Chapter 37: Happy Valentine's Day

76 2 0
                                    

~Chrissa's POV~

Nakatingin lang kami ni Shawn sa isa't isa. Kapwa hindi alam ang gagawin.

"Jyla Luthea..." bulong niya sa sarili. "Wala talaga akong kilala na ganun eh. Pasensiya na"

"Nah, it's ok. Maghanap kaya tayo ngayon? May access ka naman sa principal's office diba?" Tanong ko.

"Wala. Si Calix ang meron."

"Edi tanungin natin, tara"

Kumuha ako ng mangga galing sa gilid bago ako bumaba ng puno. Pumasok na kami sa loob at nadatnan namin silang nagtatawanan pa rin. Ang daya naman.

"Cal" tawag ko at binato sa kanya ang mangga na agad naman niyang nasalo. "Balik tayo sa school"

"Dito lang kami"

"Oo nga"

"Magyayaya ka ng cutting tas babalik ka rin?"

"Aba naman"

"Kayo si Cal?" Pilosopo kong tanong. Natahimik naman sila. Di naman kasi tinatanong eh. "Ano?" Baling ko ulit sa totoong Calix.

"K, let's go" tumayo ito sa kinauupuan saka lumapit sa amin, kapit pa rin ang mangga.

Hinawakan ni Xander ang mangga. "Di mo naman kakainin diba? Paniguradong may gagawin kayo kaya di mo to makakain. Sayang naman kung mabubulok diba? Akin nalang ha, salamat" bago pa ito makapagreact ay kinuha na ni Xander ang mangga.

"Uy, hatian mo ako"

"Pahingi ako. Onti lang"

Nagsimula na silang pag-agawan ang prutas kaya iiling iling nalang akong umalis doon kasama sina Apoy at Cal.

Ay wait, dahil cold si Calix, yelo siya.

So umalis na ako doon habang kasama ko si Apoy at Yelo. Oh diba, mas astig?

"Hskhskhsk" mahinang bungisngis ko.

"Anong tinatawanan mo diyan? Baka nakalimutan mo ang pinag-usapan natin kanina. Seryosong problema iyon" komento ni Shawn.

"Opo Sir hehe"

"What was that?" Tanong ni Cal. "I just came with you cause it seems important. What is it?"

"Kase, Mr. Ingleserong Leader Calix Sir, ganto yan," sinimulan kong pag-isipan ang sasabihin ko. Paano ba to? Seryoso o pabiro? "Nakita ko si Zeus dun sa shortcut papunta sa faculty room. Lumapit ako sa kanya pero don't worry, lumapit lang naman, hindi niya ako nakita. May kausap siya sa phone. Pinapabantay sa kanya si Jyla Luthea. Sino yun? Kilala mo ba yun?" Umiling lang ito. "Mukhang mahihirapan tayo"

"What's your plan?"

"Sa principal's office. Hahanapin nalang natin doon ang information ni Jyla Luthea....uhh, di namin alam ang apilyedo eh. Basta, maghahanap tayo tas aalamin ang iba pang info niya para maprotektahan siya. You know, para masira yung plano nila Zeus hahaha--"

"What if it's a trap?" Napatigil ako sa pagtawa ng marinig iyon. "What if he intentionally said those things knowing you were there? What if this is all planned?"

Tumigil kami ni Shawn sa paglalakad. Tumitig sa isa't isa at hindi alam ang gagawin. Paano nga ba kung planado lahat ng ito? Paano nga ba kung mamali kami ng gagawin? Shocks, di ko naisip yun ah.

Napabuntong hininga si Calix bago nagsalita muli. "Ok, let's just," mukhang nagiisip pa siya. "Let's find this Jyla girl and watch her from a distance. Don't let others know that we're guarding her. Don't let your attention fly to her, you must watch you friends as well. That way, when something happens to her, we will know and if something happens to Emix and others, we will know. Agree?"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now