Chapter 36: Who's Luthea?

70 4 0
                                    

~Shawn's POV~

May hangover pa ako nung isang gabi at kahapon kaya hindi ako pumasok. Hindi ko alam kung anong nangyari ng mga oras na yun kaya nagtataka ako ngayon kung bakit ang cold ng atmosphere sa pagitan ng magkakaibigan, maliban kina Calix, Yren at Chrissa na nasa kabilang section.

Kinalabit ko si Nathan. "Hoy, anong nangyari?"

"Tanong mo kay Ken"

Kinalabit ko si Ken. "Anong nangyari kahapon?"

Tumingin ito sa akin. May eyebags ito. Parang di nakatulog ng maayos ah.

Sumama ang tingin niya. "Tanong mo kay Nyrille!"

Nagulat ako sa outburst nito. Si Nyrille ay nasa grade 10 pa. "Nagtatanong lang naman eh"

Nanatiling tahimik ang buong klase. Pakiramdam ko ay pati ang mga kaklase namin ay may alam.

"Ano ba tooo? Bakit ang tatahimik niyooo? Anong nangyari kahapoooon?" Baka sakaling may magsagot pero wala talaga eh.

Bumaling sa akin si Kenna. She made face before saying. "Para kang baliw"

Aray naman.

Umikot lang ang paningin ko pero lahat sila ay ayaw magsalita. That's it.

Wala na si Sir Luke, paniguradong walang first period yung section Caelum kaya tinext ko si Chrissa.

Isda, tulungan mo ako dito
Ang tahimik nilang lahat
Tulong naman oh

Mga ilang segundo lang ay nagreply na siya.

Aksaya load ka pre ah
Di mo ba kayang pumunta dito?
Rich kid na to

Wag mong ibahin ang usapan

Ano ba tingin mo saken?
Clown?

Clownfish hahahaha!

Natawa ako sa sarili kong reply kaya napatingin sa akin si Nate pero umiwas ulit siya.

Ha-ha-ha nakakatawa

Ha-ha-ha edi tumawa ka

Ah ganon? Balakajan

Bilisan na tulungan mo ako

Balakajan.

Yan na ang huling reply niya sa akin. Di naman niya siguro ako iiwan dito diba?

Sunod nun ay nakarinig ako ng steps. Pagtingin ko sa labas ang nakita ko siyang naglalakad papunta sa amin.

Napansin ko rin na kasama niya si Yren na hinihila sa laylayan ng uniform si Calix.

Pagpunta niya sa pintuan ay nagsimula na siyang mag-ingay.

"Good morning, Stella!" Bati niya sa section namin. "Kenz, Empire Six, tara cutting tayo!"

Bigla nalang nabuhay si RJ. "Game!"

"You're such a bad influence" ani Calix.

"Aba! Tanong mo sa kanya!" Nginuso niya ako.

"Hoy hoy hoy, anong kinalaman ko dito? Humihingi lang akong tulong eh wala naman akong sinasabing magcutting tayo, kasalanan mo yan"

"Bilis na! Minsan lang magyaya si Chrissa ng cutting ay. Grade conscious kaya ang isang to" kating kati na yaya ni RJ.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now