Chapter 46: Under Control

77 1 0
                                    

~Kenna's POV~

Lumabas si Ken mula sa kwarto ng nakabusangot.

"Oh? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala. Hayaan niyo muna siyang magpahinga." Sagot niya.

Nagtataka pa rin ako pero halata namang hindi ito magsasalita kaya tinikom ko na ang bibig ko.

"Shawn." Tawag ni Ken. Lumingon naman si Shawn.

"Oh?"

"I think," tumigil siya para magbuntong hininga. "I think Chrissa has Dissociative Disorder. That kind na may Split Personality Disorder."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?!"

"What?! Split Personality?!" Gulat ring ani Shawn.

"Simula nung huli kong nakausap si Chrissa, nagtataka ako kung bakit parang hindi niya alam ang mga ginagawa niya. Tapos parang paiba ibang tao ang kaharap natin. Pansin niyo? One minute, she's Chrissa; hyper, cheerful and clingy then the next minute, she's Luthea; aggresive, murderous and dangerous."

"Oo nga." Pagsang ayon ko. Parang ganun nga ang mga pinapakita ni Chrissa. "Tapos nagagalit siya kapag tinatawag natin siyang Chrissa"

"Paano mo nasabi?" Hindi pa rin naniniwala si Mark.

"Nagresearch ako ng mga mental illness at mental disorder na associated sa mga ginagawa ni Chrissa." Pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig kaya sinundan nalang namin doon si Ken. "I came across Dissociative Disorder. Symptoms are; memory loss of certain events, tulad nung sa ospital. Naalala niyong kung makaasta siya parang walang nangyari, parang hindi niya ako binantaan." Oo nga. Oh My Gosh. "Out-of-body experiences, such as watching a movie of yourself. Yun yung kinwento sa akin ni Chrissa kanina lang. Parang nanaginip daw siya na pinapanood niya ang sarili na nagsusungit." Siguro, siya si Luthea nung mga oras na iyon. "Emotional numbness, yun yung mga oras na para bang wala siyang pakielam kahit makasakit siya. Tulad kahapon sa ospital." Yung kahapon na pinasabog niya ang likod ng building. "Lack of the sense of self-identity, madalas siyang nagagalit kapag tinatawag siyang Chrissa. Tapos kaninang kausap ko siya, she told me she's both Chrissa and Luthea." Seryoso niya kaming tinitingnan habang nakahawak ang isang kamay sa sentido at ang isa ay sa baso. "Split Personality Disorder ang type ng Dissociative Disorder niya ngayon. Personality one is Chrissa and personality two is Luthea."

Napasquat si Shawn at sinabunutan ang sarili na para bang stress na stress na. "Ano bang nangyayari na sa pinsan kooo?" Naaawa akong tingnan siya ng ganito.

"Ken, may cure ba para diyan?" Tanong ni Yren.

"Oo naman, pwedeng naturally nalang siyang gumaling dahil kaya na niyang macontrol ang both personalities pero ang best way ay dalhin siya sa mental hostpital."

Naaawa na ako kay Chrissa. How did things come to this?

"Hindi ba pwedeng maghintay nalang tayo na gumaling siya ng kanya?" Tanong ni Shawn.

"By that time, baka patay na tayong lahat. Murderous si Luthea." Parang ang casual lang ni Ken.

"Pero pipigilan naman siya ni Chrissa diba?" I said hopefully.

"Hindi natin alam kung sino sa dalawa ang may upper hand sa katawan ni Chrissa. Pero sa mga nangyayari ngayon, pakiramdam ko, si Luthea ang mas may kontrol."

Everything just became so complicated. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakaoverwhelm na ng lahat ng ito.

Mga ilang segundo kaming nagtitigan lahat. Naguguluhan at naaawa, hanggang sa may narinig kaming katok.

The Key And Her SacrificesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang