Chapter 14

1.9K 101 9
                                    


Franki's POV

Lubog na ang araw nang magsimula na kaming maglakad papunta sa hindi ko alam. Ngayon lang kase natapos ang mga gawain ni Gazini kaya ngayon lang niya ako sinamahan papunta sa kung saan si Dianer. Hindi na sumama ang dalawa kong kaibigan dahil pinigilan sila ni Tita Rowena. Wala kase siyang kasama kapag sumama pa sila. Habang tinatahak namin ang medyo madilim na daan ay hindi ko maiiwasang mag-alala. Baka wala siya doon tapos iiwanan ako ni Gazini mag-isa. Dahil hindi niya ako maihahatid sa mismong resthouse ni Dianer, at baka makita siya. Lagot talaga.

"Hanggang dito nalang ako, Franki. Ikaw na ang bahalang magpatuloy doon. Dumeretso ka lang dahil malapit na." Biglang sabi ni Gazini sa akin na tumigil na sa paglalakad habang iniabot na niya ang dala nitong flashlight. Agad ko naman kinuha yun.

"Sige ako na ang bahala. Salamat talaga."

Tumango lang ito kaya nagpatuloy nalang ako mag-isa sa paglalakad. Kahit hindi ako sigurado at kinakabahan ay hindi ko naisipang tumigil sa kadahilanang makikita ko na ang hinahanap ko.

Hindi nagtagal ay natanaw ko na ang sinabing resthouse ni Gazini na gawa mismo ni Dianer noon pa. Parang bahay-kubo din siya pero maliit lang. Gawa siya sa kawayan at coco lumber. Nipa lang ang bubong nito. Sobrang simple.

Agad na akong umakyat sa hagdanan na tatlong hakbang lang naman bago makarating sa parang balkonahe nito. Bukas ang pinto kaya hindi na ako kumatok pa. May ilaw sa loob nito pero hindi masyadong maliwanag. Nag-aalangan akong pumasok dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya kapag makita niyang nandito ako.

Pero nanaig pa rin ang kagustuhan kong makita siya kaya pumasok na ako. Pagkapasok ko ay isang papag bed lang ang nakita ko dito sa loob, at ang unconscious na katawan nito. Dahil tulog na. Isinarado ko na ang pinto at inilagay ang dala kong flashlight sa bintana na may upuan.

Napangiti naman ako dahil sa wakas, nakita ko ulit ang mukha niya. I don't know kung ano ang gagawin ko. Hindi ko naman siya pwedeng gisingin.

Dahan-dahan ako sa paghakbang papunta sa papag bed na tinutulugan niya. Umupo ako sa kaniyang tabi.

Malaya kong namasdan ang mukha nito. Ang mukha niyang limang araw ko nang hindi nakita. Na sobrang na missed ko na.

Hindi ko napigilan ang aking kamay na haplusin ito. Ang lambot. Mula noo pababa sa kaniyang pisnge. At walang bahid kahit isang pimples man lang. Ang kilay niya ay natural pero on fleek pa rin. Medyo mahaba ang pilikmata nito.
Bumaba pa ang tingin ko sa kaniyang labi, at kapag makita ko ito, naalala ko ang ginawa niya sa akin noong araw na iyon. Yung paghalik niya sa akin na siyang ikinagulat ng buo kong sistema. Hindi niya alam na siya ang nakauna, that is my first kiss. At noong bata pa ako, ipinangako ko na kung sino ang unang makahalik sa akin ay siyang papakasalan ko. But it is only my fairy tale. And fairy tale doesn't exist in real life. Lalo na at may nakatadhana nang ipapakasal sa akin na iba.

Lumapit ako sa kaniya para bigyan ito ng halik na kanina ko pa pinipigilan. It's just only a smack dahil ayaw kong isipin na nirerape ko siya. A sort of. Pero hindi naman. Good night kiss ko lang yun sa kaniya.



Hihiga na sana ako sa kaniyang tabi pero bigla itong nagising kaya hindi ko nalang itinuloy. Nagulat ito nang makita niya akong nakangiti sa kaniya. Bigla siya napabangon ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo dito!?"

Hindi ako sumagot at tinignan nalang ang nakakunot niyang mukha. Hindi talaga akong magsasawang tignan siya.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito? Itinuro ba ni Gazini?"

Umiling ako. Sabi kase ni Gazini sa akin na hindi ko ipagsasabi na siya ang maysala kung bakit ako nandito, at syempre hindi ko siya ilalaglag. Tinulungan na nga ako.

Aakma sana siyang umalis sa kaniyang kinauupuan pero agad ko naman siyang hinawakan sa kamay.

"No. Dito ka lang." Pigil ko sa kaniya na seryoso ang mukha. It's panunukso time na naman. Na miss ko rin siyang inisin.

"Fine. Pero bakit ka ba nandito?" Tanong nito ulit sa akin at kinuha ang kaniyang kamay. Hinayaan ko naman basta wag lang siya aalis. Dahil one wrong move, and someone will be checkmate.

"Ba't mo muna ako hinalikan nung araw na iyon?" Balik-tanong ko sa kaniya. Alam kong lahat ng bagay may dahilan kung bakit niya yun ginawa.

"Hindi ko alam."

Your poon has been eaten.

"Hindi ko yun sinasadya."

Checked by my queen. At alam kong magtatago ka. At one wrong move, my last warning. Pero hindi mo man lang pinag-isipan. Agad mo nang pinalo ang orasan.

"Hindi ko yun ginusto.."

Kaya checkmate.

Alam kong nagsisinungaling ka dahil hindi ka nakatingin sa akin.

Unti-unti akong lumapit sa kaniya dahilan na umatras ito. Hindi niya alam na wala siyang maaatrasan dahil dingding na ng bahay ang nasa likuran nito.

"Hoy! Ano-ng ga-gawin mo!?" Pagtataranta na nito. Kaya ngumiti pa ako ng nakakaloko.

"Ayaw mo magsabi ng totoo eh. So why don't we give it a second try?" At ngumisi ako. Nagbibiro lang ako, pero kung totohanin niya, edi hindi ko na palalagpasin yun. "But if you're not fond of telling the truth, then gumawa nalang tayo ng baby. Kids don't lie, you know. Ang anak nalang natin ang bahalang magsabi para sayo." Dagdag ko pa habang pinipigilan ang sarili na tumawa dahil sa mukha nito.

"Hoy, tumigil ka na nga. Seryoso ako-"

"At seryoso din ako." Putol ko sa kaniya. What I meant lang naman is, seryoso akong nahulog na sa kaniya.
"So, ano. Gawa na tayo ng baby."

"Matulog ka na. Good night." Pag-iiba nito at bigla akong hinalikan sa noo. Nagulat naman ako kaya napatulala pa ako ng ilang segundo bago ko siya ulit tignan. Which is, humiga na pala at nakapikit na.

Napangiti na naman ako dahil dito.

Siguro nga tama si Maza na pwede kong baguhin ang aking kapalaran dahil nasa kamay ko naman ito. Lahat ng problema may solusyon.

Pero hindi ko alam kung siya ba ang solusyon ko.

At para malaman ko, I need to seduce this person para bumigay.

And I don't care about the mutual feelings. Handa ako masaktan kapag hindi. But for now.

I just really need to seduce this epicene.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now