Chapter 42

1.4K 60 72
                                    


As days passes by, hindi siya nag failed iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya. Ginagawan ng paraan na magkaroon ng oras sa akin kahit konti lang. And the feeling that comes over me right now is when I know life is good and I can't help but to smile. Sobrang pasasalamat ko na natagpuan ko ang isang tulad niya.

"Seriously, ipagluluto mo siya?!" Di makapaniwalang tanong ni Jodie sa akin. Ba't ganyan siya makareact? Parang walang tiwala sa akin.

"Bakit? Ano ba ang problema mo doon?" Naguguluhang tanong ko rin sa kaniya.

"Ngayon ko lang sasabihin sayo to ha, na ilang buwan na kaming nagtitiis ni Maza sa mga luto mo."

Ang harsh naman. Pero kahit ako ramdam ko din yun.

"Pero sige na. Ipagluluto mo na siya. Siya naman ang kakain eh."

But nagdadalawang isip ako ngayon kung itutuloy ko ba itong pinaplano ko o hindi nalang. Baka hindi masarap. At baka bigla nalang niya ako hihiwalayan. Hindi ko yun matanggap.

"Wag kang mag-alala. Kakainin pa rin niya yun kahit gaano pa ka sama. Ganun ka niya kamahal." Dagdag pa nito na lalong nagpapadown sa aking sarili. Hindi talaga siya nakakatulong. Nasaan na ba si Maza? Nasaan na ang isang yun? Para naman may mag lift up sa akin dito.

At speaking of her, bigla naman itong sumulpot sa loob ng bahay na may ngiti sa labi. Nagtataka kami ni Jodie na napatingin sa kaniya.

"What?" Tanong nito sa amin nang makita niya ang mga tingin naming nagtataka.

"Wala." Sabay din naming sagot. Umupo siya sa tabi ko habang hindi pa rin inaalis ang ngiti. Nasususpetsa na ako sa mga kilos nito. Parang may magandang nangyari.

"Ano? Kayo na ba?" Walang ganang tanong ni Jodie sa kaniya na nakapangalumbaba pa dito sa mesa. I guess, nalulungkot lang ito dahil mahigit dalawang buwan na niyang hindi nakikita si Paulo.

"Hindi. Binigyan lang niya ako ng bulaklak."

"Edi kayo na ang may mga mahal dito. Di niyo alam kung gaano kahirap at kalungkot ang long distance relationship. Matagal nang walang communication. Baka may babae na yun."

Naawa ako bigla sa kaniya. Nang dahil sa akin kung ba't siya nakaramdam ng ganyan. Kahit hindi man sabihin ni Maza, alam kong namimiss din niya ang buhay niya doon same with Jodie. They sacrificed their personal lives para lang masamahan ako sa pagtakas sa arranged marriage na iyon. But I'm so happy na ipinagkasundo ako ng parents ko sa taong hindi ko mahal na siyang nagtulak para tumakas. Kung walang arranged marriage, siguro hindi ko makilala si Dianer. Hindi ko maranasan ang ganito kasayang pagmamahal. Kaso ang komplikado lang.

"Pwede kayong maunang umuwi. I will stay here, hanggang sa kaya ko nang harapin ang mga magulang ko with Dianer." Wika ko dito. I'm torn between two decisions.  At ayokong pumili sa dalawa, kaibigan ba o pagmamahal?

"No. Of course sasamahan ka pa rin namin dito, Franki. Hanggang sa matapos ang iyong problema. May tiwala naman ako sa jowa ko eh."

"Yes. At nandito din ang soon to be jowa ko. Hindi muna kami aalis."

Mga sinabi nilang parehong gumuhit ng ngiti sa aking labi. I'm blessed to have friends like them. Sa pagkaroon ng kalayaan lang ako hindi sinuwerte.

***

"Siguradong niluto mo talaga to?" Tanong ni Dianer sa akin habang kumakain ng pananghalian na dala ko para sa kaniya. Nandito kami ngayon sa isang lilim ng puno. Kaming dalawa lang ang sa ngayon dahil nagpaiwan ang dalawa kong kaibigan doon sa parke na malapit lang dito. Pinuntahan ko talaga siya para ibalik ang pagmamahal at effort at pag-aalaga niya sa akin. Syempre, ako naman ang gagawa. At bukas, siya naman ulit.

"Oo nga. At alam mo naman na hindi ako marunong magluto kaya pagpasensiyahan mo na."

"Anong hindi? Kaya nga tinanong kita kung ikaw ba talaga ang nagluto dahil ang sarap-sarap."

Hindi ko alam kung umaarte lang ba siya para hindi saktan ang damdamin ko o talagang natuto na ako kanina sa pagtuturo ni Mama? Pero parang nagsasabi naman siya ng totoo. Siguro masarap na ako magluto.

"Maniwala ka kasi." At pinaharap niya ang mukha ko sa kaniya. "Alam mo naman na pagdating sayo, hindi ko kayang magsinungaling."

Heto na naman siya.

"Oo na." Ngiting pag-aagree ko nalang dito. Wala na akong magagawa dahil kapag sinabi niya, yon na yun. "Umuwi ka ng maaga mamaya ah?"

"Bakit?"

"Dahil may surpresa ako sayo."

Alam kong matutuwa ka talaga dito.


"It's a surprise so aalamin ko nalang mamaya sa aking pag-uwi." Ngiting saad nito bago ako ninakawan ng halik.

"Hoy! Kailangan kong bawiin yun." Nakakalokong sabi ko dito at tumayo. Agad naman kase siyang tumayo pagkatapos niyang gawin yun. Hindi ko alam na tapos na pala siya kumain.

"Gusto mong bawiin? Edi lumapit ka sa akin."

Kaya lumapit ako. Pero yung loko umaatras sa akin habang may mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. Are you teasing me? Then, babasagin ko.

"Ba't ka huminto?" Pagtataka niya at tumigil din sa kakaatras.

"Biglang umiba ang ihip ng hangin sa aking utak, hindi ko na pala babawiin." Seryosong sabi ko at bumalik ulit sa kaninang pwesto. Pero hindi na ako umupo. Aalis naman ako any moment dahil papasok na rin siya sa kaniyang trabaho.

Pero ilang sandali pa lang ay may naramdaman akong unti-unting yumayakap na bisig mula sa aking likuran. Hindi ko mapigilang ngumiti knowing na lumalambing na naman siya. Can we stay like this hanggang sa magka blue moon? Ayokong gumamit ng salitang forever dahil bilang lang ang mga araw nun.

"I'm sorry. Bawiin mo na ang halik. I'm letting you na." Sabi niya at hinigpitan pa ang yakap.

"No. Ayokong kumawala sa aking tahanan. I'm prefer being hug until last minute. Bago ka pumasok."

"Okay." Tanging naisambit nito. We spend the last minute habang sinasaulo ang ang parte ng bayan na ito na isa sa mga saksi ng aming pagmamahalan. At normal lang sa ating buhay ang may katapusan. Bumitaw na siya dahil tapos na ang huling minuto. Magpapaalam na sana ako sa aking pagharap sa kaniya, pero bigla nalang niya ako hinalikan sa aking labi which I gladly responded. It's just a soft, sweet, and full of love kiss.

"I can't wait mamaya." Wika nito at hinalikan ako sa aking noo na tumagal ng limang segundo. At pagkatapos non, bumalik na siya.

Kinuha ko naman ang dala ko kanina at pumunta sa kung saan ang dalawa. But hindi ko sila nakita dito sa parke. Saan sila nagpunta?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dulo nito. Habang naglalakad, di ko maiwasan makaramdam ng kaba. I don't know why. Bigla-bigla nalang ako nakaramdam ng ganitong feeling. At lalo akong kinakabahan nang makita ko na ang dalawa with my...














"Dad?"

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now