Chapter 44

1.1K 60 54
                                    


Franki's POV

I don't know what to do. How to escape again. Wala na akong kawala. Di lang si Daddy ang nandito, kundi pati na rin si Mommy. With the bodyguards. Gahd. Parang nasa teleserye lang. But what concerned me more is, si Dianer. And thinking about him, parang sumasakit na ang puso ko. I am supposed to be at home na, in their house, kasama siya. Pero nandito ako ngayon sa loob ng van, pabalik na ng Manila with Jodie and Maza. And speaking about them, hindi rin sila pinakawalan ng aking mga magulang kagaya ko.

Walang pwedeng magsabi sa kaniya kung ba't di na ako makauwi ngayon. I didn't see this coming kaya di na rin nakapagpaalam. Masyadong biglaan. At alam kong nag-alala na yun ngayon sa akin. Parang gusto ko nang umiyak. I'm sorry.

"Tita, pwede po ba kam-"

"No."

Hindi pa nga natapos ang sasabihin ni Maza nang bigla nalang pinutol ni Mommy ng isang mariin na pagtutol.

"Franki, I am supposed to message them, pero naalala ko na wala palang signal sa bukid." Bulong sa akin ni Jodie habang deretso lang ang tingin sa unahan para naman hindi masyadong halata. Magkatabi kase kaming tatlo dito, at pareho binabantayan ng aking mga magulang. Kanina pa ako nagwawala pero napatahimik nalang ako dito dahil sila pa rin ang masusunod kahit lumuha pa ako ng dugo.

Ayoko sanang sumama, dahil kapag sumama ako, alam kong hindi ko na siya mahahawakan ulit. Mayakap, makausap, at makita ang mukha nito sa bawat araw. Pero anong magagawa ko, kahit gustuhing ko man na tumakas ulit hindi ko na magawa dahil bantay sarado na. Even my friends, nadamay.

Kusa nang nahulog ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa aking mga mata. Kahit makapagpaalam lang sana sa kaniya. Kung huling pagkakataon na ba yung kita namin kanina o hindi. At least hindi ko siya naiwanan na nag-alala sa akin. Pero kahit paalam man lang, ipinagkait pa ng tadhana.

This life. This story of mine. No matter how much I try, I never get the happy ending I want. Lalo na't sinusulat na nang iba ang kwento mo.

"Mom, please? Bigyan mo ako ng isang araw, o kahit isang oras... gusto ko lang magpaalam. Promise uuwi ako after." Pagmamakaawa ko rito kahit sobrang imposible pagbigyan. Gusto ko lang magbabasakali. Kahit samahan niya pa ako roon, basta makapagpaalam lang ako sa aking naiwan. Okay na.

"At kanino ka naman magpapaalam?" Pagtataka nito na hindi man lang ako tinapunan ng isang tingin. Alam kong galit siya dahil sa aking pagtakas.

"Sa pinili ng puso ko. At sa pagmamahal niyang hanggang dulo. I just really wanted to say goodbye at least?"

Alam ko, na kahit ipaglaban pa namin, hindi na mababago ang kanilang desisyon. Next week na pala yun. That fucking forced wedding.

Siguro nandito na ako sa henerasyon kung saan pinipilit na ang puso, dahil yun ang gusto ng karamihan. At yun ang tingin nila na dapat. Nakakatakot na, hindi na ang puso ang pumipili, kundi sila na. I don't know if it's still called love.

"Not showing of your presence is already a goodbye."

"It's not! Magkaiba yun." Pangongontra ko sa kaniya. "Mom, ayoko siyang iwanan na nag-alala--"

"Ayaw mo siyang mag-alala sayo pero gusto mo siyang saktan? Pareho lang yun. It's no use. Malapit na tayo sa airport."

Parang gusto ko nalang na mag-end ang mundo ngayon.

"Franki.." Napatingin ako kay Dad nang sambitin niya ang pangalan ko. He's serious, at nakita ko ang pagiging ama niya. "Peter Pan said that, never say goodbye, because goodbye means going away, and going away means forgetting."

I remember how he used to tell me stories when I was a kid. He was a fan of happy ending, that there's always a happily ever after. Pero bakit hindi niya ako kayang suportahan sa aking gusto? Ayaw ba niya magkaroon ng happy ending ang kaniyang anak?

"Nope. How can I forget someone who makes me happy? And free? That I forgot I've been tied up?"

Napatahimik siya. Siguro alam na nila na I am a slave of their decision.

"Franki, it's for your own good. May future ka don, and he loves you that much." Si Mommy na naman ang nagsasalita.

"Pero di ko siya mahal."

"Natuturuan ang puso."

"Pero di napipilit." Patuloy na pagdadahilan ko dito.
"You know what's good?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Habang nakikinig ang dalawang katabi ko rito.
"It's when you have freedom.
Nothing is more difficult, and therefore more precious, than to be able to decide. Of your own."

Tumigil na ang sinasakyan namin. At I know na nandito na kami sa airport. Wala kaming visa na tatlo kase naiwan. Pero ang masaklap, nandito ang private plane ng lalaking iyon. I know, nakita ko. Pagkababa palang ni Jodie. I really needed to escape again, pero paano?

"Bumaba kana, Franki."

I didn't. Dahil kapag bumaba ako, any moment ay aalis na ako sa bansa kung saan ko nahanap ang pagmamahal. Kung saan ko siya nakilala. Ayokong iwan. Hindi ko kaya. Not now. Not forever. But I  guess, curtains must fall, goodbye's must happen between us. And must accept that there's an ending sa dalawang tao.

Wala akong magawa kundi sambitin ang isang 'good night sayo, Dianer' from the other side nalang.

Bumaba na ako at baka mahila pa.

Doon nalang tayo magkikita ulit sa panaginip, dahil sa mundong iyon, our souls are both free.



Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now