Chapter 1

3.5K 118 6
                                    


Franki's POV

Bagot akong napasandal ulit sa upuan dito sa terminal dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita ang anino ng dalawa. Akala ko ba ready na sila? Pero wala akong karapatan na magreklamo dito dahil ako na ang tinutulungan. I'm just going to wait patiently, until their spirit and body came.

Napapikit ako habang inaalala ang mga pinag-usapan kanina. I can't really believe na kaya akong ipakasal ng aking mga magulang sa taong hindi ko naman mahal. Well, kaya ko namang hindi mag regret sa pagtakas ko sa bahay. I don't care kung mag-alala sila, which I doubt, dahil hindi nga sila nag-alala na ipapakasal ako sa taong yun eh. And this is also my dream in life na mamuhay na walang rules sa buhay. I really need my freedom na matagal ko nang hinihiling. And this is it. Hindi ko na papakawalan pa.

Agad akong napadilat ng mata nang may naramdaman akong may pumitik sa aking ilong. And there, nakita ko na ang dalawa na nakatayo sa aking harapan na kanina ko pa hinihintay. Sa wakas dumating na.

"Pwede bang icancel nalang muna natin? Hindi pa ako ready na umalis dito sa mundo." Biglang sabi ni Maza na parang sinakluban ng langit at lupa ang hitsura.

Bumaba ang tingin ko sa kanilang dala, at parang bigla yata ako nahiya sa kanila. Isang maleta lang ang dala ko samantalang sa kanila, lima!? Dalawang maleta kay Jodie, at tatlo naman kay Maza. Sa pagkaalam ko, ako ang tatakas eh.

"Anong mundo? Hindi naman tayo mangingibang planeta ah?" Angal ni Jodie sa kaniya. Tumayo na ako because any moment ay matatawag na kami. Nakapagbooked na ako ng flight namin last week pa. Dahil matagal ko na itong pinaplano, at ito lang talaga ang choice ko bago pa ako sabihan ni Jodie kanina na tumakas.

"Tara na. Matatawag na tayo." Sabi ko at nauna nang naglakad. Gusto ko na talagang makaalis dito bago pa maabotan ng aking mga magulang. Baka kase malaman nila na tumakas ako dahil wala ako ngayon sa kwarto.

"Wait lang!! Ano ba. Saan ba tayo pupunta!? Anong bansa?" Habol na tanong ni Jodie sa akin habang hila-hila ang mga dala niya. At si Maza naman, sumunod din but parang nagdadabog habang hila-hila ang kaniyang bahay. Eh, kase naman, hindi biro ang tatlong malaking maleta.

"Sa Pilipinas." Sagot ko dito nang maramdaman kong nandito na sila sa aking likuran.

"Huwaaat!? Hindi pa nga ako ready umalis tapos sa Pilipinas pa!?" Reklamo ni Maza na parang tumigil sa paglalakad. Kaya tumigil naman ako para lingunin sila.

"Akala ko ba ready ka na?" Pagtataka ko sa kaniya.

"Sino ba nagsabi na ready ako?"

"Si Jodie. Dahil sabi niya sa akin kanina na palagi naman kayong handa."

Hindi na siya nagsalita pa at tumingin nalang siya kay Jodie ng masama.

"Hehehe? Pasensiya na Maza. Sobrang bait ko lang na kaibigan na pati ikaw isinama ko na sa pagiging palagi kong handa." Wika nito na hindi makatingin sa kaniya. Kase naman parang mangangain na siya ng buhay.

"Kung hindi ka handa edi wag kang sumama." Naisaad ko nalang bago ulit nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Jodie. Pero bago pa kami tuluyang malayo sa kaniya ay sumigaw na ito.

"Hey! Hintayin niyo naman ako! Ngayon ko lang napagtanto na handa na pala ako!"

Kaya hinintay namin siya dahil sabi niya eh.

"Anyway, bakit sa Pilipinas pa ang pinili mo, Franki? Marami namang ibang lugar ah?" Tanong sa akin ni Jodie.

"Because sa Pilipinas maraming tagong lugar, like sa mga bukirin."

"What!? Don't tell me na sa bukid na tayo titira!?!"

"But I want to tell you na parang ganun na nga. Para hindi ako madaling mahanap nina Mommy at Daddy."

Napasapo na lamang ito sa kaniyang noo dahil alam naman niyang wala na siyang magagawa.

"Pero wag kang mag-alala. What I meant lang naman doon is, sa lugar na hindi masyadong matao." Dagdag ko dito na saktong-sakto sa pagdating ni Maza.

"Fine. Para na din sa ikakabuti mo, sasamahan ka namin ni Maza wherever you go."

"Sasamahan saan?"

"Sa pagtanda."

"Tara na nga. Ang dami niyo pang sinasabi."

***

Dito ako umupo malapit sa bintana. And this is usually my favorite spot. Dahil malaya kong tignan ang view sa baba na sobrang ganda sa aking paningin. At kagaya nun ang pagkalaya na pakiramdam sa aking puso.

"Bakit ba ayaw mo ikasal doon sa lalaki na sinet-up ng mga magulang mo sayo? Pogi naman yun ah? Tapos mayaman pa." Tanong sa akin ni Maza dahil siya ang nasa gitna namin ni Jodie. Kaya siya muna ang nanggugulo sa akin ngayon.

"Simple lang. Dahil hindi ko siya mahal. And I don't care about his face and his wealth. Mayaman naman kami noh." Sagot ko sa kaniya para matahimik na.


"Paano yan, hindi mo matatakasan ang problema mo na yan panghabang-buhay." Patuloy pa rin nito.

"Edi tanggapin ang kapalaran. But for now, gusto ko munang maging malaya pansamantala."

Kung yan talaga ang gusto ng mga magulang ko para sa akin, edi pagbigyan dahil wala naman akong magagawa sa huli. Pero sa ngayon, gusto ko munang maranasan ang maging malaya.

"Alam mo, pwede mo namang baguhin ang kapalaran mo eh. Dahil nasa kamay mo naman yan."

Naguguluhan lang akong nakatingin dito.

"Paano?"

"Edi humanap ka sa Pilipinas ng taong mahal mo, and then magpabuntis ka tapos dalhin mo siya doon sa mga magulang mo. And ayan, problem solved."

Napasandal ako sa aking kinauupuan sa mga sinasabi ni Maza. Seriously? Magpapabuntis pa talaga ako para lang masolusyunan ang problemang ito?

"Nasa iyo pa rin naman ang desisyon, Franki."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now