Chapter 50

1.5K 81 165
                                    


Four years after.  .  .


The house feels emptier than a crypt. I can't just sit here watching the walls, no matter how prettily I've painted them. Kaya lumabas ako ng bahay. At wala akong ibang makita kundi ang mga matatayog na gusali, and all moving like cars, people, busses, trains. Namiss ko na ang buhay sa bukid, na walang ibang tao sa paligid. Pero sa pagdaan ng mga araw, nagbabago ang lahat. At yung kinasanayan mo, dapat mo nang kalimutan kaso hindi ko magawa. Gusto ko sanang bumalik na sa Cabanatuan, but wala pa akong natanggap na resignation acceptance letter.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa nang maramdamang nag vibrate ito. Someone's calling.

"The fuck you want?" Tanong ko agad kay Gazini nang sinagot ko ang kaniyang tawag. She's with me rin dito sa bahay ni Kuya kasama si Mama. Si Ate lang ang wala.

"Oh, Vice President of Truvisori where you at?"

"Sa bahay, bakit ba?"

"Well, nagpapasundo sayo ang dearest mother mo. Sunduin mo kami dito sa Centro Santa Fe."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad na niyang pinatay ang tawag. At wala akong magawa kundi sunduin sila sa isang shopping mall dito sa Mexico. I didn't say no in the first place kaya kailangan ko nang kunin ang susi sa loob ng bahay at puntahan sila.

Mahigit apat na taon na kaming naninirahan dito simula nung napagdesisyonan kong umalis doon sa bukirin at sumunod kay Kuya. Syempre, isinama ko na rin ang dalawa dahil malulungkot daw sila na wala ako. Kaya dito na kami nanirahan. Pero uuwi din naman sina Mama at Gazini bukas sa Pilipinas dahil namiss din nila ang bukirin.
Namiss ko rin kaso hindi ako makauwi agad-agad. Kailangan ko muna ang resignation acceptance letter sa pinagtatrabahuang kong bangko. I am a financial manager doon. Nakapag-ipon at nakapagtayo ng negosyo. Pinalago at nag-invest sa isang kompanya, and become a Vice President ng Truvisori.
Itinuon ko ang lahat kong atensyon sa trabaho just to forget her, totally. Dahil kapag abala ka, hindi mo siya maalala. And now, I'm little less lonely.

Ipinarada ko na sa parking lot ang sasakyan at agad bumaba. Nakarating na kase ako sa nasabing mall na pagsusunduan ko sa dalawa. Ang daming tao pero nasanay na ako. At ito yung pagbabago na hindi ko inaasahan. Sobrang laki na ng ipinagbago ko, nang dahil sa kaniya.

Tuluyan na akong pumasok sa loob at pumunta sa isang cafe dahil dyan daw nila ako hihintayin. At mabuti naman na agad ko silang nakita habang abala sila sa pag-uusap sa isang babae. Nakatalikod ito sa akin kaya di ko makita ang mukha.

Habang papalapit ako sa kanila ay napansin kong may karga itong aso. Alaga niya siguro.

"Diana! Dali, may ipakilala ako sayo." Biglang bulalas ni Mama nang makita niya akong papalapit sa kanila. Napatingin naman sa akin yung babae habang nakangiti.
"This is Ivana. Single yan."

Okay. Another pangrereto. I'm tired of this shit.

Nginitian ko ang babae at nakipagkamay dito para naman hindi mapahiya si Mama. At besides, mukhang mabait naman siya kaya dapat pakitunguhan ng maganda. Well, everyone deserve to be treated good.

"Uh, hi. Nice to meet you, Diana." Ngiting sabi nito sa akin. Pero isang ngiti at tango lang ang itinugon ko.
Akala ko magpapasundo sila? May irereto lang pala.

"Ah, anak? Ikaw na ang bahala sa kaniya. Kaya na naming umuwi."

See? Urgh. Sabi na nga.

Bago pa ako makapag-angal kay Mama ay agad na nila kaming iniwan. Hindi ko alam kung saan na naman niya nakilala ang babaeng ito. Ilang beses na niya itong ginagawa kaya hindi na ako nagugulat. And her reason behind this, is asawa nalang ang kulang sa akin and gusto na niyang magkaapo. Wala pa kaseng mga anak ang mga kapatid ko, kaya ako ang tinutulak niya na as if makakabuntis ako.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now