Chapter 27

1.7K 79 45
                                    

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi ko siya pinansin, kunwari wala akong may narinig. Bahala siya kung tatanggihan o sasabihin niya ang totoo.

"Anong ginawa niyo?" Seryosong tanong ni Mama sa amin na tumigil pa talaga sa pagkakain. Kinakabahan ako pero hindi ko nalang pinapahalata. Idinaan ko nalang sa paglalamon kahit nakakaumay na ang talong.

"Kayong dalawa ba ay may ginawang milagro?" Dagdag pa niya at sa akin na itinututok ang tingin. Na parang ako ang may salarin.

"Wala po, Tita! Ano. Nagbibiro lang ako. Binibiro ko lang po siya." Pagpapaniwala naman ng isa dito.

"Eh, ba't ganun yung ikinilos ng isa kanina? At ang pa-"

"Wala po talaga, Ma. Tumayo lang ako dahil akala ko makipagpalitan na si Gazini ng upuan." Agad kong pagdadahilan.

"Ah, opo! Nakita ko rin kanina si Gazini na tumayo kaso lang ayaw niya munang makatabi ang babe niya dahil may away." Sali din ng kaharap ni Mama. Napatingin naman ako sa katabi ko na biglang kinurot ng palihim ang katabi niya. Napangiti ako. Sakyan ko rin kaya, ano?

"What?! Ba't hindi ko yan alam? Kayo na ba talaga?" Pagtataka ni Mama sa dalawa na ngayon ay pulang-pula na. Mukhang wala silang balak sumagot kaya ako nalang ang nagsalita.

"Sila na po, Ma. Kahapon lang niya sinagot si Gazini. " At sumubo ako ng pagkain para pigilan ang sarili sa pagngiti. Naramdaman ko naman na tumingin ang katabi ko sa akin. Lumapit siya ng konti sa akin at may ibinulong.

"Hey pogii hindi tayo close pero sana naman wag mo kaming gawan ng kwento kung ayaw mo ring gawan ko kayo ng kwento na may ginawa kayong milag-"

Hindi kami close pero nilagyan ko ng pritong talong ang bunganga niya para tumahimik na. Hindi ako madadala sa pananakot nito. Pero nadala ako sa tingin ni Franki ngayon na sobrang sama. Parang matutunaw ako.

"Sige na. Magpalit na kayo ng upuan para na rin makapag-usap ng maayos ang dalawa." Utos ni Mama kaya nakangising nakatingin ako kay Gazini na hindi na maipinta ang mukha.

"Tita, wala pong kami. Hindi ko po siya jow- ah s-sige po." Biglang pag-iba niya nang tignan ko siya ng masama. Alam niya kase ang ibig sabihin ng tingin ko. Tumayo na ako at pumunta sa gilid niya. Wala naman siyang magawa kundi tumayo na rin. Dahan-dahan siyang pumunta sa tabi ng babaeng may gusto sa kaniya na nag-aalinlangan pang uupo o hindi. Pero umupo din.

Uupo na rin sana ako nang biglang tumayo ang isa rito at nagsalita. "Mauna na po ako, Tita. Masama pakiramdam ko eh."

"Sige magpahinga kana rin muna. Ipahatid nalang kita kay Diana."

"Wag na po. Kaya ko na mag-isa." Pagtanggi nito at agad na akong nilagpasan. Sinunod ko naman siya ng tingin hanggang sa makalabas ng bahay. Uupo sana ako ulit nang bigla akong pinalo ni Mama ng hilaw na talong.

"Sundan mo wag kang timang. At kung ayaw mong makipagrelasyon dahil kilala kitang bata ka, sabihin mo na nang harap-harapan sa kaniya. Huwag mong paasahin yung tao. Mas masakit yun."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Mama kahit hindi pa ako tapos kumain. Lumabas na ako ng bahay pagkatapos kong uminom ng tubig. Nakita ko naman siya na pauwi na sa bahay-kubo. Binilisan ko ang paglalakad para mahabol siya.

Alam kong naramdaman niya na nandito na ako sa kaniyang likuran pero hindi niya nagawang lingunin o pansinin man lang. Galit na talaga siya sa akin eh sa hindi malaman na dahilan.

"Sorry na kung may kasalanan man ako." Panimula ko sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

"For what?"

"I felt like parang galit ka sa akin."

"Hindi ako galit sayo."

"Then ba-"

"Masama lang pakiramdam ko." Agad nitong putol sa akin at nilingon ako. "Umuwi kana. Tapusin mo na paghahapunan mo roon."

Aakma sana siyang tatalikod pero bigla ko siyang hinawakan. "Franki.."

"Fine! Gusto mo talaga malaman? Oo! Nagseselos ako! Can I be selfish for a while? 
Can I have your attention?
Can I have your time?
Can I have you?
Kahit wala akong karapatan."

Bigla naman akong napaatras sa sinabi nito. Tumawa pa ito ng peke at nagsalita ulit.

"Alam mo kung bakit? Alam mo kung bakit ako nagpapakatanga at nagpapalimos ng pagmamahal?!" Tanong niya sa akin habang may tumutulo nang mga luha sa kaniyang mga mata. "Dahil gusto ko lang maranasan kung paano mahalin ng taong mahal mo. Gusto ko lang malaman kung gaano kasaya ang pakiramdam na iyon kagaya sa pinapanood kong movies o sa mga magjowa na kumakalat sa paligid. Kahit sa maikling panahon lang.. gusto ko lang maranasan... dahil may expiration date ang kalayaan ko."

Hindi ko maintindihan ang huling sinabi nito pero ramdam ko ang sakit habang binabato niya ang mga salita na iyon sa akin.

"Salamat sa pagpaparamdam ng kasiyahan sa akin kahit pilit man yun o hindi sayo."

Hindi yun pilit.

"My grandpa once said, that don't settle for half loves, you'll feel hollow and end up hurting more. But fuck that everyone deserves whole! Mas gusto kitang mahalin sa bilang na araw kahit masakit, kahit ako lang. Kung kaya ko lang pigilan ang takbo ng oras para mahalin pa kita ng matagal.."

Hindi ko na alam kung saan ito patungo. Pero isa lang ang sinisigurado ko sa aking mga hakbang. Ito ay patungo sa kaniya.

"Simula ngayon hindi na kita kukulitin o ipagpipilitan ang aking sarili sayo. Narealized ko na parang kinukuhanan din kita ng freedom. I can still love without bothering y-"

Bigla ko nalang siya niyakap at hinagkan sa noo as I uttering these words.

"Hindi ako napipilitan pagdating sayo. And I don't care kung papaniwalaan mong pilit yun o hindi. You can have me.

I'm going to love you before we run out of time."


______________________________

A/N. Lumulunod na sa sabaw ang pagka-lame.
Sabihin niyo lang kung ititigil ko na. Hahahaha. Pagod na rin ako eh. Pero pwede pa naman itulog.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now