Bonus Chapter

2.2K 96 45
                                    


The end is the best part of any story, dahil wala nang sakit, tapos na ang problema, nalampasan na ang lahat ng pagsubok, at doon na magsisimula ulit ang panibagong storya.

"Good morning."

Napatingin naman ako sa bumati sa akin bago lang. Nakatalikod siya habang hinahawi ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw dito sa loob ng kwarto. Kakagising ko lang, at ito ang simula ng araw na siguradong matatapos ng maganda. Dahil sa wakas, nakasama ko ulit ang taong mahal ko.

"Okay lang kung hindi mo ako batiin pabalik." Seryosong dagdag nito dahilan na mapangiti ako ng pigil. Hindi pa kase ako makapagsalita, gusto ko lang pagmasdan ang likuran niya, ang buong siya. Namiss ko ng sobra.

"Bakit ba ang tahimik mo?" Tanong niya at umupo sa tabi ko. Kasalukuyan din akong nakaupo at walang balak gumalaw dahil syempre, kapag bagong gising tinatamad talaga.

"Hindi lang ako makapaniwala na mahal mo pa rin ako. I mean, it's been four years. Wala ka bang nagustuhan o minahal sa panahong iyon?" Pagtataka ko naman. Bigla nalang kase sumagi sa isip ko ang ganyang katanungan.

"Eh, ikaw? Bakit ako pa rin?" Balik-tanong nito.

"Hindi ko alam. Maybe, may anak tayo kaya hindi ko na magawang humanap pa ng iba."

"Pareho tayo sa hindi alam. Pero siguro, ibinigay ko na lahat sayo ang pagmamahal kaya wala nang natira sa iba. Ako kase alam ko na kung kanino ako sigurado."

Hindi ko mapigilang isipin na sobrang swerte ko sa kaniya. Nasa kaniya na talaga ang lahat, at umaapaw pa sa pagiging matapat. Kung marami lang siguro ang bersyon niya dito sa mundo, wala na yatang babae na iiyak. Sana makahanap din ang anak namin ng tulad niya. Alam ko na she's only four years old, pero kahit na.

"At sayo yun." Patuloy pa nito habang seryoso lang akong tinitignan sa mukha, na para bang paborito niyang bulaklak sa hardin. Ramdam ko ang titig niyang puno ng pagmamahal. Hindi ko na itinago pa ang kilig ko at ngumiti sa harapan niya. Hinayaan ko na ang aking sarili dahil ako kaya ang naunang nang-akit dito. Hindi dapat ako mahiya.

"After four years, nakita ko ulit ang ngiti na yan, na lalong nagpapaganda sayo." At nakita ko ang pagngisi nito habang tinititigan ako sa mata. Titig na parang madadala ka. Parang nang-aakit. "How many babies do you want?"

Hindi ko napaghandaan ang tanong niya kaya naman bigla ako napaiwas ng tingin. Seriously, ang aga-aga pa pero ito na agad ang pag-uusapan namin? Hindi pa ako nakapag-almusal. Atsaka,

"Hindi pa tayo kasal." Wika ko sa kaniya at tumayo na.

"Yeah, hindi pa nga. Pero ilan ba ang gusto mo?"

"Six... hindi. Four or five lang pala."

"Ba't ang konti?"

"Anong konti? Marami na yun.  At isa pa, ang hirap kaya manganak."

Tumawa naman ito at tumayo na rin. "Sige, ikaw pa rin naman masusunod."

"Pero bakit mo ba naitanong yan?"

"Wala. Gusto ko lang sana na sundan agad." Ngisi na naman nito habang papalabas na kami sa aming silid. Dumiretso naman ako sa kusina para makapaghilamos. Hindi ko alam na sumusunod pa rin siya sa akin.

"Papakasalan mo muna ako." Hamon ko sa kaniya habang pinapahiran na ang aking mukha. I don't know kung nasaan na ang anak namin. Baka nandoon na sa labas at hinahabol ang mga hayop ni Mama.

"Kailan mo ba gusto?"

"Anytime."

Handa akong maikasal sa kaniya ano mang oras, at sa kahit saang lugar. Basta sa kaniya lang ako itatali, okay na yun. Proposal nalang niya ang hinihintay ko. Pero parang wala namang balak.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now