Chapter 49

1.3K 63 76
                                    


The saddest part in life is saying goodbye to someone you wish to spend your lifetime with.

Sinundan namin sila hanggang sa nakauwi na si Franki sa kanilang bahay. Hintayin ko munang makaalis ang lalaki bago pumunta doon. Kahit maggagabi na, maghihintay ako. Gusto ko lang talaga siya makausap or makita man lang.

"Sigurado ka ba talaga? Magpapakita ka pa pagkatapos ka niyang lokohin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gazini sa akin.

Napabuntong hininga ako at nilingon ito. "Magpapaalam pa rin kahit kalokohan lang ang lahat."

Ikinuwento ko na sa kaniya kanina ang nalaman ko sa pag-encounter namin ng lalaking kasama ni Franki doon sa comfort room. At walang duda, mas galit pa siya sa akin. Parang siya ang niloko.

"Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa niya yun sayo. Grabe, ano nalang ang sasabihin ni Tita Rowena nito?"

"Sasabihin ko nalang na hindi ko siya nakita, ganun."

"At tinatakpan mo pa talaga ang panloloko niya ah-"

"Mahal ko eh."

Nakatanggap naman ako ng batok mula sa kaniya dahil sa pinagsasagot ko. Alam ko na sobrang katangahan na yun pero anong magagawa ko, ginawa na akong tanga ng pagmamahal.

"Oo na. Sasabihin ko na ikakasal na siya sa iba." Pagsuko ko rito.

At speaking of it, parang naninikip na naman ang dibdib ko sa sakit. Hindi ko maimagine na sa iba ang patutunguhan niya at hindi sa akin. Hindi ko matanggap na may nagmamay-ari na sa kaniya na iba. Akala ko ba ako lang? Pero kung sa kaniya siya masaya, hahayaan ko nalang. Kaligayahan niya, kaligayahan na rin ng aking puso. And besides, I can't compete. He is worthy than me.

Nakita ko na kakaalis lang nang sasakyan nung lalaki, at oras na rin siguro na kakatok na sa bahay nila. Kaso nagdadalawang isip ako kung magpapakita pa ba. Baka magugulo ko lang ang buhay niya, at what's the point? Hindi kawalan ang mga niloloko lang. Hindi ko na kailangan magpaalam. Katulad ng ginawa niya.

Pero natagpuan ko nalang ang aking sarili na papunta sa kanilang bahay. Gusto kong bumalik pero mahirap kalabanin ang gusto ng puso. Ganito ba talaga to? Kapag nagmahal ka, mahirap nang pakawalan?

Sana pala nung huling yakap ko sa kaniya, hinigpitan ko na. Baka sakaling hindi pa mawala.

But everyone has to say goodbye, sooner or later.

Dapat pakawalan ang hindi atin. Dapat ko siyang pakawalan kahit labag sa damdamin. At kahit hindi pa handa.

Hindi pa nga ako nakapindot sa doorbell nang bigla nang bumukas ang gate. Bumungad naman ang isang babae, which I assume is her mother.

"Magandang gabi po." Bati ko rito. Kinakabahan ako, ano nga pala ang sasabihin ko sa kaniya? Magpapakilala ba ako? Na ako ang niloko ng anak niya?

"Diana?" Pagtataka nito habang sinisiyasat ang aking mukha. We never met. Pero parang kilala niya ako at nakita na base sa mga ikinikilos nito? Siguro ipinakilala na ako ni Franki sa kaniya.

"Ako nga po, Tita."

"Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong nito kaya napatingin naman ako sa aking gilid at likuran. Lokong Gazini, di ako sinamahan.

Pero bago pa ako makasagot sa kaniya ay agad na niya akong hinila papasok. "Ay! Pasok ka muna. Baka hindi ka pa nakapaghapunan na bata ka. Galing ka pa namang-"

"Wag na po. Gusto ko lang makausap si Franki-"

"Edi pumasok pa rin sa loob." Putol din nito sa akin. Wala na akong magagawa kundi magpatangay nalang.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now