Chapter 14: Pick up lines 101

97 3 0
                                    

~Kenna's POV~

Nag away kami ni Ken kanina. Ang sarap niyang bugbugin. Nakakainis magkaroon ng kambal. Kahit anong galit ay hindi ko kayang saktan. Kahit anong inis ay nakokonsensiya ako sa gagawin ko sa kanya. Hindi ko tuloy mailabas ang ganti ko.

Dahil naiinis talaga ako, umalis ako sa bahay. Nagdala ako ng kaunting gamit at maga overnight ako sa quarters ng Empire Six.

Kahit ako lang mag isa dun ayos lang. Matakasan ko lang si Ken ngayong gabi.

Pagpasok ko sa pintuan ay bukas ang tv sa sala. Sumilip ako at nakita si Shawn na prenteng nakaupo sa sofa. Parang di siya pinagalitan dun ah.

"Bakit nandito ka?" We said together coincidently.

"Nainis ako kay Ken dito muna ako ah" sabi ko saka nilagay ang bag sa table at umupo na rin sa sofa. Nanonood siya ng movie. "Ikaw?"

"Nagalit sa akin ang parents ko hehehe" natawa ako sa scheming face niya.

Maaga pa. 7:03 palang ng gabi kaya nanuod muna kami dito nang may narinig kaming katok mula sa pintuan.

*tok tok tok*

"Shawn, nandiyan ka?" Boses ni Chrissa. "Papasok naman ako"

Ay, nalock ko nga pala yan kanina. Sasagot sana ako na nandito siya nang senyasan ako ni Shawn na tumahimik.

Pumunta siya sa kusina. Aaah, nagatago. Iniiwasan ba niya si Chrissa?

Wala akong magagawa, choice niya yun kaya binuksan ko na ang pinto.

"Nandiyan si Shawn?" Tanong ni Chrissa.

"Wala" sagot ko.

"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?"

"Nasa kusina ako, kumakain"

"Bakit mag isa ka lang?"

"Wala nang iba eh"

"Gutom na ako, punta akong kusina" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Alam kong narinig yun ni Shawn kaya di ko na siya pinigilan para hindi halata.

Pagpasok ni Chrissa ay agad siya pumunta sa likod ng ref at hinila ni Shawn. Haaays, I knew it.

"Umuwi ka na" sabi nito habang hila hila ang lalaki.

"Ayoko nga" tanggi naman niya.

"Kaya nga ako nandito eh"

"Kaya nga gusto kitang taguan eh"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko, alis ka na nga"

"Inapauwi ka na nina Tito Ivan"

"Dito lang ako"

"Para kang bata, may ihahabilin pa sila. Umuwi ka na kasi"

"Di mo naiintindihan, papagalitan ako dun"

"Anong masama dun? Tinuturuan ka lang ng leksyon. The one who hates correction is stupid"

"Ayoko sabi"

"Sino bang mas nakakatakot magalit? Parents mo o si Calix?"

"Si Calix"

"Oh, you've been through worse. Umuwi ka na"

"Iba kasi yun! Si Calix nagmumura tapos sinasabihan kami ng mga dapat ginawa namin, minsan nananakit pa. Pero pisikal! M-masasakit ang salita ng magulang ko"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now