Chapter 4

2.2K 108 25
                                    


Gazini's POV

Hindi ko na nagawang pigilan ang isang babae nang bigla itong sumunod kay Diana sa likod ng bahay. Maygoodness, ayaw pa naman niyang sinusundan at makalapit ang hindi niya kilala sa kaniya. Hindi nga yun sumama kay Tita Rowena sa bayan para sa kasal ng pinsan niya bukas eh. Kase naman takot siya sa tao. Not literally, she can't take judgment and criticism lang from other people because of her abnormal hormones.

"Grabe, ang pogi."

"Yeah, sobrang pogi nga."

Saad ng dalawang naiwan dito. Kaya pala para akong baliw na nagsasalita mag-isa na walang sumasagot o nag-aagree kanina dahil napatulala na sila kay Diana.

"Pero bakit ganun? Para siyang babae na lalaki na ewan." Wika ng babaeng nakasampal sa akin. At speaking of her, naiinis ako sa kaniya dahil hanggang ngayon, masakit pa rin ang kaliwa kong pisnge. "Hindi kaya, transgender siya? At kung ano man yon, tanggap ko siya ng buong-buo--"

"Hooy! Hindi yun transgender!" Agad kong pagtatama sa kaniya. Kase nag-aasume agad kahit hindi pa alam ang buong kwento. I know, it's just only her observation but, wala lang. Gusto ko lang siyang awayin.
"At umasa ka hanggang sa tumanda, dahil hindi yun pumapatol sa tulad mo. I mean, wala na sa bokabularyo niya ang relasyon because sa kaniyang lagay."

Napaharap naman ang dalawa sa akin at sa wakas, napansin din.

"Bakit? Ano ba ang lagay niya?" Tanong ng matangkad na kasama niya sa akin.

"I'm sorry. Wala ako sa lugar mag-explain sa lagay niya. Maybe, tanungin mo siya but. Isang malaking. Goodluck."

Knowing Diana for years, hindi yun masyadong nagbabahagi ng buhay niya. Pribado at tahimik siyang tao kaya it takes time and so much effort bago siya magkwento sayo o mag first move sa isang pag-uusap. Kaya hindi na pina-uupa ni Tita Rowena ang bahay-kubo sa mga dumarayo o naaabutan ng gabi dito dahil ayaw niyang makakita ng ibang tao maliban sa amin. At kaya nandito sila sa malayong bukirin nanirahan eh.

"But tanggap ko naman ang lagay niya so maybe, we can make our relationship work."

Napaawang ang labi kong nakatingin sa babaeng nakasampal sa akin dahil sa sinabi nito.

Anong pinagsasabi niya??

"Okay ka lang ba?" Pagtataka ko dito kaya napahagalpak naman ng tawa ang kasama niya. Tinignan niya ako ng masama na parang pinapatay ako sa kaniyang isip. Pake ko kahit totorturin niya pa ako sa kaniyang imahinasyon.



Bumalik na ang kaninang babaeng nakasunod kay Diana dito na may ngiti sa kaniyang labi. Nagtataka ako kung bakit, dahil hindi niya yun mapapayag ng basta-basta lang. Pero may iwinagayway na itong susi sa dalawa niyang kasamahan.

"Napapayag mo siya, Franki?" Tanong ng matangkad, na kuminang pa ang mga mata sa galak. Tumango naman ang nasabing Franki habang papalapit na dito.

Naguguluhan pa rin ako at hindi makapaniwala sa nalaman.

Wait?

Napapayag niya ang isang Diana Mackey?

How!?

"Anong ginawa mo para mapa payag siya?"
Tanong ko nang makarating na siya dito, at I can't really believe this. Alam kong may ginawa talaga siya na nagpabukas sa saradong puso nung isa.

Dahan-dahan niya akong hinawakan sa baba habang ang isang daliri niya sa kabilang kamay ay unti-unti humahaplos sa aking mukha. Bigla naman ako nakaramdam ng pagkalamig. Shit. Anong ginagawa ng babaeng ito sa akin?

"Ginamitan ko lang ng konting charm." Sagot nito habang nakangiti ng pagkatamis-tamis sa harap ng aking mukha. Pagkatapos non ay binitiwan na niya agad ito kaya napahinga naman ako ng maluwag. "Anyway, ihahatid mo daw kami sa bahay-kubo."


Hindi na ako umangal pa at agad nang naglakad patungo sa bahay-kubo na malapit lang dito. Well, isang kilometro lang naman ang layo. Lumabas na ako sa gilid ng bakuran dahil dito ang daan patungo roon. Sumunod naman ang tatlo. Medyo binilisan ko ang paglalakad dahil ayokong maabutan ng gabi mamaya sa aking pag-uwi sa bahay ni Diana. Doon na kase ako pinatira ni Tita Rowena simula nang umalis ang dalawa niyang anak para magtrabaho sa ibang bansa. Atsaka, may mga sariling pamilya na ang mga yon.

"Hey! Bagalan mo nga ang mga hakbang mo, hindi kami makakahabol!" Sigaw ng sumampal sa akin habang hila-hila ang tatlo niyang maleta nang lumingon ako sa kanila. Napatigil naman ako dahil sobrang layo na pala ng distansya ko.

"Pakibilisan niyo naman! Ayaw kong gabihin mamaya!" Sigaw ko rin pabalik. Urgh. Bakit ba ang babagal nila?

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago naglakad ulit. Tanaw ko na ang bahay-kubo na siyang pinapaligiran ng iba't-ibang klase ng mga halaman, may mga gulay, bulaklak, punong-kahoy, at marami pa.

Pumupunta rin minsan dito si Diana para linisin ito, so alam kong hindi na sila mahihirapan sa paglilinis ng kanilang matitirhan. And besides, kumpleto na yan sa mga gamit.

"Maraming salamat sa paghatid, Gazini. By the way, I'm Jodie." Pagpapakilala ng matangkad sa kanila nang makarating na sila dito. Nginitian ko nalang siya dahil no need nang magpakilala ng aking sarili.

"So kayo nalang ang bahala pumasok sa loob dahil kaylangan ko nang umuwi." Sabi ko sa kanila at agad nang naglakad pabalik, but pinigilan pa ako ng babaeng sumampal sa akin.

"Wait muna. Kaano-ano mo yung pogi?" Ngiting tanong nito na hinawakan pa ako sa kamay. Kinikilabutan ako sa kaniya.

"Kapatid ko bakit?" Pagsusungit ko dahil sinungitan din ako kanina eh.

"Whaaat!? Seryoso ka!? Ba't ang layo ng mukha niyo. Mas pogi siya."

"So? Wala akong pake. Ang mahalaga lang is, hindi ka niya type."

Sabi ko at naglakad na pauwi sa bahay.

Parang maeewan na ako sa babaeng yun. Pinaniwalaan talaga na magkapatid kami. Hindi yata niya narinig ang sinabi kong Tita Rowena kanina.






Nang makarating na ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kusina para maghapunan. Alam kong nakaluto na si Diana ng panghapunan namin. Siya kase ang palaging nagluluto dito.

"Bukas ng umaga, paalisin mo ang tatlo."

Bigla akong napahawak sa aking dibdib dahil bigla itong nagsalita sa aking likuran. Hay. Aatakihin talaga ako sa taong ito.

"Sinong tatlo?" Baling ko sa kaniya na nakakunot ang noo.

"Yung hinatid mo."

"What? Bakit naman?"

"Tinatanong pa ba yan?" At umupo na ito sa hapag-kainan at nagsimula nang kumain. Kaya umupo naman ako sa kaniyang harap.

"I mean, bakit mo papaalisin kung in the first place, ibinigay mo ang susi?" Pagtataka ko dahil hindi din maiintindihan ang takbo ng utak nito.

"Hindi naman talaga, but that woman manipulates me para pagbigyan ko. Para ibigay ko ang susi." Seryoso na sabi nito habang nakatingin na sa akin.

"So bakit ka nagpadala doon?"


"I had no choice, dahil kung hindi.."

Bahagya siyang tumigil at bumalik sa pagkakain. Nabitin ako kaya tinanong ko siya ulit. Hindi ako makapaghintay.



"Dahil kung hindi ano!?"



"Dahil kung hindi, mahahalikan na niya ako."

Seducing The EpiceneWhere stories live. Discover now