Chapter 3

2.4K 108 22
                                    


Maza's POV

I am struggling to walk fast because sa tatlong maleta na dala ko. Nandoon na ang dalawa kong kaibigan sa unahan at malapit na sila makarating sa bahay ng stranger. Samantalang ako naman hindi pa nangangalahati sa kanilang nilalakaran. Sobrang sakit na ng mga kamay ko. If I only have a prince charming, sa kaniya ko na talaga ipapahila lahat na ito. Oh Lord, please send me some.

"Tulungan na kita."

Bigla kong nasampal ang kung sino mang tao na ito nang kunin niya ang isa kong maleta. Nabigla kase ako nang hawakan niya ang aking kamay para kunin ang aking dala. Omygosh!? Namula ang kaniyang kaliwang pisnge dahil sa sampal ko.

"Oh! I'm sorry. It's not my intention to slapped you." Paghingi ko ng tawad at tinignan ang kabuuan ng kaniyang mukha. At ng kaniyang katawan. Ang hot ng dating niya. But I'm not gay.



"Grabe namang not intention yan! Parang mawawala ang kaluluwa ko sa katawan!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Grabe namang not intention yan! Parang mawawala ang kaluluwa ko sa katawan!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil napatulala ako sa kaniyang mukha. Oh Lord, I am asking for a prince charming not a beauty with the beast. But if this is what you sent, then I'm willing to accept her with all my life as long as may love life.

"Oh take this! Kanina pa ako pagod na pagod." Sabi ko at ibinigay sa kaniya ang dalawa ko pang maleta. Kunot-noong nakatingin lang siya sa akin.

"What?" Pagsusungit ko dito. Because titigan niya lang ba ako hanggang gabi? I know that I'm beautiful but not today, kase I'm pagod na.

"Ano ako, yaya mo? Isa lang ang maitutulong ko sa paghila ng maleta mo. Bahala ka sa dalawa na yan!" She said at agad naglakad. Urgh! Ginagalit talaga ako.

"Heeeyyy!! Go back here!!! We're not done yet!!"

"Hoy ka rin!! Wala tayong dapat tapusin! Kung makautos ka, wagas. Ikaw na nga tinutulungan eh!" Sigaw din niya pabalik. So I have no choice kundi sundin siya papunta doon sa bahay ng stranger.


Anyway, paano niya nalaman na doon ako pupunta?




Franki's POV

Kanina pa kami katok ng katok dito pero parang walang tao sa bahay na ito. Is this abandoned house na ba? Kung ganon, saan kami lilipas ng gabi? Malayo pa naman to sa bayan. Sa mga kabahayan.

"Wala yatang tao sa loob, mga binibini."

Sabay kaming napalingon ni Jodie nang may nagsalita sa aming likuran.
Isang babae na halatang galing sa work out dahil sa sobrang hot nito. Nakita ko siyang hila-hila ang isang maleta ni Maza. Hey! Kay Maza yan ah!? Magkakilala ba sila?

"Hoy!! Ibalik mo nga yung maleta ko!! Hindi ko kaylangan ng tulong mo!" Sigaw ni Maza habang papalapit na rin dito.
Pero hindi siya pinansin ng babaeng ito at nagpatuloy ulit sa pagsalita.

"Nandoon sa bayan si Tita Rowena, ang may-ari ng bahay na kinakatok niyo. Ano ba ang kaylangan niyo sa kaniya?" Tanong nito.

"Sabing akin na eh!!" Biglang litaw ni Maza at kinuha ang maleta sa kaniya. Kaya hinayaan nalang niya ito.

"Kaylan siya uuwi?" Tanong naman ni Jodie.

"Hindi siya makakauwi ngayon kase kasal ng pamangkin niya bukas."

"What!? Di siya makakauwi!?!" Panlulumo  nito.

"Ano ba kase kaylangan niyo sa kaniya?" Tanong ulit nito.

Kaya agad na akong nagtanong sa kaniya dahil unti-unti nang lumulubog ang araw. Tapos wala pa kaming matitirhan.

"May alam ka bang pwedeng matirhan dito?"

"Ay! Wala na. Meron silang bahay-kubo malapit lang dito pero hindi na nila pinapa-uupahan yun."

"Bakit naman?"

"Because sa isa niyang anak." Agad nitong sagot sa akin. Pero bago pa niya ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin ay may biglang tumawag sa kaniya mula sa aming likuran.

"Gazini?"

Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. It is a deep voice . A sweet deep voice. Pero nagulat ako nang makita ko ang isang babae?

Nakasuot siya ng puting kamiseta de tsino, lumang pantalon na nakatupi sa dulo, at isang kulay itim na tsinelas. She really looks like a farmer. Sobrang simple, pero nakakatulo ng laway.
Her shoulder is slightly broad, medyo matangkad, maputi, matangos ang ilong, kissable lips, basta nasa kaniya na ang lahat. I can't describe her features one by one. But her hips ang nagpakuha sa aking atensyon, hindi ito masyadong malapad.

"Dii! Mabuti at nakauwi ka na! Uh- ano kase? Naghahanap sila ng matitirhan dito." Medyo alanganing sabi ng babae na kausap namin kanina which is Gazini ang pangalan. "At- at sa tingin ko kaylangan talaga nila ng matitirhan ngayon, dahil maggagabi na?"

Tinignan niya muna kami isa-isa bago dumapo ang kaniyang tingin sa aking mga mata. Napalunok naman ako ng wala sa oras dahil dito. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tingin. Hindi ko kayang salubungin.

"Walang pwedeng matirhan dito. Doon sa bayan marami." Matigas na pagkasabi nito at agad naglakad papunta sa likod ng bahay.

"Pasensiya na kayo. Siya ang dahilan kung bakit hindi na pina-uupahan ang bahay-kubo. Hindi kase siya sanay sa mga tao na hindi niya kilala-"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Gazini at agad ko siyang sinundan doon sa likod.

At mali yata na sinundan ko siya because she suddenly take off her clothes. At nakita ko ang bare back nito. It is toned. It is well-defined.

Bigla akong napatago sa isang malaking puno nang bigla itong lumingon. Mabuti at hindi ko nadala ang maleta ko, kung hindi, lagot talaga.


Unti-unti ko ulit siya tinignan para alamin kung nakapagbihis na ba sa kaninang damit na kinuha niya sa sampayan. And salamat naman dahil may suot  na siyang t-shirt.

Umalis na ako sa pagkatago at lumapit sa kaniya.

"Hey.." Tawag ko dito na siyang nagpagulat sa kaniya. Agad itong napaharap sa akin at umatras habang papalapit naman ako. Problema nito?

"Huwag ka ngang lumapit. Ano ba kaylangan mo?" Kunot-noo na tanong nito. Tumigil ako sa paglalakad at sumagot.

"We need a matitirhan. Dodoblehin o titriplehin ko ang upa doon sa bahay-kubo."

"Hindi ko yun pina pa-uupahan."


"Please? For a night lang." At nagpatuloy ulit ako sa paglalakad papunta sa kaniya. Ayokong bumalik ulit sa bayan dahil sobrang layo kaya. Tapos, marami pang tao.

"No. At please din, wag ka ngang lumapit." Pagmamatigas nito habang paatras nang paatras sa akin.

Napangisi ako bigla nang malaman ko na kung paano siya mapapayag.



"Then let us rent the bahay-kubo at titigil na ako sa kakalapit sayo." Sabi ko na patuloy pa rin sa paghakbang. I'm desperate na mapapayag siya because this place is perfect sa aking pagtatago. Hindi ako pwedeng magpatalo dito.


"Sinong niloko mo."

Napalawak ang ngiti ko nang malapit na siya masasandal sa bakod dahil sa kakaatras. Wala ka nang kawala.

"At sino din ang niloloko mo,

at kapag nakalapit na ako sayo, wala ka talagang kawala sa akin."



____________________________________

A/N. Anyway, thanks to @thamzie16 for the idea of intersex🤗

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now