Chapter 28

1.7K 70 5
                                    


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak kung bakit natagpuan ko nalang ang aking sarili patungo sa bahay-kubo. It's been three days and until now I'm still wondering na hindi na niya ako kinukulit, hindi na siya pumupunta sa bahay para kulitin ako. Hindi ko siya nakita sa loob ng tatlong araw. At sobra akong nanibago roon. Pero hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin kapag makita ko siya.

Kapag magpapakita ako doon, anong sasabihin ko?
Kase pagkatapos ng gabing yun, sobrang nakakailang na. Hindi naman niya ako kinikibo. And I'm not good in making first move to the conversation at all. Sobrang boring kong tao.

Napagdesisyonan ko na bumalik nalang sa bahay dahil ayokong makaramdam ulit ng pagkailang mamaya. Bahala na. Wag muna ngayon kase hindi pa ako handa. At torpe na kung torpe.

Nadatnan ko naman si Gazini na nakaupo sa labas ng bahay at nakatingin sa malayo. Pumunta naman ako sa tabi niya at umupo.

"May kailangan ako sayo." Deretsahang sabi ko rito at tumingin din sa kawalan.

"Kahit ano basta wag mo akong papuntahin ulit doon please?" Baling nito sa akin na siyang ikinatawa ko. Na traumatised talaga siya.

"Hindi naman. Hihingi lang naman ako ng mga tips kung paano-"

Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang masilayan ko ang tatlong magkakaibigan na siyang papunta sa kinaroroonan ni Mama na nakaupo ngayon sa papag, which is malapit lang sa amin. Mga dalawampu't apat na metros ang layo sa aming harapan.

"Tita, pwede po ba kaming humingi ng gulay?" Rinig kong tanong ng pinakamatangkad sa kanila. Pero sa isang tao lang ako nakatingin the whole time. Hindi siya nakatingin sa akin kaya malaya ko siyang minamasdan. Simple lang ang ayos niya pero sobrang ganda pa rin.

"Sige, kayo nalang din bahalang pumitas. Gusto niyo magpatu-"

"Wag na po." Agad nitong sagot na siyang dinagdagan pa ng isa niyang kasama na manoo.

"We need no man in picking fruits at veggies po, Tita."

Agad kong iniwas ang aking tingin nang bigla itong napatingin sa akin. Shet. Nahuli ako. Naramdaman ko naman ang pang-iinit ng aking mukha sa kahihiyan.

"Tips kung paano?" Pag-ulit na tanong ni Gazini para ilihis ko ang aking atensyon sa kaniya.

"Ah- sa panliligaw." Agad kong sagot at tumingin na sa baba. Ienjoy ko muna ang dobleng kahihiyan ngayon. Alam kong nakangisi na si Gazini sa oras na ito.

"At sa akin ka pa talaga nagtanong?! Hindi rin ako marunong." Matawa-tawang sabi nito. Tumingin siya sa tatlo na papunta na sa taniman ni Mama. "Pero marami akong alam na panliligaw."

Bigla naman akong kinabahan nang ngumisi na naman ulit ito. But at the same time, nakaramdam ako ng excitement. Pero hindi ako sigurado kung susundin ko ba.

"Una sa lahat, wag ka puro salita. Idaan mo sa gawa ang iyong pagmamahal. Make her feel special through actions because that's the sweetest things sa lahat ng matamis."

"Then pagkatapos ano?" At tumingin din ako sa tinitignan niya. Seeing her na abala sa pagpipitas ng mga labuyo na seryoso ang mukha. At may naghuhulugang mga pawis na lalong nagpapa hot sa kaniyang dating. Parang lalo akong nahuhulog.

"Edi haranahin mo kahit hindi ka marunong kumanta, ipagluto ng paborito niya, bigyan ng bulaklak, sulatan ng love letter, pag-igiban ng tubig, sibakan ng kahoy, basta diskartehan mo nalang para makuha ang oo. Ikaw na bahala."

The way how she wipes her sweat, parang nag-iislow motion ang mundo, at parang tumigil ang oras. Napalunok ako nang tumama ang tingin niya sa akin. Hindi ko nagawang umiwas ng tingin dahil nahypnotised ako sa kaniyang ganda. Parang sumasabog ang mga fireworks sa itaas.
Pero hindi nagtagal ay umiwas siya ng tingin at bumalik ulit sa kaniyang ginagawa. Malapit lang kase ang taniman ni Mama rito eh.

"Basta mag-effort ka lang at be consistent. At huwag mainip agad."

Mas lalo akong hindi makahinga ng maluwag nang bigla itong tumayo para itali ang kaniyang buhok. Wala namang malisya sa pagtatali ng buhok dahil normal lang ito pero bakit naaakit ako? It is because nakatalikod siya sa akin habang ginagawa iyon kaya kitang-kita ang kaniyang batok which I find... ugh.

"Hoy!! Nakikinig ka ba sa akin?!"

Agad akong napatingin kay Gazini na siyang sinususpetsahan ako base sa mga tingin niya ngayon.

"Oo." Ikli kong sagot. Nakikinig ako noh. Pero hindi ko lang talaga narinig ang pinagsasabi niya.

"Magsimula ka na sa panliligaw sa pamamagitan ng pagtulong sa kaniya ngayon."

"As in ngayon talaga?! Hindi pa ako handa." Bigla kong angal sa kaniya. Kinakabahan pa ako eh.

"Handa ka man o hindi dapat ligawan mo na. Tumatakbo ang oras, malay mo baka sa susunod na mga araw aalis na sila rito." Pahina nang pahina ang pagkasabi nito at ramdam ko ang kalungkutan sa kaniyang pananalita. At nadala din ako sa kalungkutan na iyon. It is really contagious.

Naalala ko naman ang sinabi niya sa akin nung gabing iyon. Baka yun ang tinutukoy niya?

"Ba't hindi mo rin ligawan ang isa?" Tanong ko sa katabi ko. May naaamoy kase ako.

"May mga bagay na hindi pwede."

So, inaamin niya na?! Maygahd. Ngumiti ako ng palihim para hindi niya mapagtanto ang kaniyang sinabi.

"Pero may mga bagay naman na baguhin ang hindi pwede." Sabi ko habang tumatayo na pero bago pa siya makareact dahil napagtanto na niya ang kaniyang sinabi ay agad na akong pumunta sa kinaroroonan ni Franki.

Kahit hindi ko alam kung paano sisimulan ay inalis ko nalang ang kaba. I'm just going to pretend na parang sinusuyo ko lang ang aking asawa.

______________________________

A/N. Sorry kung short. One sitting lang kase pagkasulat. Mamaya nalang ulit.

Seducing The EpiceneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin