Chapter 11: Ivy

100 0 0
                                    

~Shawn's POV~

Naalimpungatan ako nang may marinig akong malakas na kulog at sunod nun ang kidlat.

Aaahh, malakas na naman ang ulan. Paniguradong sobrang lakas ng dala nito.

Si Chrissa!

Napabangon ako kasi alam kong takot si Chrissa sa kidlat at kulog. Tiningnan ko ang side niya at nagulat ako nang makitang magkalapit sila ni Ken.

What the hell? Paanong nandiyan si Ken at halos magkayakapan na sila?! Sa posisyon nila, mukhang nag tsansing si Ken. Kaya pala si Kenna ang katabi ko ngayon.

Tsk! Ginaganyan niya si Chrissa? Di pwede.

Plano ko sanang paisugin si Kenna para maayos ko ang pwesto nila nang makita kong gumagalaw galaw siya.

Nakakunot ang noo at mukhang di mapakali. Masamang panaginip ata. Di ko lang pinansin at hihiga na sana ako nang kumidlat ulit kaya lumiwanag ang kwarto.

Kitang kita ko kung paanong tumulo ang mga luha niya.

Nagsimula na akong mag alala kaya tinapik tapik ko ang pisngi niya.

"K-Kenna. Kenna, gising na Kenna. Masamang panaginip lang yan" pero walang epekto.

Hinawakan ko ang mga braso niya at marahang inalog. "Uy, panaginip lang yan"

"B-bagalan mo na. Please" nagulat ako sa mga sinabi niya. Lalo akong nagalala.

Tulog pa ang dalawa kaya di nila alam ang nangyayari.

"Kenna!" Sinikap kong maging tahimik ang sigaw na yun.

"L-liko. Mababangga....t-tayo" nabasag ang boses niya at nagsimula nang tumulo ang masagana niyang luha.

Natataranta na ako!

"Kenna!" Mahinang sigaw ko. "W-walang mababangga. Nandito tayo. Nandito ako!" Habang inaalog pa rin siya.

Umiiyak lang siya ng umiiyak. Mukhang wala nang way para magising siya.

"Please, no. A-ayokong madamay ka" bulong pa nito ulit.

Binuhat ko ang kanyang pang itaas na katawan, niyakap ng mahigpit at sinandal ang ulo sa dibdib ko. Lalong lumakas ang iyak niya.

Tulog pa rin ang dalawa at wala akong balak na gisingin sila.

"Sshh, everything will be fine. Wag ka nang mag alala, Kenna Anley" comfort ko kahit alam kong di niya ako naririnig kasi nasa mundo siya ng panaginip niya.

"Don't do this.." aniya. "...Ivy"

I'm in shock! Did she just said that name?

Kinalas ko ang pagkakayakap namin saka hiniga siya unti unti. Buti nalang at kumalma na rin siya.

Anong sabi niya? Ivy? O Yren? Sadya ba yun o nabingi lang ako?

Does Kenna know her? O ibang Ivy yun? Baka naman hindi talaga yun yung narinig ko.

Could it be? Siya na ba yung sinasabi niya?

Pero hindi. Sa tagal naming magkasama, hindi ko nakita sa kanya yung hinahanap ko.

Siya ba yung kinekwento sa akin? Pakiramdam ko, naga-overthink lang ako.

You're confusing me, Kenna.

Should I ask you?

*~*~Next Day*~*~

Napagdesisyunan namin na umuwi nalang ngayong araw para makapagpahinga na rin.

The Key And Her SacrificesOnde histórias criam vida. Descubra agora