Chapter 29

1.8K 88 32
                                    


Franki's POV

Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa tingin ng isang tao sa unahan. Alam kong kanina niya pa ako tinitignan dahil nagnanakaw-tingin din ako sa kaniya. Ngayon lang ako nagpakita dahil hindi ko na napigilan ang sarili na masilayan ang kaniyang mukha ulit.

Nakaramdam naman ako ng sobrang kainitan kahit hapon na. Tumayo ako para itali  ang aking buhok na sakto naman na may sinabi si Jodie dahilan para sa kaniya ako tumingin.

"Hindi ba kayo magpapainom? Ilang araw na akong naghihintay. Nasaktan na nga kayo pero ang damot pa rin."

"May nakita ka bang mga alak dito?" Balik naman ni Maza sa kaniya.

"Edi, sa bayan. Ako na mismo ang magvo volunteer na bumili."

Para matapos na ang diskusyon nila at para na rin sa ikakatahimik ni Jodie ay nagsalita na ako.

"Sige na, magpapainom ako. Sagot ko na lahat. Para na rin matatahimik ang kaluluwa mo, Jodie."

"Yey! Sigurado ka? Hindi mo na mababawi?" Paninigurado nito sa akin na ngiting-ngiti pero hindi naman sa akin nakatingin kundi sa likuran ko.

"Oo na nga. Kunin mo nalang sa bag ang pera. Kahit ubusin mo pa yun, bahala ka."

Mas lumawak pa ang ngiti nito na akala mo nanalo sa lotto ng jackpot. "Maraming salamat. Kaya pinagpala ang taong mapagbigay eh. Maza, let's go."

At hinatak niya ang isa na abala sa pagpipitas ng kamatis. Wala naman itong nagawa kundi nagpahatak nalang kay Jodie. Kaya naiwan naman akong mag-is-- wait!! Iiwanan talaga nila ako mag-isa rito?!

"Hoy! Wala akong katulong dito! Aanhin ko sa pagdala ng napakaraming gulay na ito mamaya?! Atsaka may pakwan pa!!" Sigaw ko sa kanila pero parang walang narinig. Tuloy-tuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Akala ko sa bahay-kubo sila pupunta, ba't sa bayan ang kanilang direksyon?

"Ako nalang tutulong sayo." Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. Gaaahd. Nandito na siya?!

Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ulit sa pagpipitas. Nahihiya akong humarap sa kaniya.

"Sige. Salamat in advance." Tanging naisambit ko na lamang. At parang gusto kong bawiin yun. Hindi naman kase yun ang dapat kong sabihin eh.

"Ano pang mga gulay ang kailangan niyo?" Tanong nito na pumunta mismo sa aking harapan. Mabuti at may halaman sa aming pagitan. Kaya hindi masyadong exposed ang haggard kong mukha sa kaniya.

"Sitaw." Ikli kong sagot dito habang nagkukunwari na abala sa pagpipitas ng kamatis.

Naramdaman ko na tumalikod ito sa akin at may kinuha sa side na iyon. Bago ko pa iangat ang aking tingin ay bigla na itong humarap sa akin dala ang sitaw.

Ang bilis.

"Ito na ang sitaw. It is a good source of protein that build and repair tissues in hair, nails, or skin. And it also helps you stay fit as you age. Pero kahit tumaba ka man, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa aking paningin."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na ngumiti sa pinagsasabi niya. It's like the tables are turning. Parang siya naman ang lumalandi sa akin. Tumango lang ako sa kaniya na seryoso ang mukha. Ayoko kasing isipin niya na kinikilig ako. Wherein fact, parang mamamatay na ako sa kilig dito.

Kinuha ko na ang sitaw sa kaniya pagkatapos ay nagsalita ulit ito.

"Ano pa ang kailangan mo, sabihin mo lang dahil handa kong ibigay ang lahat."

Tumingin muna ako sa kaniya na siyang nakatingin din sa akin. Sinusuri ko ang mukha niya kung pilit ba yun o hindi. But all I see is a confidence na ngayon ko lang nakita sa kaniya.

"Ikaw.." Bigla kong naibulalas sa kaniya dahilan ng kaniyang pagngiti. Kinabahan naman ako nang napagtanto ko iyon. "I mean, ikaw, wala ka bang gagawin?"

"Uhm. Wala na. Tinapos ko na lahat kanina dahil pupunta sana ako sa bahay-kubo."

"Anong kailangan mo doon?" Pagtataka ko at pumunta na sa kinaroroonan ng basket sa gilid, at inilagay doon ang mga gulay.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko doon."

"Bakit?" At humarap ako sa kaniya. Hindi pa rin siya umalis sa kaniyang kinatatayuan habang tinitignan ako ng taos-puso.

"Gusto lang kita makita. At masaya ako ngayon dahil nakita na kita."

Shit. Parang hindi ko na kaya ang mga kilig na nararamdaman ko ngayon. Sobra-sobra na.
Hindi na ako nagsalita at humarap na lang sa basket na puno ng mga gulay at prutas. Aakma ko na sana na buhatin  ito pero agad naman siyang tumakbo papunta sa akin para kunin iyon.

"Ako na."

Kaya hinayaan ko nalang siya. Kahit medyo nababaguhan ako sa kaniyang ikinikilos. Sino ba ang sumapi sa kaniyang katawan? Sana hindi nalang aalis.

Malapit na kami sa bahay-kubo nang bigla niyang binasag ang katahimikan na kanina pa namamagitan sa amin.

"Anong gusto mong ulam mamaya?"

"Adobong sitaw, na may pork belly sana. Pero wala kaming baboy eh, kaya adobong sitaw  nalang." Sagot ko naman. Ewan ko ba. Hindi ko magawang mainip kahit isang tanong isang sagot lang ang nangyayari sa amin ngayon. Parang kuntento na ako basta siya ang kasama.

"Asahan mo bukas, ipagluluto kita ng adobong sitaw na may pork belly. Pasensiya na sa ngayon, wala rin kaming baboy eh." Matawa-tawang sambit nito. "Ano pa?"

"Yung paborito mo para matikman ko rin." Sabi ko at binuksan na ang kubo. Pumasok siya sa loob kaya sumunod naman ako. Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang mga gulay at prutas na kinuha namin kanina.

"Marunong ka bang magluto gamit ang kahoy?"

Tumango ako sa kaniya bilang sagot kase umiinom ako ng tubig.

"Mabuti. Pwede na kitang aasawahin."

Bigla ko namang naibuga ang iniinom ko sa kaniya dahilan ng pagkabasa ng kaniyang damit. Shet. Fuck.
Hindi ko alam sa kung anong dahilan ako napapamura. Sa sinabi niya o sa pagkabuga ko ng tubig sa kaniya mismo? Pwede both?

"I'm sorry! I'm sorry." Natatarantang pagpapaumanhin ko dito habang pinupunasan siya ng towel na hindi ko alam kung saan ko kinuha.

"Okay lang. Maliit na bagay."
At hinawakan niya ako sa magkabilang kamay para tumigil ako sa aking ginagawa. "I just want to tell you something, Punky."

Heto na naman siya sa pagtawag sa akin ng ganyan.

"Ano yun?" I asked. At sinalubong ang mga kakaibang tingin niya sa akin na humaplos sa aking puso.

"You trust your body to me, and hindi na ako magtatanong kong tanggap mo ako dahil nararamdaman ko yun.

Gusto mo man o hindi, liligawan kita."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now