang lakas ang kanyang tagiliran.

"Aaah!" Sigaw niya.

Tumingin sa amin ang Blazing Reprisal. Ginawa ko iyong sinyales para tumakbo.

"May nakapasok!" Sigaw ng isa sa kanila.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now