Chapter 19

2K 82 41
                                    


Diana's POV

Hindi ko alam kung bakit gusto ako ng kapitan na papuntahin sa kanilang bahay. Hindi na naman siya iba sa akin dahil kilala ko na ito, palagi kase siyang bumibisita sa bahay noon. Kasama ang anak niyang sinto-sinto.

"Ikaw na mauna." Utos ko sa kasama ko habang nag-aalinlangan kung babalik ba sa bahay agad. Kakarating lang namin sa bukirin ni kapitan, at nandito kami ngayon sa labas ng kanilang gate. Pinagbuksan na kami ng kanilang kasambahay pero pareho kaming walang balak pumasok. Sabi ko na ngang hindi ako pumupunta sa bahay ng tao eh.

"Bakit ako!? Alam mo naman na hindi ako kilala, tapos ako pa ang papaunahin mo!?" Reklamo nito sa akin na parang puputok na ang ugat sa noo.

"Sumunod ka nalang kase. Atsaka ano, uh- ladies first." Palusot ko dito habang binibigyan siya ng daan. Ngumiti naman ito at wala ng angal na pumasok. Pero hila ako. Wala talaga akong kawala sa babaeng ito. Sana si Gazini nalang ang isinama ko.

Pagkarating namin sa front door ng bahay ay pareho na naman kaming napatigil na dalawa. Nag-aalinlangan kung sino ang unang papasok at syempre, hindi ako yun.

"Ikaw na mauna, ikaw ang pinapapunta eh." Sabi nito at bigla akong tinulak papasok sa loob. Shet. Mabuti at walang tao sa loob kaya bumalik agad ako sa labas. Tinignan ko ng masama ang nantulak sa akin. "Oh? Ba't bumalik ka pa?"

"Bakit mo ako tinulak!? Pasalamat ka dahil hindi ako tumutulak ng babae."

"Aw? Mahal mo talaga ako?"

Hindi ko siya pinansin at pumwesto ulit sa kaniyang likuran. "Pumasok ka na." Bulong ko rito. Siya nalang ulit ang papaunahin ko dahil wala naman siyang hiya.

"Fine. Walang problema sa akin basta ang kapalit nun isang halik." At humarap ito sa akin ng nakangiti. Isang nakakalokong ngiti. Urgh. Bakit ba sobrang manipulator ng babaeng ito? May kondisyon pang nalalaman. I can't say no to that, at baka itulak na naman niya ako papasok sa loob. Wala pang limang segundong paghihintay niya ay binigyan ko siya agad ng isang halik sa pisnge.

"Oh, ayan. Tapos na."

"Anong tapos na? Ang sabi ko sa labi, hindi nakikinig e--"

Hindi ko na pinatapos ang angal nito at bigla nalang hinalikan sa labi. Isang smack na halik lamang. Ang dami pang satsat, gagawin ko naman basta siya lang talaga ang maunang pumasok.

Medyo napatulala naman ito at bago pa ako makapagsalita ay hinila na naman ako papasok. Sabi nang siya ang mauna eh, hindi ang sasabay kami. Sobrang daya, hinalikan ko na nga. Dapat kong bawiin yun.

"Hoy! Akala ko ba ikaw ang mauuna!? Sobrang daya. Hindi sumusunod sa sariling kondisyon." Reklamo ko sa kaniya. Kase naman ang daya-daya! Hindi na ako magpapaloko ulit dito!

"Sobrang bitin ng halik mo, so ang resulta sabay tayong papasok."

Urgh! Niloko talaga ako. Sa susunod hindi na talaga ako magpapasama sa babaeng ito! Nilakasan ko na nga ang loob ko na halikan ulit siya eh, tapos hindi pa rin sapat?

"Maupo nalang muna kayo, pero matanong lang, sino siya?" Turo ng kasambahay dito sa kasama ko na nakaupo na sa sofa. Bigla kase itong umupo pagkarating namin sa loob at bago bumalik ulit dito ang kasambahay.

"Jowa niya, bakit?" Walang ganang sagot naman nito na siyang nagpagulat sa akin. Hey? Anong pinagsasabi niya?

"Ah? Akala ko pinsan. Sige, maghintay nalang kayo ng ilang sandali at tatawagin ko muna si sir, at si madam awring." Saad ng kasambahay at umakyat na sa taas.

Napaupo naman ako sa tabi ng babaeng ito at nagtanong. "Anong jowa ang pinagsasabi mo dyan?"

"Anong pinagsasabi? Bakit, nakalimutan mo na ba agad ang pinagsamahan natin sa matagal na panahon? Ang pagmamahalan na ating pinagsaluhan? Ang mga halik sa isa't isa na parang hulog ng langit? Ang mga yakap sa gabing malamig? Ang pa-goodnight kahit maaga na? Ang pagsagot ko sayo sa ibabaw ng tore? Nakalimutan mo na ba ang lahat nang mga iyon agad-agad?" Madramang tanong nito sa akin habang hinahawakan ang magkabila kong pisnge. Nakakunot nalang ang noo ko dahil parang baliw na.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now