Chapter 31

1.8K 67 30
                                    


Gazini's POV

Pauwi na ako sa bahay nang makasabay ko ang dalawa na may dala-dalang mga alak na halatang galing pa sa bayan. Magka-krus kase ang daanan papunta ng bayan at ng sa pinanggalingan ko kaya makakasabay ko talaga sila. Papalapit na ako sa kanila nang makita ko ang babaeng manoo na nahihirapan sa pagbibitbit ng kanilang pinamili, na puro alak pero iba-iba ang klase.

Agad ko siyang nilapitan dahil nandun na sa unahan ang kasama niya. Parati talaga siyang huli kagaya ng unang kita ko sa kaniya dito.
Medyo nabigla siya nang sumabay ako sa kaniyang paglalakad. Pero hindi naman niya itinagal ang kaniyang tingin sa akin at ibinaling nalang ulit sa unahan.

"Uh.. tulungan na kita." Pag-aalok ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako pinansin. Kaya humugot pa ako ng lakas ng loob para magsalita ulit. "If you don't mind ako nalang ang ibang magdadala niyan."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
Dahan-dahan ko siyang tinignan na siyang nakatingin na rin sa akin.

"Thank you nalang pero kaya ko na." Sabi nito at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Hindi pa rin ako makamove forward sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makapaniwala na nginitian niya ako sa unang pagkakataon. Tapos hindi na siya galit, mahinahon na ang kaniyang pagkasabi.

Agad ko siyang hinabol para makasabay sa paglalakad. Kung hindi niya kailangan ang tulong ko, then hindi ko siya pipilitin. Baka masigawan na naman kapag pinilit ko pa.

"About pala sa... sa. Sa inamin mo sa akin nung nakaraang araw." Panimula ko sa usapan namin na sa tingin ko, wala namang patutunguhan. Parang hindi siya interesado eh.

"Ah yun? Kalimutan mo na."

"Hindi ko yun makakalimutan kapag hindi natin pag-uusapan."

Kusa ko nang kinuha sa kaniya ang mga alak dahil alam kong nangangalay na siya. Ramdam ko kase. Hindi na siya kumontra pa at ibinigay nalang ang lahat na siyang ikinagulat ko. Tatlo lang sana kukunin ko. Pero sige na nga.

"Una sa lahat, gusto kong humingi ng pasensiya sa unang dating ko rito, na sinampal kita agad.." Wika niya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad patungo sa bahay-kubo. Nagtataka naman ako sa kasama niya na nowhere to be found na.
"Sa mga sigaw ko sayo, sa pagkokontra, sa pag-aaway, sa pagsusungit.. lahat ng iyon."

Nakikinig lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya. And reminiscing those, parang hindi na maisa-isa dahil sa dami. Pero kahit minsan, hindi ko magawang magalit at patulan siya.

"Sana mapapatuwad mo ako."

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa idinagdag pa niya.

Wait.

Gusto niyang ipapatuwad ko siya? Mygod. Hindi ko kaya yun. Hindi ko yun magagawa.
Nilingon naman niya ako na halata ang pamumula sa kaniyang mukha.

"Hoy! Mapapatawad kase yun." Pagtatama niya, at syempre maniniwala ako dahil nagkakamali din ang tao sa pagkakasabi ng mga salita. But if ever na tuwad talaga, gaaaad, hindi ko maimagine.

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad habang hinihintay niya ako.

"Oo naman. Mapapatawad kita. Maliit na bagay lang naman yun." Sabi ko sa kaniya nang sumabay ulit kami.

Hindi na siya nagsalita pa at tanging matamis na ngiti lang ang nasilayan ko sa kaniyang labi. Hindi ko maitatanggi na mas lalo siyang guman- sige na nga. Hindi na ako mag-aalinlangang sabihin na maganda siya. Dahil totoo naman.

Natanaw ko na ang kubo at natanaw ko rin si Diana na lumabas galing doon. Napangiti ako nang malawak nang maalala ko na nag-uumpisa na siyang manligaw sa isa. Pero nagtataka ako na parang hindi yata maipipinta ang kaniyang mukha ngayon habang papasalubong sa amin. Anong nangyari?

"Ba't ganyan mukha mo?" Agad kong tanong sa kaniya dahil para siyang na basted ng bonggang-bongga.

Tinignan naman niya ako ng nakakasakit na parang tinutusok ang kaluluwa ko sa talim ng mga tingin niya. "She left me in pain, kaya wag mo akong kausapin."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay dumiretso na ito sa paglalakad na akala mo manununtok ng tao. Naguguluhan ako sa nangyayari sa kaniya. Don't tell me na nabasted siya ni Franki? Oh gawd no. It cannot be.

Tumingin naman ako sa kasama ko na ngayon ay ngiting-ngiti na sa hindi ko alam na dahilan. Alam niyo, hindi ko talaga maiintindihan ang mga tao dito eh.

"Sabihin mo sa kapatid mo na pasensiya na sa kaibigan namin, ganun talaga siya, hilig manukso at iwan ka sa kasakitan." Sabi ng kasama ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba na gets yun?" Balik-tanong nito sa akin.

"Magtatanong ba ako kapag na gets--"

"Fine! Alam mo, pinag-iinit siya ng isa at iniwan na sobrang kulo na kulo. Syempre, sobrang pangit yun sa feeling kase masakit yun sa ano." Paliwanag niya na hindi man lang tinapos ang sasabihin.

"Sa ano?" Pag-uulit ko.

"Heto na lang ah, gawin kong example. Kunwari may ginagawa tayong milagro, I suddenly straddled and kiss you. You felt your mouth on mine was both fire and ice. My hands played with your hair while the kiss is still going on. Somehow, the kiss felt like the most natural thing in the world and you don't wanna stop. But I immediately broke it and leave you hanging with the raging desire of a beast. So, what do you feel?"

Napatulala at, at the same time, ay pati ako nag-iinit sa mga pinagsasabi niya. Seryoso? Kami talaga ginawa niyang halimbawa?! Hindi ako nakapaghanda doon. Gahd.

"Syempre, mabibitin. Masakit talaga sa.. sa puson yun." Sagot ko naman. Nakarating na kami sa kubo kaya medyo nakaramdam na ako ng kalungkutan dahil gusto ko pa siyang makausap. Kahit wala naman kaming pag-uusapan.

Pumasok na ako sa loob at agad ko inilagay ang mga dala ko sa ibabaw ng mesa. Nakita ko naman si Franki na abala sa pagsusuklay ng kaniyang buhok. Naalala ko naman ang ginawang example ng kasama ko kanina. So ganun pala ang nangyari? Akala ko ba matinong nanliligaw si Diana?

Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko naman pabalik. Nahagip ng tingin ko ang manoo kaya nilapitan ko siya.

"Gusto ko lang sana malaman pangalan mo." Usap ko ulit sa kaniya. Matagal na sila nandito pero hindi ko pa alam pangalan niya. Si Franki at Jodie lang kilala ko. Narinig ko naman nang tinawag siya ng kaniyang mga kaibigan pero hindi ko na maalala.

"Ako si Maza." Ikling niyang sagot sa akin. Ngiti nalang ang itinugon ko sa kaniya bago lumabas ng kubo. Pero hindi ko alam na sinundan pala niya ako.

"I hope na makakausap ulit kita." Habol nito sa akin. Tumigil ako sandali para sagutin siya.

"Oo naman. Conversation doesn't always end to the people you love...



To talk with."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now