Chapter 48

1.3K 63 32
                                    


Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang ikwento ko siya kay Mommy. Parang nandiyan na rin siya sa aking tabi when I'm talking about him. Gusto ko pa sanang magkwento pa, but I have a lunch together with this guy. At sabi ng aking ina na pagbigyan ko na para naman makilala ko siya. Getting to know that shit's stage.

"Uhm, anong gusto mong kainin?" Ngiting tanong nito sa akin. Tinignan ko ang mukha niya. Minamasdan ang bawat parte nito. At wala akong ibang makita kundi ang mukha lang ni Dianer. Argh. Puntahan mo na kase ako dito kahit sobrang imposible.
"Siguro, napopogian ka sa akin."

Eww, umasa siya.

"So ano na? Para makapag-order na tayo."

"Kahit ano." Ikling sagot ko rito. Wala akong gana. Gusto ko lang mapag-isa at matulog kaysa makasama ang taong ito.

"Paano ko malaman kung ano ang gusto mo nyan."

Kailangan pa ba yun?

"Gusto mo malaman ang gusto ko? Well, nag-iisa lang naman siya."

"Siya?" Naguguluhang pag-ulit nito.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa at binuksan ito. Mukha niya kasi ang wallpaper ko. At ipapakita ko sa lalaking ito ang gusto ko. Pinaharap ko sa kaniya yun at nagsalita.

"Siya ang gusto ko. So, alam mo na?"

Gulong-gulo ang mukha nito na nakatingin lang.

"Parang ang pamilyar ng mukha niya. Parang nakita ko na siya before." Saad niya na halata sa tono ng kaniyang pananalita na ayaw niya pag-usapan. Kaso gusto ko pag-usapan eh, kaya,

"Taga Cabanatuan yan, at doon rin mismo sa lugar na yun nagsimula ang aming pagmamahalan na sinira mo."

"Excuse me? Ako kaya ang nauna kaysa sa kaniya-"

"Excuse me rin, mahal ba kita?" Agad ko nang putol dito. Naiirita ako. Nakikipag compete siya eh sa simula palang alam niyang talo na siya. Kung hindi lang niya kakampi ang mga magulang ko, siguro hindi masyadong makapal ang kaniyang mukha. Ba't kase natalo si Daddy sa sugal? At siya ang nagbayad, at ako ang kapalit? Sinabi na kanina sa akin ni Mommy ang dahilan kung bakit ako ipapakasal sa lalaking ito. Wala silang magagawa dahil sa isang malaking utang na loob. Makukulong kase si Daddy kung hindi, at maghihirap kami kung aayaw ako. At isa pa, mahal naman daw ako ng lalaking ito kaya nasa kaniya ang panig nila.

"Well, sa akin ka rin naman ikakasal so wala kang magagawa kundi mahalin din ako. At anyway, I'm also from Cabanatuan. Kaya pala pamilyar baka nakita ko na siya along the way."

Hindi ko siya pinansin.  Sumandal nalang ako sa upuan at napatingin sa mga bodyguards niya sa di kalayuan. Siya pala ang may pakana nito, akala ko pa naman ang aking mga magulang. Siya ang may ayaw na tumakas ako ulit.

"Cr muna ako." Sabi nito at tumayo. Agad siyang lumapit sa akin at what the??!! Hinalikan ako sa aking ulo. And then, umalis na rin. Di ako makapag-angal. Di ako makapagmura sa kaniya. Urgh! I needed to escape again. Pero paano? Huhu. Ayokong mahalikan ulit.

Diana's POV

Alam namin kung saang parte ng US siya nakatira, pero di namin alam kung saan nakatirik ang kanilang bahay. Kagabi pa kami nakarating dito at ngayon lang kami nag-umpisang naghanap. Ang hirap dahil walang komunikasyon, hindi ko man lang naisipang hingin ang numero nilang tatlo noon. Urghh. Ang bobo talaga.

"Diana, sa lawak ng lugar na ito sigurado bang mahahanap natin siya?"

"Oo naman. Di naman natin lilibutin ang buong US, dito lang sa lugar na ito."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now