Chapter 32

1.9K 77 32
                                    

Franki's POV

Nagising ako dahil sa napakabangong amoy na aking nalalanghap. Mas lalo pa akong nagising nang maramdaman kong nagugutom na ako.
Nagtataka ako kung bakit ganun nalang kasarap ang amoy eh hindi naman marunong magluto ang mga kasama ko rito.

Tumayo na ako at sinuklay ang buhok ko na parang sinabunutan ng tatlong baliw sa sobrang gulo. Pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso agad sa lababo para maghilamos. Pero laking gulat ko nalang nang may biglang yumakap sa aking likuran. Sa kalabog pa lang ng puso ko, alam ko na kung sino.

"Good morning, baby." Bati nito at umalis na rin. Hindi ko muna siya binati pabalik at naghilamos na ako. Bigla naman niya akong sinuyuan ng pampunas kaya kinuha ko na.
Napansin ko na wala ang dalawang kaibigan ko dito. Nasaan sila? Imposibleng hindi pa nagising ang mga early birds na yun.

"Hindi mo ba ako babatiin pabalik?" Tanong nito na parang nagpapalambing.
Para siyang batang hindi binigyan ng kaniyang gusto. Marunong magtampo.

Ngumiti naman ako at binati siya. "Good morning din, my Dianer."

Mas lumawak pa ang ngiti niya sa labi na siyang dahilan ng lalong pagkahulog ko sa kaniya. Oh kupido, umagang-umaga, ito na ang pinanggagawa mo.

"Ipinagluto na kita ng adobong sitaw na may pork belly." Sabi niya at pinaghilaan ako ng upuan sa mesa. Nakita ko naman na nakahain na ang aking agahan sa ibabaw nito.
At hindi lang isang ulam, kundi marami pa.

Pumunta na ako at umupo. Hindi ko maikakaila na ang sarap sa pakiramdam ang mga ipinapakita niyang mga kilos sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal niya, at kuntento na ako sa ganito.
Umupo na rin siya sa aking tabi at inaasikaso na naman ako. I can't help, but tinititigan ko lang siya habang ginagawa iyon. At iniisip na sobrang swerte ng magiging asawa niya in the near future. Sana ako nalang yun.

"Oh? Ba't hindi ka pa kumakain? Hindi mo ba gusto? Pwede kitang ipaglulu-"

"Tama na. Sobra-sobra na nga. At imposibleng hindi ko magugustuhan eh luto mo ito."

Ngumiti ito sa akin habang tinitignan ako na parang ako lang ang nag-iisang tao sa mundo. That's what I feel.

"I can't wait to share the same roof with you, forever." Saad niya at hinawakan ako sa kamay. Napangiti naman ako dahil hindi ko mapigilan ang kiligin.

"Hoy, nanliligaw ka palang." Paalala ko dito habang natatawa. Mas excited pa siya sa akin. Pero bigla ako nakaramdam ng lungkot nang maalala na ipapakasal na pala ako sa iba.

"Ako rin. Pero imposible ata yun. Kaya mo ba akong ipaglaban sa aking mga magulang?"

Natahimik naman siya sa itinanong ko rito. Alam ko na kaya niya yun pero kilala ko din siya. Ang kaniyang lagay ang nagpadadalawang-isip sa isip sa kaniya ngayon. Kung matatanggap ba siya ng aking magulang o hindi.

Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at nag-umpisa na akong kumain. Kanina pa ako nagugutom eh. At kung hindi niya yun magagawa, then ako nalang ang gagawa para sa amin. Pero kung hindi talaga dahil kilala ko rin ang aking mga magulang then, magpapasalamat nalang ako sa ibinigay niyang forever within numbered days.

"Oo naman. Kaya at handa akong ipaglaban ka. You are worth fighting for. Pipilitin natin ang hindi, dahil doon lang tayo nakaramdam ng kasiyahan."

Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi niya. Okay lang sana kung mga magulang ko lang ang kalaban, paano ang lalaking unggoy na yun? Paano yung kasal? Paano kalabanin si tadhana?
Pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking pisnge. Ayokong sabihin sa kaniya ang iba ko pang lagay at baka hindi niya makaya at sumuko nalang. Lalo na yung sa kasal. Na ipinagkasundo na pala ako sa iba.

"Kumain ka na ba?" Pag-iiba ko dito. Gusto ko munang makalimutan yun. Ang mahalaga lang is, this present moment kasama siya.

"Oo. Kumain na ako. Kanina pa." Sagot nito. Hindi ko na siya kinulit pa sa ibang bagay at nagpatuloy ulit ako sa pagkakain.

Nang matapos ay inutusan niya akong magbihis dahil may pupuntahan kami na dito lang sa bukirin.

"Wait! Wag mo akong iwanan dito, hindi ako marunong." Pagpigil ko sa kaniya nang akma itong aalis sa aking tabi. Kasalukuyan akong nakasakay sa ibabaw ng kalabaw dahil ipinagpilitan ko ang sarili ko kanina.

"Kukunin ko lang yung lubid dito na nakatali. Mabilis lang naman. Atsaka kung mahuhulog ka man, handa kitang saluhin." Sabi nito na siyang nagpatahimik sa akin. Hindi na ako makaangal pa dahil sa kinikilig ako. Kinuha na niya ang pagkatali ng lubid sa kahoy na siyang nakatali din dito sa kalabaw. Bigla namang gumalaw at naglakad ang hayop na ito dahilan ng biglaan kong pagsigaw. Tumawa naman ang taong yun habang nakatingin sa akin. Mahal ba niya talaga ako? Maatatake ako sa puso nito eh.

Namasyal kami sa ibang parte pa ng bukid dito na hindi ko pa nakita at napuntahan. Marami kaming nadaanan na mga tanim, mapabungang-kahoy man o bulaklak. Busog na nga ang mga mata at tiyan ko dahil dito. Lahat nalang kase ng makikita niyang hinog na mga prutas, pinipitas niya at binibigay sa akin. At hindi lang yun, pinaramdam niya sa akin kung gaano kasaya mamuhay dito sa bukid, sa pamamagitan ng mga simpleng kasanayan o nakagawian niya. Kagaya na umakyat ka lang sa puno may makakain ka na. I tried it, pero hindi pa ako nakapunta sa taas ay sumuko na ako. I also try catching fish sa ilog na walang gamit na pamingwit, basa na ang buo kong katawan pero wala pa rin akong nahuli. Kaya ang ending naligo na lang ako sa ilog. Malinis naman dito ang tubig kaya kahit inumin ko pa, hindi ako mamamatay sa lason. Mabuti nalang at may dala akong extrang mga damit, dahil na rin sa sinabi niya kanina na magdala.

Marami pa akong ginawa na bago sa akin na hindi ko na maisa-isa pa. As we were passing sa taniman ng sunflower dito ay hindi ko maiwasan makaramdam ng kasiyahan na kanina ko pa nararamdaman.

Simpleng pamumuhay dito sa bukid na kasama siya is already more than enough. Kuntento na ako.

Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong iniwan dito at pumunta sa taniman na iyon. Pero hindi nagtagal ay bumalik din dala-dala ang bagong pitas niyang bulaklak.

 Pero hindi nagtagal ay bumalik din dala-dala ang bagong pitas niyang bulaklak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Para sayo." Sabi nito at ibinigay sa akin. Hindi ako nag-aalinlangang kunin pa iyon. "I adore you, now, tomorrow, and the rest of coming sunrise. I will asks you, will you be my girlfriend?"

Napangiti naman ako dahil sobrang seryoso niya talaga. Sasagutin ko sana siya nang bigla niya akong hilahin patungo sa isang tagong lugar na puno ng mga makakapal na halaman. Sobrang dilim dito sa loob kaya napakapit ako sa kaniya ng mahigpit. Hindi mo makikita dito ang kalangitan dahil natatakpan din ito ng halaman. Patuloy lang siya sa paglalakad sa hindi ko alam na direksyon. Magtatanong na sana ako nang bigla akong napatulala sa ganda ng mga nagliliparang alitaptap. Madilim kaya parang ilaw lang nila ang nakikita kong palipad-lipad. Sobrang ganda.

Sa gitna, may isang puting sampaguita na pinalilibutan nila. Nakikita ko dahil sa kanilang mga ilaw.

"You're the sampaguita, and I'm that fireflies who has undying love for you."

Napatingin ako sa kasama ko dito habang patuloy siyang nakatingin doon.

Naalala ko ang sinabi ng aking lola noon,

Don't grow up too fast, too soon. Save time for dreaming and fall in love to the things that are dreamy. Live in the fairy tale moment for a while that seems no ending.

At parang natagpuan ko ang isang panaginip sa kaniya ngayon. Looking him in his dreamy state habang nakangiti. Ayaw ko nang matapos ang panaginip kasama siya. At gusto ko madagdagan pa iyon. Kaya nagsalita ako,

"Oo ang sagot ko sa kaninang tanong mo."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now