Chapter 16

1.9K 81 4
                                    


Maza's POV

"Life is short. Be as gay as you want."

Isang sakong labuyo ang pinangdikdik ko sa aking isipan habang pinapagulong-gulong ang katawan ni Jodie.  And then isisilid sa sako at ibilad sa araw habang pinapaligiran ng maraming kambing. Hindi ba siya tatahimik? Lokang-loka na sa ingay ang tenga ko.

"If life is so short 
Why don't you let me love you 
Before we run out of time ♪♫"

Hindi ko alam kung sino sa amin ni Franki ang pinariringgan niya sa kanta. Pero sa una niyang statement na life is short, be as gay as you want, alam kong para sa akin yun. Kasi ilang beses na niya akong pinush sa Gazini na iyon, porke't tinawag ko lang na babe. Iniinis ko lang naman yung tao eh. I don't mean what I say.

"♪♫If love is so strong 
Why won't you take the chance 
Before our time has gone♪" Patuloy pa rin nito habang patuloy naman sa paglalamon si Franki. Ganyan kapag broken hearted ang isa, lumalamon lang hanggang sa mabusog. Ikinuwento na niya kase sa amin ang kaniyang pagconfess sa tao na may pusong bato. Yeah, bato talaga. Bato na parang yelo. Matigas na malamig pa. Sa ganda ng kaibigan namin, hindi man lang siya nagcrushback. Akala mo kung gwapo, eh gwapo naman talaga!

"If life is so short, if life is so short 
Love is a word that explains how I feel for you 
And when you're in my arms, all my dreams come true ♪♫"

Tinakpan ko nalang ang aking tenga sa walang tigil na pagkanta ng boses palaka dito. Hindi ko siya mapapatahimik dahil alam ko nang si Franki ang kinakantahan niya.

"And when you're not around 
You can't hardly see 
These tears that I'm crying now are for you to be with me ♪♫"

Parang gusto ko nang itapon si Jodie sa dagat! Hindi siya nakakatulong kay Franki. Lalo lang niya pinapabroken yung isa eh! Saktong-sakto pa naman ang mga kanta niya sa nararamdaman ng isa. Nafifeel ko kase feeler ako.

"Franki, wag ka nang kumain. Tama na yan." Sabi ko rito habang hinahaplos ang kaniyang likuran. Naaawa ako, baka kase mabusog siya. I mean, mabulunan pala. Nasasaktan akong makita siyang ganito, na kumakain.

"Please, tama na yan. Maawa ka sa sarili mo. Ang daming tao sa Earth, hindi lang siya ang nag-iisa. Because--"

"Cause, someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone's gonna take your place
One day I'll forget about you
You'll see I won't even miss you
Someday, someday♪♫"

Naputol ang sasabihin ko sa brokenhearted ngayon dahil bigla na namang kumanta ang isa rito. Ginawa niya pang microphone ang buto ng manok with matching papikit-pikit pa ng mata. Akala niya parang hindi na sasabog ang Taal.

"Right now I know you can't tell
I'm down and I'm not doing well
But one day these tears, they will all run dry
I won't have to cry sweet goodbye--"

Hindi na niya natapos ang kanta nang lagyan ko na ng buong ampalaya ang kaniyang bunganga. Seryosong usapan na dahil bigo si Franki, kaya wag siyang kakanta-kanta lang dyan.

"Franki, ganon mo na ba talaga siya kamahal, na kainan mo pa talaga ng pagkain?" Pagsisimpatiya ko ulit sa kaniya habang hindi niya ako pinapansin. Okay lang, naiintindihan ko naman siya. "Gusto mo hanapan ka nalang namin ni Jodie ng bago--"

"Sa kanya pa rin babalik sigaw, ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya♪♫"

Napatigil na naman ako dahil hindi pa rin tumitigil ang Jodie na ito sa pagkanta. At ang saklap pa dahil ang ampalaya na ang ginagawa niyang microphone. Pero hindi ko nalang siya papansinin.

Humarap ulit ako kay Franki at nagsalita.

"Alam mo, hindi siya malaking kawalan sa buhay mo. Sinaktan ka niya--"

"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko♪♫"

Sumandok pa siya ulit ng kanin kaya agad ko namang pinigilan. Hindi pwede. Hindi maaari.

"Bakit?" Mahinang tanong nito sa akin. Kaya agad naman akong--

"Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed, thinking of you again
And the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
Oh oh oh oh oh oh oh oh ohh...♪♫"

Pareho kaming napatingin ni Franki kay Jodie habang patuloy pa rin ito sa ka 'oh oh oh' . Hindi na yata siya okay.

"Tama na ang pagkain, Franki. Mabubusog ka niyan." Sagot ko sa kaninang tanong nito. "Tell me nga, gaano kana ba ka sobrang inlove sa taong iyon? "

"I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you♪♫"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil si Jodie sa pagkanta.
Pero hindi naman siya masyadong nakakaistorbo sa pag-uusap namin ni Franki. So

"Basta ang mahalaga lang dito Franki ay huwag mo siyang iyakan--"

"He's the reason for the teardrops on my guitar,
The only thing that keeps me wishing on a wishing star,
He's the song in the car I keep singing, don't know why I do♫♪"

Parang masasabog ulit ang bulkan. Parang masasabog na ako dito. Sige. Isa pa. Isa nalang. At masisigawan na kita, Jodie. Inuubos mo talaga pasensiya ko.

"Here I am to worship
Here I am to bow down
Here I am to say that You're my God

You're altogether lovely
Altogether worthy
Altogether wonderful to me♪♫♪"

Parang hindi ko yata siya masigawan. Ayokong magkasala.

"So yun na ang huli. I'll stop singing na."

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi ni Jodie.  Kaya makakausap ko na ng matino si Franki.

"Franki, gusto mo bang umalis tayo dito?"

"Huh!? Bakit naman!?" Biglang angal nito sa akin na hindi pa itinuloy ang pagsubo niya sa pagkain.

"Uhm. Baka kase ayaw mong makita ang taong iyon dito?" Hindi siguradong sabi ko sa kaniya. First heartbreak niya ito so alam kong masakit iyon, lalo na kapag makikita mo ang dahilan ng sakit.

"Anong ayaw kong kikitain ang taong iyon? Bakit na naman ulit?"

"Eh, kase nga, sinaktan ka niya diba?" This time si Jodie naman ang nagtatanong sa kaniya. "Kaya ka broken ngayon."

"Anong broken? Hindi ako bigo noh. At isa pa, hindi niya ako sinaktan. Okay I get it, alam ko ang ibig niyong sabihin. Ipinagtapat ko kanina sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi ako bigo." Pagtatama nito.

"So bakit ka kumakain diyan?" Pagtataka ko naman.

"Ofcourse, dahil nagutom ako Maza. Di ko nga alam kung bakit parang baliw kayo kanina."

"Wait. Diba sabi mo nagtapat kana ng nararamdaman mo sa kaniya tapos umuwi ka dito na hindi man lang mabati-bati. And tapos sasabihin mong hindi ka broken!?" Naguguluhang tanong ni Jodie habang lumalamon na rin. Kaya nakilamon na din ako.

"Yes. Yun na nga. Kaya badtrip lang ako kanina dahil hindi siya sumagot sa akin, imbes umalis lang na walang pasabi-sabi. Hindi man lang nagsalita. Hindi ko alam kung may feelings din ba siya sa akin o ano. It's still either yes or no."

"So, anong plano mo?"

Hindi ko alam kung bakit yun pa ang itinanong ko. Hindi pala siya broken eh. Nag-assume agad kami.

"So tuloy pa rin naman ang pang-aakit ko sa taong iyon."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now