Chapter 51

1.7K 86 51
                                    

"With our daughter."


And I feel like pati yung mundo napatigil na rin. Sumabay sa napaka imposibleng rebelasyon na ito. How come na may anak kami? As far as I know, hindi ako makapagpabuntis. Or maybe, I just assume that I'm 46, XX. Pero hindi pala.

Pero maniniwala pa ba ako sa kaniya? Minsan na niya akong niloko.

"Hindi ko alam. Imposibleng nabuntis kita. I'm an intersex, and only few can reproduce-"

"At isa kana roon, Dianer."

"Paano ka nakakasigurado?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko magawang harapin sila dahil baka madala ako. She's already married, sobrang imposible talaga ang mga pinagsasabi niya sa akin.

"Look at her face, no doubt that it's our combination. And every time she gets serious, hindi maitatanggi na anak mo siya. Na ginawa mo. Dahil kuhang-kuha niya kung paano ka sumeryoso." Sabi nito pero hindi ko tinignan. Gulong-gulo ako sa pangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong isipin. Nagkasabay yung kaguluhan at sakit, at pati ang pangulila ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman. Gusto kong maniwala din, pero pagod na akong masaktan.

"No. Baka guni-guni mo lang yan." Wika ko dito kahit alam kong masasaktan siya sa mga katagang iyon. Pero hindi ko talaga siya maintindihan. Mahigit apat na taon na ang nakalipas, at bakit ngayon niya lang sinabi kung anak ko nga?

Pinilit kong buksan ang pinto ng sasakyan kahit wala na akong lakas. Nanghihina ako, at anytime ay tutulo na rin ang luha. Bakit ba niya ito ginagawa sa akin? Bakit niya ako pinapahirapan?

Aakma na sana akong pumasok sa loob nang bigla kong narinig ang boses ng anak niyang nagsalita.

"Dy, are you gonna leave us again?"

That small sweet voice na hindi mo kayang balewalain. Parang madadala ka talaga sa kaniyang kainosentihan. And she's calling me Dy, as her Daddy? Kilala niya ako bilang ama niya?

Hindi ko nahalata na tumulo na pala ang luha ko. Siguro maniniwala na ako dahil ang anak ko na mismo ang tumawag sa akin. Parang hinaplos na niya ang puso kong maniwala sa kaniyang ina. Pero paano kami nakarating sa punto na ito? Sobrang gulo. Ang hirap intindihin.

Nilingon ko ang aking anak at nakita ko itong nagtataka. Nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Parang naguguluhan din kagaya ko.

"Yeah. I'm gonna leave..." Sagot ko sa kaniya na hindi ko kayang tapusin. Ayokong masaktan ang damdamin niya. Pero yes. Aalis talaga ako.

"Why so sudden? You already missed my birthdays, and I haven't hug you yet." Sabi nito habang seryoso ang mukha. Totoo pala ang sinabi ni Franki, she looks like me. Nakita ko sa mga baby pictures ko dati. Parang ako talaga na may halo lang ng kaniyang mukha. Sa kaniya sumunod yung mata, ilong, at kilay. And the rest, sa akin na.

I can't believe, nagawa ko itong itanggi. Nagawa kong itanggi ang aking anak. Ang sama ko.

"You can hug me na." Sabi ko dito at lumuhod para makalevel ko siya. Agad naman niyang sinunod, bigla siyang tumakbo papunta sa akin at walang pag-aalinlangang niyakap ako. Ng mahigpit. Na parang ayaw niya akong bitawan. Ang sarap sa pakiramdam.

Your daughter is huggging you, like there's no tomorrow. Sobrang gaan. Sobrang nakakapanibago.

Napayakap na rin ako pabalik sa kaniya. At parang ayaw na rin bumitaw. Nakita ko naman si Franki na nakatingin sa amin, nang nakangiti na pero umiiyak pa rin.

Tumayo ako habang kinarga siya dahil ayaw niya talagang bumitaw sa akin. Gahd. Ganito pala ang pakiramdam na may anak ka. Na ngayon lang kayo nagkita for how many years. Parang hindi nabibili ang kasiyahang nadarama.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now