Chapter 39

1.4K 76 29
                                    

Jodie's POV

Ewan ko kung bakit para kaming mga baliw na apat sa kakasunod kay Dianer dito sa bayan. Inutusan lang kami ni Franki na samahan siya dahil wala daw siyang kasama na sundan ang kaniyang jowa. Hindi kase siya pinayagan ni Diana dahil nga sa hindi ko alam, bakit ba?

Sumunod lang kami sa kaniya hanggang sa sumakay siya sa pedicab na naghihintay sa isang tabi rito. Kaya sumakay din kaming dalawa ni Maza kahit na pandalawahan lang ang upuan. Ako nalang ang naki adjust at kumandong sa kaniya. At si Gazini naman?

"Makikitulak nalang po ako, Kuya. Para naman hindi masyadong mabigat sa inyo." Suhestiyon nito kay Manong driver. Tumango naman si Manong sa kaniya at agad na nagtanong kay Franki kung saan pero ang tanging sagot lang ng isa ay,

"Follow that pedicab." Turo nito sa sinasakyan ng jowa niya na nandoon na sa dulo. Wait? Parang nasa teleserye lang yung peg namin ah?! Anyway, nagpedal naman si Manong na siyang tinutulak ni Gazini sa likuran. Hindi ko na matiis ang pananakit ng leeg ko dahil nakayuko lang ako dito. Ang hirap naman kapag matangkad ka. Umalis ako sa pagkandong at sumabit nalang sa gilid nang nakatayo. Mabuti pa dito at hayahay.

Masaya akong nagwawagayway ng isa kong kamay habang patuloy sa pagtatakbo itong pedicab. The air is so fresh and at the same time, maganda sa feeling. Ang sarap pala mamuhay sa probinsiya. Nakita ko yung sinusundan namin na tumigil na sa harap ng isang palengke? Tumigil naman si Manong sa di kalayuan dahil pinag-uutos ni Franki.
Bumaba na kaming lahat kahit hindi naman nakasakay si Gazini. Hindi ko alam kung bakit umabot ng two hundred fifty pesos yung bayarin. Pero sige na nga, si Franki naman ang babayad.

Pumasok na rin kami sa loob ng palengke pero bigla niya akong hinatak, at ganun din ang paghatak ni Maza kay Gazini sa isang gilid. Nagtataka akong nakatingin sa kanilang dalawa ni Maza pero hindi nila ako pinapansin kaya sinundan ko nalang ang kanilang mga tingin. Agad akong napalunok nang makita ko ang shit?!

I know that man! Personal driver yan nila Franki ah?! Gosh. Paano siya nakarating dito? Oh no! Siguradong nandito na sa Pilipinas sina Tito at Tita. At worst, baka nandito?!

"Hoy!! Anong ginagawa natin sa gilid na parang nagtatag--" Agad tinakpan ni Maza ang bunganga ni Gazini nang nag-umpisa na itong magreklamo. Naguguluhan man ay sumunod nalang siya sa amin nang hinila namin siya patungo sa loob ng tindahan ng mga damit.

"Nakalimutan ko na nandito pala nakatira ang pamilya niya. Gahd. Sigurado akong nandito na sa Pilipinas sina Mommy at Daddy. But I don't know kung pinayagan siyang umuwi muna or baka alam na nandito ako." Sabi nito habang abala sa pag-uukay ng mga damit na parang may hinahanap.

"Eh, ba't parang natatakot ka dyan?" Pagtataka naman sa kaniya ni Gazini na halatang naguguluhan talaga. "Anyway, ano ba yung pinag-uusapan niyo?"

"Wala. Bili nalang tayo ng damit, at to disguise para hindi tayo makilala ni Dianer."

At ng kanilang driver.



Diana's POV

Kung wala pang naunang titulo ay kakailanganin mo ay ang isang plan survey na aprobado ng Land Management Bureau.
At kung ang plan survey na iyong pinagawa ay aprobado naman na ay maaari mong simulan ang pagpapatitulo sa pamamagitan ng pag-file ng Petition sa Korte kung saan isusumite mo ang mga requirements tulad ng Approved Plan Survey, proof of possession, etc.

Kapag nakita ng korte na legal at kumpleto ang dokumento mo ay tiyak na mapapayagan ang pagpapatitulo ng lupa.

Ilang beses ko na pinaulit-ulit sa aking isipan ang sinabi ng babae kanina sa barangay hall para hindi makalimutan. Kaso ang problema, may una nang titulo. At wala akong magawa kundi puntahan si Kap sa kaniyang opisina dahil siya ang nagmamay-ari non.
Habang papunta doon, ay parang kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa akin. Pero kapag lingunin ko naman, wala akong makitang kahina-hinala. Pero pakiramdam ko meron talaga eh.

Seducing The EpiceneTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang