Chapter 7

2K 109 28
                                    

Franki's POV

Parang matatawa ako sa taong iyon. Kung makalayo akala mo kakainin namin ng buhay. Makiki-usap lang naman sana ako na wag kami paalisin dito eh.

"Ba't niyo kase tinawag na babe at baby? Yan tuloy, natakot yung tao." Matawa-tawang saad ni Jodie sa amin habang nakaupo sa isang upuang kahoy sa gilid ng maliit na daan dito. Hindi na namin sinundan ang taong iyon dahil alam kong hindi na kami makakahabol sa kaniya. Sobrang bilis kase maglakad ng dalawa.

"Hindi ko alam pangalan niya." Tanging naisagot ko nalang habang nakatingin sa papalayong likuran nito. Saan ba siya pupunta?

"Kung hindi mo alam pangalan niya bakit baby tawag mo dun? Pwede namang tanungin ang kasama niya ah? Ikaw ha, nakakahalata ka na. May gusto ka ba sa taong yon?"

"Wala, Jodie. Gusto ko lang talaga siyang inisin." Agad kong sagot sa kaniya at ibinaling nalang sa ibang bagay ang paningin, at baka kase hindi maniwala.

"Sabihin mo nalang ang totoo, Franki. Handa akong magparaya para sayo. Handa akong ibigay siya sayo ng buong puso." Sali naman ni Maza sa usapan habang busy sa pagpaypay ng sarili.

"Nagsasabi naman ako ng totoo ah? Wala akong gusto doon." Patuloy kong pagpapaniwala dito. Kung sasabihin ko sa kanila ang totoo, baka ipagtulakan nila ako sa taong iyon. Lalo kaming mapapaalis nito eh.

"Fine. Sabi mo eh. Hindi ako mapilit." Pag give in naman ni Jodie habang nakatingin sa direksyon papunta sa bayan. "Omg! Is that Tita Rowena na ba!? Yan na siguro ina niya."

Napatingin naman kami ni Maza sa tinitignan niya at doon ko na nakita na pabalik na pala ang baby ko, kasama siguro ang kaniyang ina na may dala-dalang supot. Pinamili niya yata sa bayan.

Pero parang mukha silang nakikipagtalo sa isa't isa dahil hindi na maipipinta ang mukha ng aking baby. Nakabusangot ito habang patuloy sa pakikipag-usap sa kaniyang ina. Para siyang batang nagsusumbong. Tapos ang ina naman niya patuloy lang sa paglalakad habang seryosong nagsasalita. Ano ba ang pinag-uusapan nila?

"Magtiis ka! Ibinigay mo sa kanila kaya bahala ka dyan."

"But Ma! Paulit-ulit lang tayo eh! Sinabi ko na sayo kung bakit diba? Napilitan lang nga ako. Tulungan mo naman akong paa--"

Hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin nang makita niya kaming nakaupo dito. Napatingin naman ang kaniyang ina sa amin kaya agad kaming napatayo na tatlo.

"Ah-h-hi po, Tita." Alanganing bati ni Maza dito.  Seryoso kase ito kaya parang mukhang masungit.

"Lulutuin ko lang to, Ma." Agad niyang kinuha ang supot na dala ng kaniyang ina at agad na ring umalis. Naiwan naman kami kasama ang ina nito na bahagyang nakataas ang isa nitong kilay habang nakatingin sa amin. Bigla itong napahalukipkip. Nakakatakot naman.

"Sino sa inyo ang nang-akit sa anak ko para ibigay ang susi?"

Napalunok ako ng wala sa oras sa itinanong nito. Gaahd. Lagot na. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapagsalita. Pwede bang ituro niyo nalang ako? Nakakatakot talaga eh.

"Ah-a-ako p-po." Nahihiyang pag-amin ko dito na hindi makatingin ng deretso sa kaniya. Para akong buntis na ipinakilala ang sarili sa ina ng nakabuntis. Di ko alam na nakakatakot pala ang ina niya.

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang sa paa bago nagsalita.

"Good job."

Napakunot naman ang noo kong napatingin sa kaniya. Nakangiti na ito kaya lalo akong naguguluhan. Hindi ko siya naiintindihan. Hindi siya galit?

"Mabuti at inakit mo siya para mapapayag, at para naman mapagtanto niyang hindi lahat ng gusto niya masusunod. Huwag mo nang ibigay sa kaniya ang susi, iha. Papahalikan mo muna bago ibigay yun ha? Hahaha." At tumawa ito. Kaya nakitawa naman kami na may question mark sa dulo.

"Anyway, kaylan pa kayo dumating dito?" Dagdag nito habang naglalakad papunta sa kanilang  bahay, sumunod naman kami.

"Kahapon po, Tita." Sagot ko naman dahil parang walang balak magsalita ang dalawa.

"So, hanggang kaylan ang upa niyo?"

"Hindi po namin alam. Siguro hanggang sa magsawa kami."

Patuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa makarating kami sa isang pahingahan nila malapit sa kanilang bahay. Para siyang bahay pero walang dingding. Bubong lang ito na may magkabilang kawayan na upuan at may mahabang mesa sa gitna.
Umupo sa kaliwang bahagi si Tita kaya umupo naman kaming tatlo sa kabila nito. Magkaharap lang.

"Pasensiya na kayo kung ganyan ang anak ko ah? Hindi siya sanay na may ibang mga tao dito."

"Bakit naman? I mean, bakit po siya ganyan?" Agad kong tanong sa kaniya dahil wala na kaming ibang makakausap kundi si Tita lang. Si Gazini kase hindi naman masyadong nagkukwento.

"Takot siya sa mga tao simula noong maliit pa siya. Hindi yun lumalabas ng bahay kahit na kami lang ang mga tao dito sa bukid. Pero unti-unti naman sa paglipas ng mga araw. Pero hanggang dito lang talaga. Ipinanganak ko kase siyang walang gender identity kaya ganyan, takot mahusgahan. Lumalayo siya sa mga tao." Sagot nito habang inaalala ang mga nangyari noon.

"Wait. Walang gender identity?" Naguguluhang tanong naman ni Jodie.  Sa wakas nagsalita din ang isa.

"Yes. Walang identity. Hindi matukoy kung ano ang kasarian niya. Ipinanganak ko siyang dalawa ang kasarian. Meron siyang ovary at testes at the same time."

"So paano yun? Hanggang ngayon hindi pa alam ang kasarian niya?" This time si Maza naman ang nagtatanong.

"I don't know. Noong kakapanganak ko pa lang sa kaniya, sabi ng doctor ako raw ang magdedecide kung ano ang magiging kasarian niya. Dalawa kase ang kasarian niya, pambabae at panlalaki. Eh, it's either male or female ang  kaylangan sa birth certificate so kaylangan kong pumili ng isa, at para na rin sa kaniyang surgery. Kaya pinili ko ang babae, at pinangalanan siyang Diana. At sa surgery nito, pinakuha ang kaniyang testes."

So, babae talaga siya!? Pero bakit ganun, parang panglalaki naman ang katawan.

"Pero yung pinili kong gender para sa kaniya hindi nag match nang tinamaan na siya ng puberty. Kaya lalo siyang nagtago dito dahil hindi niya matanggap. Yung ibang kilala namin, kilala ang anak ko bilang babae." Patuloy na pagpapaliwanag nito, kaya naliwanagan naman ako. So, lalaki talaga siya.

Pero nakocurious pa rin ako dahil sabi ni Tita hindi pa niya talaga alam ang kasarian nito. Hindi pa ba sapat ang katawan niya bilang ebidensiya? Atsaka yung ano? Basta yung sa baba. At speaking about it, bigla akong napatanong.

"Tita, makapag pabuntis ba siya?"

I don't know kung bakit ko yun itinanong. Nagtataka lang talaga ako.

"Yun din nga ang ipinagtataka ko, kaso wala siyang jowa eh. Marami na ngang nanliligaw na mga babae sa kaniya pero tinaguan niya lang lahat. Paano malaman yun, diba?" At ngumisi ito.

"But if you really want to know that my dear, akitin mo ulit ang anak ko kagaya ng pag-akit mo para makuha ang susi. Okay lang sa akin, dahil boto naman ako sayo."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now