Chapter 46

1.2K 57 28
                                    

There will be hard days.
But they won't last. Kapag gawan mo ng paraan di'ba? Na matapos agad ito.

I just come to conclusion na puntahan ko nalang siya. Hindi ko na matiis yung pangungulila. Pinalagpas ko na ang limang araw na wala siya sa aking tabi. Hindi ko kayang dagdagan pa ang mga araw na iyon na wala siya sa aking piling.

Nabuksan ko ang kubo, with the help of Gazini. I know I'm stepping on the privacy nang pinakialaman ko ang kaniyang mga gamit, kanila rather. But I have to, para malaman kung saan siya nakatira. At knowing na sa ibang bansa pala, kaya tamang tama ang bigay ni Kap na visa.

Nakapagbooked na rin ako at bukas aalis na kami. But I wonder kung bakit di talaga siya bumalik. Siguro, wala siyang babalikan sa akin. Tangina naman, heto lang kase ako.

"Gusto muna kitang saktan, Diana."

"By?" Pagtataka ko kay Gazini habang papunta kami sa parang. Sa lugar kung saan ipinangako niya sa akin na ako lang.

"By asking question."

Hindi na ako nagsalita at hinintay nalang ang tanong niya.

"Paano kung niloloko ka lang niya? Na di talaga minahal?"

Ang sakit naman.

"Then, magpapasalamat ako sa kaniya."

Tumingin ako sa paligid, at wala akong ibang makita kundi ang masaya niyang mukha. I can't tell kung peke ba yun o hindi. Yung mga ngiti niyang nagpapangiti sa akin. Ang existence niyang naging mundo ko na. Kung biro lang ang lahat nang iyon, magpapasalamat pa rin ako sa panandaliang saya.

"For hurting and fooling you?"

"No. For loving me in a short period of time."

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Dahil naranasan ko ang pinakamagandang feeling sa mundo. Yung mahal mo, na mahal ka rin. Hindi nabibili ang saya na iyon. If you die not experiencing it, then you aren't truly live. Magsisisi ka talaga na nakinig ka lang sa love story ng iba. Tamang pakilig-kilig lang sa gilid, at magsasabi ng 'sana all'. At syempre,  hindi exemption ang sakit sa pagmamahal dahil magkaakibat sila. Love makes you live, and pain makes you stronger by living that... everyday."

"I guess, we're exist to love..."
Sambit nito. Inilihis ko ang aking tingin sa isang bagay, at dumapo ito sa isang bulaklak. Naalala ko yung sampaguita na pinapaligiran ng mga alitaptap.

"Yeah, because we're made of love. At hahanapin ang tamang tao. Pero ang lungkot lang isipin, na hindi lahat ng gusto natin, mapapasaatin. Kagaya sa kagustuhan ng mga  alitaptap sa sampaguita, na kailanman hindi mapapasakanila."

I don't know kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko nang sinabi ko yun. Maybe, I am attacked by my own words.

"Siguro, hindi lahat ng gusto natin tamang tao na."

"Hindi naman palaging tama ang pagmamahal, so bakit kailangan pang piliin ang tamang tao?" Tanong ko rito. Naguguluhan talaga ako when in the first place, kusa lang naman tumitibok ang puso natin.

"Para hindi masaktan sa huli." Sagot nito pero hindi ako sang-ayon.

"Ba't ba takot kayo masaktan?"

"Dahil pangit sa pakiramdam."

"Alam mo yung mas pangit sa pakiramdam? Ay yung mga araw na pinalagpas mong hindi siya mahalin. If life is so short, why don't you let yourself fall? Why didn't take the chance while you're still have time? Hindi yung sakit ang dapat nating iwasan, kundi yung regrets. Doon dapat tayo matakot."

Tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha. "Tama na. Wala nang patutunguhan ang ating pinag-uusapan."

At nauna na itong naglakad patungo sa aming destinasyon. Pero agad namang lumingon sa akin at may sinabi.

"Hindi ko nararamdaman na niloloko ka lang niya. So, tara na! It's better not to miss the sunset than the person. Pupuntahan pa natin siya bukas, remember?"

Seducing The EpiceneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant