Chapter 9

1.9K 110 21
                                    

Franki's POV

Sabi ni Tita kanina na okay lang daw landiin ang anak niya. Kaya heto, nilalandi ko na. Alam kong naiinis na ito sa akin lalo na't tumabi pa ako sa kaniya. Pero anong magagawa ko, ang sarap niyang inisin lalo eh. But hindi ito biro-biro lang. I mean what I say and what I do.

Kumuha ako ng shrimp at binalatan ito bago ko isinubo sa kaniya. Hindi pa rin kase ito kumakain dahil hanggang ngayon nakatulala pa rin.

"Take this, or, I will kiss you." Mahinang bulong ko sa kaniya. At seryoso ako. Kapag nangalay ang kamay ko at hindi pa rin niya ito kinuha, mahahalikan ko talaga siya sa harap ng apat. Hindi pa niya kase ibinuka ang kaniyang bibig.

"Wag na. Kainin mo na lang yan, kaya ko na subuan ang sarili ko." Mahinang sabi rin nito sa akin. Kaya kinain ko nalang dahil kanina pa ako nagugutom eh. Pagkatapos kong kainin yun ay bigla ko siyang hinila at hinalikan sa pisnge. Hindi nakita ng apat. Pero siya, gulat na gulat.

"Ano ba!?!" Agad nitong sigaw sa akin na siyang nagpagulat sa apat. Gustong-gusto ko na tumawa pero no. Kaya ko pa naman pigilan.

"Anak! Bakit!?" Bigla namang tanong ng kaniyang ina na naguguluhan. Nagulat din yata. Biglang naalarma.

"Wala. Wala po, Ma." Pagdedeny nito at uminom ng tubig. Ang dalawa kong kaibigan ay tumingin lang sa kaniya na nagtataka.

"U-ur-urg--tu-tu--beeg!" Nahihirapang pag-utos naman ni Gazini sa amin dahil nabilaukan ito. Agad naman siyang kinuhanan ni Maza ng tubig. At ininom agad. Nahimasmasan din.

"Anak, wag ka ngang sumigaw ng bigla-bigla kung wala namang dahilan! Ayan, nabilaukan tuloy ang isa!" Suway sa kaniya ni Tita Rowena at bumalik ulit sa pagkakain. Bigla naman akong naguilty dahil ako ang dahilan sa biglaang pagsigaw nito. Akala ko kase aware na siya na hahalikan ko.

"Sabi ko naman sayo na kunin mo nalang eh. But okay lang, nahimasmasan na rin naman si Gazini. Safe na siya." Bulong ko rito ng bumalik na sila ulit sa paglalamon.

"Bakit kase bigla-bigla ka nalang manghahalik!!?" Tanong nito sa akin kaya napatingin na naman ang apat sa aming gawi.

"Sinong nanghahalik?" Pagtataka naman ng kaniyang ina sa kaniya kaya napalamon nalang ako ng kanin ng wala sa oras. Gahd. Patay na. Bakit ba hindi marunong bumulong ang isang ito? Kahit hinaan lang naman ang boses.

"Yung ano- ang lamok po Ma, bigla-bigla nalang nanghahalik." Pagpapaniwala niya dito habang nagkakamot pa ng kaniyang leeg. Napakagat nalang ako ng pang-ibabang labi para piģilan ang sarili na tumawa.

Hindi na nagtanong pa ang kaniyang ina at nagpatuloy na lang ulit sa pagkakain for the second time around, at ganun din ang tatlo.

"Hinaan mo naman kase ang boses mo para kang tima--"

"Can you please shut up!?" Putol na nito sa pagbubulong ko sa kaniya. Kaya hindi ko na itinuloy pa. Sorry naman. Tatahimik na po.

"Anak, wag mong sabihin sa akin na pinapatahimik mo ang lamok. Maawa ka."

"Hindi po, Ma. Pinapatahimik ko lang po ang sarili ko."

"Parang mas malala pa yata yan. Kung ginugutom ka na anak, please kumain ka na." Seryosong sabi nito sa katabi ko habang hinahaplos ang likod niya. "Franki, subuan mo nga." Biglang utos nito sa akin kaya napangiti naman ako ng wagas. Yan ang dahilan kung bakit siya ganyan eh.

"Wag na. Kaya ko na ang sarili ko. Kumain nalang kayo dyan."

Hindi ko na siya kinulit pa at hinayaan nalang ang kaniyang gusto. Baka sisigaw na naman, naaawa na ako kay Tita Rowena sa kakatanong.

Itinuloy ko nalang ang aking pagkakain hanggang sa naramdaman kong kumakain na ito. Tahimik lang kaming lahat na kumakain dahil hindi ko na kinukulit ang aking katabi. I couldn't believe na mararamdaman ko ang ganito ka saya sa buong buhay ko. If I wish na  sana nandito ang pamilya ko, na kasama ko ngayon, siguro wala nang mas may ikakasaya pa. I already missed them kahit na ipapakasal nila ako sa tao na hindi ko gusto. They're still my parents though.

Bigla akong napabalik sa realidad nang biglang kunin ng katabi ko ang alimango sa aking pinggan. "Kung hindi ka marunong kumain nito, just pull off the legs and its claws with a twisting motion." Sabi nito habang ginagawa yun.

"Itapon mo yung legs niya dahil wala ka namang makukuha doon, but save its claws. And then ang katawan niya, makikita mo ang isang tab- its top shell I mean, kunin mo yun na parang binubuksan ang isang peanut butter and jelly sandwich. And then remove mo yung gills niya to show another shell na naman. At medyo matigas ito but you can press it with your own hands to break the chamber. After that, pull off. And there it goes the meat."

Kinuha niya ang meat ng alimango at isinubo sa akin. Kahit na nagtataka ako sa sudden action nito, I didn't hesitate so I took that.

Susubuan pa niya sana ako ulit pero napagtanto niya kung ano ang kaniyang ginagawa. Bigla niya itong ibinalik sa aking pinggan.

"Uh-I'm sorry. Ikaw nalang pala." Sabi nito at bumalik sa kaniyang pagkakain. Nakita ko naman sina Tita Rowena at Gazini na nakatulala sa amin habang nakanganga pa. Alam kong nagulat at nabigla sila kagaya ko. Kahit tapos na, hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko ba naiinis siya sa akin?

Ayaw niyang subuan dahil siya ang gusto sumubo? Wow ha.

Nabitin ako.

"Baby, subuan mo na ako ulit please?" Bulong ko dito habang nagpapaawa sa kaniya. Tahimik akong kumakain kanina tapos ginulo lang para susubuan ako, and then hindi man lang pinanindigan hanggang sa maubos ang pagkain? Very wrong.

"Can you stop the pangungulit na? Bumalik ka nga ulit sa upuan mo." Bulong din nito sa akin na salubong ang kilay. Ang sarap talaga niyang inisin.

"What? Why? Hindi mo na ba ako mahal?" Pagdadrama ko dito na seryoso ang mukha, kahit na tawang-tawa na ako.

"Hindi."

Ouch.

"Paano ko maibabalik yun?"


"Tantanan mo ako."


"Ilang days?"

"Forever."

"Mo akong mamahalin?" Pagpatuloy ko rito na hindi nahalata na nakatingin na pala ang nakakapaligid sa amin. But I don't really care. Nakatingin lang ako sa kaniya nang bigla din itong napatingin sa akin. At first time kong nakita na ngumiti ito. Shet.

Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin bago nagsalita.

"Alam mo, ang ganda mo sana kaso ang kulit."








Seducing The EpiceneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant