Chapter 30

1.8K 76 36
                                    


Totoo pala ang sinabi nila na kapag hindi mo bigyan ng pansin o halaga ang isang tao, siya naman ang maghahabol sayo.

Hindi ko naman ito pinagplanuhan, kusang nangyari lamang. At heto ngayon, nakatingin lang ako sa likuran niya habang abala siya sa pagluluto ng aking hapunan. Gahd. I didn't see this coming. Sana pala noon ko pa to ginawa.

Bigla ko iniwas ang aking tingin sa ibang bagay nang humarap na ito sa akin. Alam kong hindi niya ako nahuli eh. Hindi talaga.

"Huwag muna ulit iiwas ang mga tingin mo, pwede mo ako tignan hanggang sa magsawa ka." Sabi nito habang papalapit sa akin. Hindi ko pa rin siya tinignan dahil bigla akong kinabahan. Ba't ba to nangyayari? Kinuha ba niya confidence ko?

Umupo ito sa aking harapan at ako naman ay parang na estatwa at hindi makatingin sa kaniya. "Ang ganda mo, tapos mahihiya ka lang sakin? Ako dapat yun eh."

Kaya tumingin na ako sa kaniya at sinalubong ang mga tingin niyang nakakatunaw.
"Hindi ako nahihiya noh? Hindi ka naman masyadong gwapo."

"So, kung ganon..." Nakangiting tumayo siya at unti-unting pumunta sa tabi ko. And then umupo. Lumapit siya sa akin ng konti habang nakangiti.  "Ano ba ang dapat kong gawin para maging masyadong gwapo sa paningin mo?"

Parang hindi ko na kayang labanan ang mga tingin niyang nakakaakit. Baliktad lang naman yung sinabi ko eh. Mas gwapo ka pa sa masyado.

"Maligo. Ayoko ng taong malibag." Simpleng sagot ko. Hindi naman siya malibag, yun lang isinagot ko dahil wala na akong maisip na iba.

"Lumiligo kaya ako araw-araw. Gusto mo bang maghubad ako sa harapan mo para malaman na wala akong libag?"

"Oo. Kaya mo bang ulitin maghubad sa harapan ko?" Seryosong hamon ko sa kaniya. Wala akong sinasanto kahit may espada pa siya. Char.

Unti-unti na niyang hinuhubad ang damit niya kaya agad ko naman itong pinigilan. Hinila ko pababa ang iniangat niyang t-shirt.  Gahd. Seryoso talaga siya eh.

"Wag dito." Bulong ko sa kaniya at itinulak siya ng marahan para tumayo. Tignan ko kaya kung hanggang saan ang tapang niya. Salamat at kinuha mo ang pagkailang ko, baby.

Diana's POV

Napatayo ako ng wala sa oras nang marahan niya akong tinulak. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang collar ng damit ko at isinandal sa pader. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya na ngayon ay parang inaakit na na naman ako.

"Doon tayo sa loob ng kwarto." Dagdag pa niya at binuksan niya ang pinto ng isang kwarto. Dalawa kase ang kwarto dito at, at itinulak na naman niya ako papasok. This time,  hindi na marahan. Napaupo naman agad ako sa kama. Ngayon, nagdadalawang-isip ako kung aasawahin ko ba ito o hindi.

"Nagbibiro lang naman kase ako sa hubad-hubad thingy." Sabi ko sa kaniya habang dahan-dahan niyang sinasarado ang pinto. Nakangisi siya habang ginagawa yun. Parang hindi tumalab ang mga sinabi ko.
Tumayo ako at nagsalita pa. "Punky, you know that seduction is form of manipulation. And it is illegal.."

"Unless you are already married and have kids." Pagtatapos nito. Na siyang ikinatahimik ko ng tuluyan. May point siya. Hindi naman kase krimen ang pang-aakit hangga't hindi pa lumalagpas sa adultery.

Bago pa ako makapagsabi ulit ng palusot ay dahan-dahan niya akong tinulak paupo sa kama. Wala na akong magawa kundi umupo na lang din.

"Di ba to nakakabastos sa panliligaw kapag gumawa ulit tayo ng milag--"

Di ko na natapos sasabihin ko nang tinulak ulit niya ako pahiga sa kama. Aakma sana akong bumangon pero agad niya akong ginapangan sa aking itaas. Pinagpapawisan naman ako ng malagkit dahil sa pinanggagawa niya sa akin. My senses suddenly heightened when she put her hand inside my shirt and slowly caressing my body. Goddamn fuck. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at biglang pinalitan ang aming pwesto. Siya naman ngayon ang nasa baba.

Nakatukod ang dalawa kong kamay sa gilid niya kaya wala akong magawa nang unti-unti niyang pinapa-angat ang damit ko sa pamamagitan ng paghaplos nito. Nanghihina ako sa kaniyang ginagawa.
Tumaas pa ang paghahaplos nito hanggang sa makarating ang mga kamay niya sa aking batok. Dahan-dahan niyang pinababa ang aking ulo palapit sa kaniyang mukha. And I was about to kiss her nang bigla niyang hinila pa gilid ang ulo ko.

"Baby, wala ka palang libag. Anong sabon mo?" Bulong nito sa aking tenga na siyang naging dahilan ng lalong pag-iinit sa aking katawan.

"Wag mo akong birui-"

Napatigil ako sa aking sinabi at napapikit ng mariin nang naramdaman kong kinagat niya ang kaliwang tenga ko. Shit. Tangina.

"Sa-sa-safe... guard.." Pigil hiningang sagot ko sa kaniya. "Yung wh-white. Effec.. tive siya sa pagtanggal ng germs na dulot ng pagkaroon ng libag."

Dahil sa nawalan ng lakas ay ako naman ngayon ang nasa baba. Ano ba ang trip naming dalawa? Nang-iinit na ako eh.

"I know that ginamitan mo rin ng pangkuskos, not safeguard alone." Saad niya habang iniipit ang dalawang kamay ko sa mga kamay niya na siyang nakatukod. "Sa lahat ng safeguard, anong kulay ang pinakamabango?"

"Yung asul. Mabango siya parang perfume." Agad ko namang sagot. Hindi ko matukoy ang iniisip niya at laking gulat ko nalang nang inaamoy-amoy niya ako. Nakikiliti ako sa mga ginagawa niya.

"Kaya pala ang bango."
Napaupo na siya sa akin at akmang huhubarin ang damit ko nang may bigla akong naamoy na sunog. Shit. Ang niluto ko pala!

Pero hindi ako agad makabangon.

"Mamaya nalang yun. Hindi pa tayo tapos." At tuluyan na niyang hinubad ang damit ko.  Napasinghap naman ako nang maramdaman ang mga mainit niyang haplos sa aking katawan. Pagod na ako magmura.

"So, sa tingin mo, ano ang pinagkaiba nila ng bioderm?"

Putangina.


"Magkaiba sila sa hugis." Patuloy ko pa ring sagot sa walang kwentang usapan na ito habang patuloy din niyang pina-iinit ang katawan ko. Hindi nagtagal ay umalis na siya at umupo sa aking tabi.

Ibinalik na niya sa akin ang kinuha niyang damit at tumayo pagkatapos. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya dahil wala ba siyang balak kunin ang init sa katawan ko na gawa niya?!

Pero bago pa ako makapagsalita ay bigla na itong ngumisi sa akin.

"Kunin mo muna ang matamis kong oo."

And after that, nakita ko siyang lumabas na ng kwarto.

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now