Chapter 26

2.1K 89 23
                                    


Diana's POV

Hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko sa talong. I mean, marami naman pero dapat naka specified para hindi na ako mahihirapan pa. Talong lang naman kase ang nakuhang impormasyon ni Gazini mula sa dalawang kaibigan ni Punky. Inutusan ko siya magtanong para sa hapunan mamaya na sabi ni Mama. At sabi rin niya na lulutuin ko lahat ng paborito ni Punky dahil isa din yun sa paraan ng panliligaw. So ano? Talong nalang ang gagawin naming hapunan mamaya? Nakakabanas kaya kapag lahat talong.

"Hindi mo na ba sila matatanong ulit?" Paninigurado ko sa aking kasama na parang kakatay ng lamok ang mukha. Kanina pa siya ganyan nang makarating dito.

"Ayoko na. Hindi na ako ulit magtatanong doon. Or even makita sila. Nato-trauma ako."

"Bakit naman?"

"Basta ayaw ko rin pag-usapan."

Napabuntong hininga naman ako dahil hindi ko siya mapipilit. Ang tanging magagawa ko nalang ay lulutuin ang lahat na klase ng ulam na may talong. Hayst. Ang hirap naman manligaw. Wala naman kase akong balak makipagrelasyon doon kahit na mahal ko siya.
Kung hindi lang sana siya nadulas ng sinabi kaninang umaga, edi sana tahimik akong natutulog ngayon.

Ang sama ko talaga.

Nagsimula na ako sa aking gawain dahil marami akong lulutuin na ulam na may talong. Habang humihiwa ng ibang sangkap sa pagluluto ay siya namang pangalumbaba ng isa rito sa aking harapan. Kung hindi ako magkamali, may problema o may nanggugulo sa isipan niya.

"Ano ba kase problema mo?" Tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa paghihiwa.

"Wala nga. Wala akong problema. Pagod lang." Pagpapaniwala niya sa akin na as if maniniwala ako.
Hindi ako nagsalita at ninanamnam ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Alam kong hindi yan makatiis eh. Magsasabi pa rin siya sa akin.
"Fine. Yung isang babae na kasama nila, yung parang landingan ng eroplano ang noo. Basta yung manoo na magan-- hindi. Manoo lang pala."

"Eh, bakit nga?" At tumigil ako sa aking ginagawa para lang malaman kung bakit. Hindi naman niya sinabi ng deretsahan.

"Yung babae kasing yun may gusto sa akin." Parang mangingiyak na paliwanag nito. Napatawa naman ako dahil para siyang sinakluban ng langit at lupa. "So ayon nga, umamin siya sa akin dahil akala niya liligawan ko si Franki base sa mga itinatanong ko na pinag-uutos mo!! Hindi ko sinabi na pinag-uutos mo yun dahil pinagbibilinan mo ako na huwag ipagsabi, diba?!"

Mas lalo akong ngumiti dahil bakit parang big deal yun sa kaniya, eh umamin lang naman ang tao.

"Ayoko na. Ayoko na magpakita doon." Saad nito at inihiga ang ulo sa ibabaw ng mesa. Napailing naman ako at nakikipagsimpatiya sa kaniya dahil hindi niya alam na makikita niya pa rin yun mamaya. Hindi niya yata alam na inimbitahan sila ni Mama na dito maghapunan.

Itinuloy ko nalang ulit ang aking ginagawa para matapos na agad ito. Kahit medyo masama na ang tingin ko sa mga talong na nasa aking harapan. Bahala na. Para sa panliligaw ko sa babaeng yun. Lulutuin ko ang lahat na ulam na may talong dahil gusto niya.

***

Nakahanda na ang lahat ng hapunan sa ibabaw ng mesa, yung tao nalang ang hindi especially si Gazini. Nandun kase siya sa kaniyang kwarto nagmumukmok, alam na niya na dito maghahapunan ang tatlo kaya nagtatago. Gahd. Gusto ko rin sanang magtago para tumahimik ang buhay ko eh, kaso wala akong kawala kay Mama na nakapwesto na ngayon sa hapag.

"Tawagin mo na si Gazini dahil hindi tayo maghahapunan kapag hindi kumpleto." Utos nito sa akin na agad ko namang sinunod. Pumunta na ako sa kwarto niya at kumatok. Agad naman niyang binuksan at walang ganang tumingin sa akin.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now